CHAPTER 27: I WILL LOVE YOU FOREVER CONAN

6 1 0
                                    

Tapos na ang bagong taon at panibagong taon na naman ang lumipas. Nararamdaman ko na ang hirap na nararamdaman ni Conan dahil habang tumatagal ay hindi na nya kinakaya. Halos hindi ko na sya matitigan at tinitiis ang umiyak sa harapan nya. Pero kahit ganun ay nagpapakatatag pa rin ako para sa pamilya namin.

Kahit na nasa trabaho ako ay sya pa rin ang iniisip ko. Panay ang tawag ko sa bahay para kamustahin sya. Mabuti naman sya sabi ng mga kasambahay namin pero hindi ko pa rin maalis sa akin ang hindi mag alala.

Kahit na pagod ako sa work ko ay inaalagaan ko pa rin sya. Kung naalagaan nya ako noon kahit na hirap  na hirap na sya ay ganun din ang gagawin ko. 

Pero mahirap rin palang tanggapin na mawawala sya. Ang akala ko ay ayos na sa akin na palayain sya pero ang hirap talaga. Bata pa ang mga anak namin at isang taon pa lang si Yumi. Ayokong lumaki sila ng walang ina at ayokong iwan nya ako.

Lumipas ang mga araw at pahirap ng pahirap ang kondisyon nya. Naawa na nga si Coder williams sa sitwasyon ng mama nya. Sinabi ko na lang na matatag ang mama nya kaya gagaling din sya sa sakit nya.

Dumating ang february at naalala ko ang araw kung kailan nya ako sinagot nun. Natuwa sya ng sabihin ko yun sa kanya. Sabi ko sa kanya ay mag celebrate kami sa araw na yun kaya magpalakas sya dahil may surprice ako sa kanya.  Magpapalakas daw sya para dun dahil curious sya sa surprice ko sa February 14. 

4 araw bago ang feb. 14 ay nasa school ako nun at nasa class ko at nagtuturo ng math ng  tumawag sa akin si aling tess at hindi ko tinuloy ang klase ko nang sabihin ni aling tess na hindi gumigising si Conan ng gisingin nya ito para kumain.

Kumaripas ako ng takbo at pumunta sa kotse ko papunta sa bahay. Umiiyak na ako at kinakabahan.

''Nandyan na ako. Hintayin mo ako''

Nang makarating na ako sa bahay ay nandun silang lahat at ginigising pa rin sya. Mainit naman daw ang kamay nya pero hindi sya gumigising sa pagkakatulog nya.

''Conan? Nandito na ako. Gumising ka na please?'' sinasabi ko habang umiiyak na ako sa harap nya.

Hindi pa rin sya gumigising at sinubukan kong hawakan ang mga kamay nya at pinisil ang mga ito para maramdaman nya na nandito na ako sa tabi nya. Ilang minuto lang ay nagising na rin sya.

''Bakit nandito kayong lahat? Coder? Di ba dapat nasa school ka at tsaka bakit kayo umiiyak lahat?''

''Buti naman at nagising ka na.''

''Bakit ka umiiyak? Buhay pa ako''

''Oo, alam ko''.

Hindi na ako bumalik sa school at nanatili lang sa bahay para bantayan sya.

...........

Tinawag ko nun si Coder na nasa labas ng pinto at nakatingin lang sa akin.Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

''Mama? Gagaling ka naman po di ba?''

''Hindi ko alam anak. Ang alam ko lang ay hirap na hirap na ako''

''Malulungkot si papa kapag wala ka dito''

''Kaya may ibibilin ako sayo anak. Alagaan mo si papa. Kapag malungkot sya ay pasayahin mo sya at pati na rin si Yumi. Bilang kuya nya at lagi mo syang protektahan at mahalin. Yun ang bilin ni mama''

''ok po mama. Susundin ko po lahat ng sinabi nyo po sa akin''

''Payakap nya'' 

Niyakap ko si Coder williams. Ang aking lucky charm. Umiiyak ako habang yakap sya. Nararamdaman ko na mawawala na ako kaya yayakapin ko ang mga anak ko habang nakakaramdam pa ako. 

Sinabi ko kay Coder williams na tawagin si aling tess. Sinabi ko na kunin si Yumi at itabi sa akin.

