CHAPTER 23: MISS YOU

1 1 0
                                    

Ilang araw lang ay inuwi na namin sya dahil sinigurado pa namin kung ok na talaga sya and na confirm pa namin na ok na ok na sya. Sobra daw nyang namiss ang bahay namin pati na rin ang mga anak namin. Nung nandun na kami sa bahay ay hinanap nya agad si Yumi at si Coder williams. Kitang kita ko sa kanya ang kasiyahan na nadarama nya

Buong maghapon silang magkakasamang tatlo. Sabi ko nga ay magpahinga naman sya pero ayaw nya. Sobra daw nyang namiss yung dalawang bata kaya pinagbigyan ko na silang dalawa. Nung matutulog na nga kami ay katabi nya si Coder Williams tapos si Yumi ay nasa crib nya.  Natutuwa ako dahil nandito sila at kasama ko.

Hindi nag ingay ngayon si Yumi. Alam nya sigurong nandito ang papa nya. Naalimpungatan ako dahil nauuhaw ako. Nang makarating na ako sa kusina ay may napansin akong patak ng kung  ano  sa sahig. Yumuko ako nun at dun ko napansin na galing sa alin yung tumutulo. 

Nang punasan ko yung ilong ko ay napansin kong may dugo ang ilong ko. Nung mga nakaraang araw ay ganun din ang nangyari habang nasa work ako pero hindi ko yun pinansin. Humihina na rin ang paghinga ko at madalas na rin ang pagpupuyat ko ng sobra at marami pa akong nararamdaman bukod dun.

''Baka sa pagod ko lang ito'' sabay punas sa ilong ko.

Baka ito na yung kapalit ng hiling ko. Hiniling ko yun kaya wala nang atrasan pa. Para sa kanya, Gagawin ko ang lahat dahil mahal na mahal ko sya at ang mga anak ko.

Hindi  ko ipapaalam sa kanya ang nangyayari sa akin. Gastos lang itong gagawin ko. Masaya na sya sa amin.Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ito pero kakayanin ko ito.

(kinabukasan)

Dumalaw ang mga co- teachers nya sa bahay namin para kausapin sya at kamustahin na rin. May mga dala pa nga silang pasalubong sa aming dalawa at pati na ring mga cute na laruan sa mga anak naming dalawa.

Nakita nga rin nila si Kentarou na nasa bahay. Nabigla sila dahil nandun sya. Ang sabi na lang nya ay tumutulong na lang daw sya sa pag aasikaso sa mga anak ko at nagbabakasyon na rin.

Madami silang naging kwentuhan habang ako ay nasa kusina at naghahanda ng kakainin nila ngayong tanghalian.

''Tulungan na kita dyan. Nakikitira na nga lang ako dito eh wala pa akong gagawin''

''Salamat.''

''Ken?''

"Bakit?''

''Nakita mo na ba si Samara mula ng umuwi ka?''

''Hindi pa? Wala akong lakas ng loob na dalawin sya o puntahan man lang sa bahay nila.''

''Dahil ba sa nangyari noon?''

''Hindi ko yun pwedeng kalimutan.''

''Alam ko? Pero sana ay puntahan mo sya. Yun ang hiling ko sayo''

''Parang aalis ka naman dyan Conan''

''Habang may oras ka pa ay pahalagahan mo yung mga taong mahal mo''

''Tigilan na natin yan. Dadalhin ko na itong pagkain sa kanila''

''Sige''

Mukha bang nagpapaalam ako? Siguro nga? 

Masaya kaming kumakain nun ng sabay sabay. Masayang nag uusap at napansin ako ng isa nyang co-teacher na babaeng kasing edad nya.

''Ok ka lang ba? Namumutla ka?''

''Ok lang po? Pagod lang po ito''

''Mag ingat ka huh? Uso ang sakit ngayon''

''Mag iingat po ako'' sabay ngiti

Natapos din ang tanghalian namin na masaya. 

Nung kinagabihan ay hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko pero tiniis ko pa rin kasi baka magising sila sa ingay ko.

Titiisin ko ito at kailangang hindi nila mahalatang lahat. Tinulog ko na lang kasi may pasok pa ako sa work ko. Kahit na magaling na sya ay kailangan ko pa rin ng trabahong yun at tsaka na lang ako hihinto kapag pwede na ulit syang pumasok sa school ulit.


I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon