CHAPTER 14: GOODBYE KEN

7 1 0
                                    

Dahil sa pangyayaring iyon kay ken ay nalaman ito ng parents nya sa japan. Agad na umuwi ang parents nya at pumunta sa bahay nila. Ang sabi ng katulong ay pinagalitan daw ng sobra si ken dahil sa mga pinag gagawa nya nang mga nakaraan araw. Binalak ko sanang puntahan si ken pero nandun ang mama nya kaya kampante na ako.

Pero makalipas ang dalawang araw nang dumating ang parents nya ay nabigla ako ng biglang dumalaw ang parents nya sa bahay nila unice.

"Conan!!! " sabay yakap sa akin ng makita ako. kauuwi ko lang nun galing work at kasama ko si coder nun sa bahay.

"Musta na po kayo, tita, tito?"

"Mabuti naman kami hija"

"Medyo busy lang kasi sa business namin"

"Pwede bang humingi ng favor hija?"

"Ano po yun tita?"

"Dun ka muna sa bahay namin huh? Pasaway kasi si ken eh, ayaw magpaalaga sa amin. Ikaw ang hinahanap nya. Alam ko na nakakahiya ito pero wala naman akong maisip na tutulong sa kanya, ikaw lang talaga. Please hija?"

Napatingin ako kay coder at napangiti sya, sign na payag naman sya at napangiti din ako. Akala ko eh hindi sya papayag pero naintindihan nya naman ako.

"Thank you "

Tapos nun ay sinabi ko kay tita na bukas ako pupunta sa kanila para alagaan si ken. Malungkot si unice pero sabi ko sa kanya, kailangan ako ng friend ko. Naintindihan naman nya yun.

Nang tapos na an work ko ay hinaakan ni coder ang kamay ko habang naglalakd kami sa corridor.

"Matagal tagal ka siguro dun kina ken?"

"Hindi ka ba nagseselos?"

"Hindi? Alam ko naman na ako ang first love mo"

"And last love" sabay tawa ko.

"May nakakatawa ba?"

"Wala naman? Nakakatuwa lang na understanding ka".

"Nagseselos din ako kasi mahahati ang oras mo."

"Oo nga? Nagi gulty kasi ako sa nangyari sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit nangyari yun sa kanya kaya ito lang yung paraan para hindi na ako ma guilty sa kanya."

"Basta, alagaan mo sarili mo dun. Alam mo naman na may feelings pa rin sya sayo".

"Ano ka ba? Friends lang kami at dun lang yun coder"

"Nakakatawa ka palang magselos " sabay tawa ko ng malakas.

Pagkatapos nun ay hinawakan nya ang pisngi ko at nilapit ang mukha nya sa mukha ko.Nabigla ako a ginawa nya at titig na titig lang ako sa kanya.

"Mahal na mahal kita conan. Tandaan mo yan palagi"

Tapos nilayo nya ang mukha niya at tinitigan ako.

"Kahit 3 minutes lang, mamimiss ko kasi ang mukha mo eh."

"Bakit? Hindi naman ako aalis huh?"

"May field trip ang mga students ko at kahit isang araw lang kitang hindi makita eh hindi ko yata kaya"

Napangiti na ang ako sa mg sinabi nya.

Nandun na ako sa bahay nila at nalaman ko na lang na ngayon ang field trip ng class nya. Kaya pala ganun sya kahapon. Sana mag enjoy sya dun ng sobra at dalhan din ako ng pasalubong :) .

Nang nandun na ako sa bahay nila ken ay super saya nya at walang oras na hindi ako ang kausap nya at kasama sa bahay nila. Parang hindi nya namamalayan kung nageexist pa ang parents nya . Kinakausap naman nya ang mga maids and drivers nila and pati ang parents nya pero konting oras lang ang naibibigay nya tapos ako na naman ang pupuntahan sa room ko at magkwekwentuhan kami.

I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon