Mula ng araw na yun ay nandun lang sa bahay si Coder at nagpapahinga. Ayaw pa nyang magpadala sa hospital. Iniisip nya yung gastos namin sa hospital. Sinabi ko na wag na nyang isipin yung gastos, Ako na ang bahala dun. Nandun lang ako at inaalagaan sya ng mabuti pati na rin si aling tess.
Naging doble ang trabaho ko at ni aling tess nun. Sinabihan ko na rin yung mga kasamahan nyang teachers tungkol sa kondisyon nya. Nag alala din sila sa kalagayan nya at pati na rin sa akin. Sinabi ko na kakayanin ko ang lahat para sa kanya.
Nung nandun ako ay nagbigay sila ng konting tulong sa akin at nag abot ng pera sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila dahil napakabait nila sa amin.
Lumipas pa ang mga araw na kailangan na namin syang dalhin sa hospital dahil lumalala na ang kondisyon nya. Marami kaming naging gastos nun at hindi na namin mapasweldo ang mga kasama namin sa bahay pero sa halip na umalis ay tumulong pa sila sa amin.
Kaya naghanap na ako ng trabaho nun kahit na may pera pa kaming nakatabi dahil yun ang gagamitin namin sa gastos nya sa hospital.
(sa hospital)
''Puyat ka ba?'' Tanong nya
''Hindi naman masyado. Daming kasing ginawa sa work eh'
''Bakit ka pa nagtrabaho? May pera naman tayo?''
''Mas maganda na yung hindi natin magastos yung pera na para sayo''
''Ayokong nakikita kang ganyan''
''Ok lang ako. Magpagaling ka na lang huh?''
''Oo. Sana may himalang mangyari talaga''
''Mangyayari yun. Magtiwala lang tayo, Ok?''
Tapos ay hinawakan ko ang kamay nya at nginitian ang bawat isa. Ako muna ang nagbantay sa kanya at si aling tess naman at yung iba ay bantay muna sa bahay at inaalagaan yung sina Coder williams and Yumi.
Nung kinabukasan ay balik na naman ako sa work ko bilang waitress sa isang restaurant and madaming tao ng araw na yun. Nakakaramdam na ako ng pagod pero tiniis ko yun dahil kailangan ko ng perang pangastos namin.
''Merong customer Conan'' sigaw ng kasama ko
''Pupunta na ako''
tapos ay pumunta na ako dun. Sa may bandang dulo sya nakapwesto. Nag iisa lang sya dun.
''Anung order nyo po sir?''
tapos tumingin sa akin yung customer namin.
''Kentarou?''
''Kamusta ka na?''
''Anung order mo?''
''May order na ako''
''Huh? ''
''May order na sya Conan and kasama ka dun. '' tapos pinaupo ako ng kasama ko sa work.
''Sya ang may dala ng order ko. Di ba paborito mo itong ramen''
''Busog pa ako''
''Kumain na tayong dalawa''
Napilit nya rin akong kumain ng ramen.
''Nabalitaan ko yung nangyari sa kanya. Tignan mo yang itsura mo, Puyat ka ba lagi''
''Oo''
''Napauwi ako agad nung nalaman ko yung kalagayan nyo at nandito ako para tulungan ka''
''Huh? Kahit hindi na Ken''
Tapos hinawakan nya ang kamay ko.
''Para saan pa at naging magkaibigan tayo?''
''Salamat talaga sa pagkain. Sige, may work pa ako''
''Sinabi ko sa manager mo na sa akin ka muna''
''Pero? ''
''Kunin mo na yung mga gamit mo at aalis tayo''
''Huh?''
"Ito na yung mga gamit mo Conan. Bye na. Dali na at baka agawin ko yang cute na kasama mo'' hirit ng kasamahan kong babae na crush na ata si ken.
Tapos nun ay umalis na kaming dalawa at pumunta sa supermarket. Namili kami ng pagkain at yun ay para daw sa akin. HIndi na daw kasi ako cute . Nagawa nya pa akong biruin. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa bahay namin at sya ang naghanda ng pagkain naming lahat.
''Kain na tayo''
''Salamat dahil ikaw pa ang naghanda nito para sa amin''
''May restaurant ako kaya marunong naman akong magluto at tsaka ok naman yun sa akin. Matitikman mo ang masarap kong luto''
''Mam Conan,Umiiyak si Yumi''sabi ng isa kong maid na pababa sa hagdanan.
''Akin na si Yumi'' tapos ay pinatahan ko sya
''Anak mo?''
''Oo?''
"kasing ganda mo sya''
"Salamat sayo. Kain na kayo. Patutulugin ko pa si Yumi''
Kumain na sila at nagpahuli ako. Si ken ay tumulong na rin sa pagliligpit ng mga plato at paghuhugas na rin kasama si aling tess.
Dun muna daw nagpalipas ng gabi si ken at kami lang naiwan kasama narin ang mga anak ko at yung dalawang kasama namin sa bahay. Yung isa naming maid at si aling tess muna yung bantay ni Coder sa Hospital.
(Sa Sala)
''Masaya bang magka pamilya?''
''Oo naman''
''Buti ka pa kasi may pamilya ka?''
"Wala ka pang asawa?''
''Wala pa''
''Ganun ba?''
Tumingin ako kay Conan
''Conan''
Tumingin sya sa akin
"Bakit?''
Niyakap nya ako ng mahigpit
''Hindi ko kayang nahihirapan ka ng ganito. Mas nasasaktan ako''
''Ken''
Napapikit na lang ako habang yakap nya ako.
''kakayanin ko naman ken kahit sobrang hirap na''
Salamat dahil dumating ka ngayon Ken. Ikaw talaga ang bestfriend ko.

BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.