Tapos ang buhay college ko and i have to face my responsibilities as tagapagmana pero im not good to handle our two businesses, the hospital and the school. Alam ko ang kakayahan ko at alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan yung hindi ko kaya. Kaya sinabi ko agad kay principal na gusto kong mag start sa mababang posisyon sa trabaho ko. Nung una, ayaw nya pero sa sobrang kulit ko ay pumayag na rin sya at ang ibinigay nyang trabaho sa akin ay encoder ng mga files sa school activities and marami pang iba. Hindi nya ako ipinunta sa hospital kasi alam nyang ayaw ko nun. Pero hindi na ako ininterview pa para dun pero nakiusap ako na kung pwedeng magbakasyon ako kahit 1 week lang pero hindi sya pumayag.
Kaya eto ako ngayon, computer lang ang kaharap and panay ang encode sa office nya. Kami lang yung magkasama dun at medyo ilang lang ako ng konti sa situation pero masasanay din ako pag tumagal. Kahit na may work na ako ay nagkikita pa rin kami ni thor dahil nasa iisang school lang naman kami. Tuwing lunch break nga ay pinupuntahan nya ako sa office at sabay kaming kumakain. Kung minsan, gusto nya akong tulungan pero sabi ko ay ok lang, ayokong mapagod ang maganda nyang kamay. Kapag linggo nga, may time kaming magdate dalawa kahit na medyo pagod sa work naming dalawa. Hindi naman ako maarte sa kakainin ko. Ayaw ko ngang kumain sa sosyal na restaurant dahil nanghihinayang ako sa pera na gagastusi nya. Kahit mumurahin lang na pagkain, ok na sa akin at tsaka nasanay na ako sa pagkaing hindi sosyal.
Masaya ako kapag magkasama kami. Palagi kong tinitignan ang maamo nyang mukha at kapag ngumiti sya, napapangiti na rin ako dahil sa kilig :). Kahit na malayo ang agwat namin sa isat isa ay parang ka edad ko lang sya kung kumilos, ibang iba sa kilos nya kapag nasa school na sya at nagtuturo na sa mga students nya. Basta ang alam ko.... sya ang gusto kong makasama HABANGBUHAY :).
(Lunch break)
"Madami pa ba yang gagawin po? Lagi ka na lang nakatutok dyan sa computer mo?" Halatang nag aalala sya sa akin.
"Oo? Madami pa eh, kailangan tapusin ngayong araw."
"Alam mo? Naisip ko na hindi na kita tatawagin sa pangalan mo kasi medyo naiilang ka kapag tinatawag kita sa pangalan mo?"
"Huh?? Ano??? Oo? Medyo naiilang nga"
"Ok. Magmula ngayon, ang tawag ko sayo ay Coder".
"Coder?"
"Oo. pinagsama yung pangalan natin, Conan and thunder.
Napangiti sya. Halatang nagustuhan nya ang naisip kong itawag sa kanya.
"Ok, magand kaya kasi galing sayo" sabay kurot sa pisngi ko".
Magmula noon,yun na ang tawag ko sa kanya. Walang araw na masaya kaming dalawa. Nung araw na yun ay hindi sya umuwi( palagi naman kasi lagi akong hinihintay) dahl tinulungan nya ako at habang ginagawa nya yun ay nakatulog ako nun at ginising na lang ako na tapos na yung ini encode ko pra sa araw na yun.
Makalipas ang ilang araw, nabigla ako dahil dumalaw sa school si sam. Kasama ko si coder nun dahil uuwi na kami. Nagpunta kami sa restaurant at nagkausap.
"Musta ka na conan? Maganda ka ngayon " sabay ngiti nya.
"Huh? Ikaw talaga? Bakit ka pala pumunta dito para kausapin ako?"
"Tungkol ito kay kentarou, hindi ko kasi sya maintindihan eh" tapos ay nagsimula na syang umiyak.
Tumingin ako kay coder at sinabi ko na antayin na lang ako labas ng restaurant.
Tapos nun ay nagsimula nang magkwento si samara sa akin. Nalaman ko sa kanya na after nang graduation namin ay sinagot nya si kentarou mula sa panliligaw nito sa kanya. Masaya naman sila pero nung nakaraang araw lang ay naging malamig na sya sa kanya. Nung mothsary nga nila ay hindi daw sya nito kinakausap kahit magkasama na sila. Tahimik lang sya at parang walang pakialam sa kanya. Hindi nya alam kung bakit naging ganun sya? Wala naman daw syang maalala na may ginawa syang masama kay ken. Naging loyal naman sya sa kanya? Hindi naman sya pasaway o makulit sa kanya.
Pero ang hindi na nya makaya ay yung hindi na sya tumatawag sa bahay nila at sa tuwing pumupunta naman sya sa bahay nila ken ay hindi rin sya pinapapasok para kausapin sya.Dahil hindi na makaya ang sitwasyon nila ay naisip nyang kausapin ako dahil nagbabakasali sya na alam ko kung bakit ganun si ken.
"Matagak ko na ring hindi nakikita si ken. Wala nga akong balita sa kanya."
"Ganun ba? Ang akala ko kasi ay may alam ka? Mas higit mong kilala si ken kesa sa akin conan pero sana ay matulungan mo ako, please?"
Sa sitwasyon nya ay hindi ko sya kayang tiisin kaya sinabi ko sa kanya na gagawin ko ang paraan para makausap sya. Nagpasalamat si samara sa akin at pinatahan ko sya sa pag iyak. Pero? Bakit nagkaganun si ken? Hindi naman sya ganun kay sama? Alam kong may mali dito.
Pagkatapos naming kumaing dalawa ay hinatid namin sya sa bahay nila na medyo naiiyak pa rin sya dahil sa problema nila.
(Habang nasa byahe kami ni coder)
(Sa kotse nya)
"Mukhang malalim ang pinagdadaanan ng kaibigan mo".
"Oo, hindi ko nga maintindihan si ken ngayon. Kahit na hindi na nya ako pinapansin ay ok lang yun sa akin pero ang gawin nya yun kay samara ay nakapagtataka talaga?"
"Kailangan mo talagang kausapin si kentarou."
"Masusunod po master coder" sabay ngiti ko.
Napatingin sya sa akin at hinawakan ang kamay ko ng kabilang kamay nya.
"Hindi tayo magiging ganun katulad nila. Hindi ko maiipapangako pero gagawin ko ang lahat para maipadama sayo kung gaano kita kamahal at gagawin ko ang lahat para hindi tayo mag away dalawa ".
"Alam ko naman na hindi mo gagawin yun sa akin " sabay ngiti ko.
Wala namang perpektong pag ibig. Lahat naman ay may problemang pinagdadaana pero lagi nating tandaan na anuman ang mangyari sa atin, alam natin na may taong magmamahal sa atin ng totoo at tunay.
Hinatid nya ako sa bahay nila unice at bago pa sya umalis ay niyakap nya ako at pinisil ang pisngi ko tapos nun ay umalis na sya.
Bukas ko na lang siguro pupuntahan si kentarou bukas sa bahay nila para kausapin. Kailangan malinawan na si samara at pati rin ako sa pinagdadaana nya ngayon.
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.