Kahit nasa office ako, kalahati ng utak ko ay iniisip pa rin si ken? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakausap sya? Pero i wish na maayos ang maginf pag uusap naming dalawa kahit papaano. Kahit si coder ay nag aalala sa akin kasi hindi ako focus sa pagkain. Malalim kasi ang iniisip ko ng mga oras na yun. Nakiusap ako sa kanya na kung pwede ay ihatid ako a bahay nila ken para makausap sya. Sabi ko rin sa kanya na wag na nya akong hintayin pa pero sabi nya, hihintayin nya pa rin ako sa labas ng bahay nila. Sa huli, pumayag rin ako sa gusto nya.
Kabado ako nun pero hindi dapat ako mag aksaya ng oras. Gabi na kami nakapunta dun at nag doorbell ako sa labas. Pinagbuksan ako ng pinto ng maid nila at tinanong ko kung nandun sya sa loob. Ang sabi ay umalis sya at matagal daw ang uwi nya dahil may pinuntahan daw sya. Sinabi ko na hihintayin ko sya sa loob at pinapasok naman ako ng maid nila.
Dun na rin ako kumain ng hapunan dahil sa natanong na rin ako kung kumain na ba ako. Kaya ayun, pinuntahan ko na si coder at sabay kaming kumain sa bahay nila ken habang inaantay sya.
Habang kumakain kami ay naikwento na rin sa amin ng maid na ilang araw nang gabi kung umuwi si ken sa bahay. Kung minsan, lasing pa sya kung umuwi ng bahay. Walang nakakaalam sa kanila kung ano ang problema nya. Kapag tinatanong naman sya, hindi sya sumasagot at bigla na lang aalis at pupunta sa room nya o kaya aalis ulit.
Nang malaman ko yun ay labis akong nag aalala sa kanya kaya hinintay namin sya. Sabi ko kay coder na umuwi na sya kasi may class pa sya bukas pero gusto nya akong hintayin hanggang makausap ko si ken.
Ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin sya umuuwi sa bahay nila. Sabi ng maid, bukas na lang kami bumalik para kausapin sya. Isang araw ang lumipas na hindi ko man lang sya nakakausap man lang.
(Uwian)
"Makakausap mo rin sya."
"Sana nga? Hindi naman sya ganun dati? Nag iba na sya".
"Baka ikaw lang ang makakatulong sa kanya kaya wag ka nang mag isip masyado".
"Tama. Maayos din ito".
Nang nasa labas na kami ay nakita ko ang maid nya at driver at kinausap ako.
"Mam conan. Kailangan po namin ang tulong nyo..... si sir kasi".. nag aalalang sabi ng maid
"Anong nangyari kay ken??"
"Si sir kentarou po, may lagnat pero ayaw nya kaming papasukin sa silid nya. Ilang araw na po palang masama ang pakiramdam nya. Kanina lang po namin napansin nung bigla na lang syang natumba habang naglalakad sa dining area para kumain" sabi naman ng driver nya.
Agad kaming sumakay ni coder sa kotse nya at kasunod namin ang maid at driver nya. Pagkarating namin sa bahay ay kumaripas ako sa silid nya pero naka lock ang pinto ng silid nya. Kumakatok ako pero hindi sya nagsasalita. Tinanong ko kung nasaan ang duplicate ng silid nya pero sabi ng maid ay kinuha nya ito nung nakaraang araw at hindi na rin nila ito nabawi sa kanya. Sobrang kabado ang lahat ng nandun sa loob ng bahay. Pero nakaisip ng paraan si coder. Gumamit sya ng wire para itusok ito sa knob para mabuksan at nabuksan ito ni coder.
Agad kong binuksana ng pinto at nakita ko si ken na nakahandusay sa sahig at agad syang binuhat ni coder at inihiga sa kama nya. Dun ko napansin na may pasa sya sa katawan, halatang nakipag away sya.
"Coder, bumili ka ng mga gamot para sa kanya. Madami syang sugat at pasa sa katawan."
Agad umalis si coder para bumili sa botika ng mga gamot na kailangan nya.
Inutusan ko ang maid nya bigyan ako ng pimpo at tsaka tubig na malamig para bumaba ang lagnat nya kahit papaano. Namumula sya dahil sa lagnat nya. Hindi ko sya maiwan ng mga oras na yun. Panay ang punas ko sa ulo nya at sa braso para malawa yung nag aapoy nyang lagnat.
Nang matapos na ako ay naramdaman ko ang pagod ko at nakatulog sa tabi nya.
Nagising na lang ako na nasa tabi ko na si conan at may hawak pang pimpo sa kamay. Inalagaan nya ako? Pero bakit? Nag aalala ka sa akin dahil kaibigan mo ako at hindi dahil sa mahal mo rin ako higit pa sa kaibigan?
Nakakainis ang ganung pakiramdam. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko pero naramdaman ko ang pagsakit ng katawan ko dahil sa bugbog na inabot ko sa mga lalakeng iyon. Nakakainis ang kayabangan nila.
Pero binantaan nila ako na sasaktan nila sya kaya hindi ako makakapayah na gawin nila yun sa kanya.
Kahit na masakit ang katawan ko ay tinignan ko sya. Ang himbing ng tulog nya n mga sandaling iyon at dahil dun ay unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi nya.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa silid nya para tignan sya at agad kong binuksan ang pinto at nabigla ako sa nakita ko......... hawak hawak nya ang kamay ni conan at nakahalik ang labi nya sa kamay nya.
Huminto ang paligid ko. Hindi ko napigilan ang lumuha at nakita nya ako na ganun ang reaksyon.
"Samara?"
Bumangon sya sa pagkakahiga at tumingin sa akin.
"Sorry sa lahat pero sya lang ang mamahalin ko, wala nang iba".
Ipinamukha nya sa akin ang mga salitang iyon. Sa sobrang sakit ng nalaman ko ay tumakbo ako at hindi ko na napansin na magpaalam kay coder .
"Anung nangyari sa kanya?"
Hindi ko alam ang nangyari sa kanya kaya pumunta na lang ako sa silid ni ken para sa mga gamot nya. Nadatnan ko na tulog pa rin si kentarou at pati na rin si conan. Sa pagod na rin sa trabaho kaya nakatulog din sya sa pag aalaga nya kay kentarou.
Pagkatapos nun ay inilagay ko ang mga gamot na binili ko sa table sa silid nya at ginisn si conan para umuwi. Gabi na rin kasi at kailangan na nyang magpahinga .
Nagbilin ako sa mga maids nila na asikasuhing mabuti si kentarou dahil matagal tagal pa sya bago gumaling dahil na rin sa mga pasa nya sa katawan.
(Sa labas ng bahay nila unice)
"Maging ok lang kaya sya?"
"Oo naman. Gagaling din sya wag ka nang mag alala"
"Ok, sige good night".
"Good night din, bye"
Tapos nun ay umalis na sya.
Magiging ok din sya, sigurado ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/20251810-288-k101909.jpg)
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Fiksi RemajaA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.