Tinanong ko si aling tess kung nasaan si Coder. Ang sabi nya ay bumalik saglit dahil pinatawag sya ng principal pero babalik din sya agad.  Importante daw kasi.

''Hi anak. Hindi ko na ata makikita ang paglaki mo pero tandaan mo na mahal na mahal kita.''

Mas lalo akong naiyak habang sinasabi ko ito kay Yumi. Bata pa si Yumi at gusto ko pa syang makasama hanggang sa lumaki sya  pero hindi ko na ata makikita yun.

tatandaan ko ang mala anghel nyang mukha at nakakatuwa nyang mukha.

Hindi ko kayang iwan sila.............

''Kain ka na dun anak. Dito muna kami ni Yumi''

''Ok po''

Tapos ay bumaba na si Coder williams para kumain ng tanghalian\

Natulog akong kasama si Yumi na tulog rin.

(Kinagabihan)

Matapos nilang maghapunan sa baba ay umakyat na sa room si Coder at tumabi sa aking matulog.

''Wag mo na yung uulitin huh. Pinakaba mo ako ng sobra''

''Hindi na po''

''Matulog na tayo''

''Babantayan kita hanggang sa makatulog ka'' sabi nya sa akin

''Matutulog na po'' sabi ko kay Coder

Tinignan ko sya kung tulog na sya. Tulog na sya. Magkaharap kaming natutulog at hinawakan ko ang mga kamay nya habang nakatingin sa kanya. HIndi ko magawang matulog ng mga sandaling iyon. \

At nagsimula akong umiiyak habang tinitignan ko sya ng matagal. Tinatandaan ko ang maamo nyang mukha.Hinawakan ko ang mukha nya ng mga sandaling iyon

''Mahal kita''

''Noon. Gusto kong mamatay pero nang dahil sayo ay binigyan mo ng pag asa ang buhay ko pero nang nandito na ako sa sitwasyon na ito. Naisip ko na mahirap palang mamatay na alam mong may iiwan ka. Ayaw ko kayong iwan pero hindi ko na kaya pa''

Unti unti ko nang nararamdaman ang paghina ng puso ko at pati na rin ang paghina ko kaya pumikit ako. Inaalala ko lahat ng mga masasayang bagay na kasama sya hanggang sa huling sandali ko na kasama sya.

...........

Napahimbing ang tulog ko at mukhang tanghali na ako. Nakita ko sa harap ko si Conan na tulog pa rin at napakalamig ng kamay nya kaya ginising ko sya.Kinabahan na naman ako at nang tignan ko kung may pulso pa sya at wala akong maramdaman.

Gumuho ang mundo. Hindi ito totoo? Bakit? Bakit?

Nagsimula na akong umiyak habang yakap yakap ko sya. Bumuhos ang iyak ko ng mga sandaling iyon. Nakita na lang nila ako na umiiyak at sila ay naiyak din. 

Hindi na nya naabutan ang feb. 14. Namatay sya nang February 12, 1989 sa edad na 26 years old dahil sa acute leukemia. Lahat ng mga kasama namin sa bahay at yung mga kaibigan namin ay dumalaw sa burol nya. Tahimik lang ako sa burol at nakabantay sa kanya. Ayokong iwan sya kahit saglit lang.

Nalaman din yun nila Samara and Kentarou. Nabigla din sila sa nangyari sa kanya. Hindi nya nakita na nagkaayos na ang dalawa. 

At kahit na inilibing na sya ay hindi ko pa ring tanggap hanggang ngayon. Naiwan akong mag isa sa puntod nya at tumingin sa langit.

''I will always love you forever Conan''

Kahit na wala ka ay matuloy kitang mamahalin hanggang sa magkasama rin tayo ulit.

Pinatunayan mo  sa akin na kahit na kamatayan ang humadlang sa atin, Hindi nun mabubura ang pagmamahal ko sayo.

Alam kong magkikita tayong dalawa.


-THE END-


P.S. THE PART 2 OF THESE STORY IS IN THE FB PAGE. JUST SEARCH FOR I WANT TO DIE 2: END AND BEGINNING.

THANK YOU FOR READING MY STORY AND CONTINUE READING THE SECOND ONE.



I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon