5 years na kami ni coder as a couple and hindi ako makapaniwala na tatagal kami ng ganito? Tulad ng iba ay nagkaroon din kami ng misunderstanding sa isat isa pero hindi naman namin pinapalipas ang araw na hindi kami nagkakaayos. Sa totoo lang, ayaw nya talagang nag aaway kami kasi sya ang nasasaktan kapag makita pa lang nyang hindi ako ok. Alam kong malayo ang agwat namin perosya pa ang nag aadjust for me dahil ako ang mas bata. Kaya, kahit na ganun kami ay hindi ko sya matiis dahil mahal ko sya, mahal na mahal higit pa sa buhay ko.
Sa susunod na araw pa ang 5th anniversary naming dalawa pero these past few days ay super busy kami dahil sa madaming activities sa school dahil malapit na ang graduation ng mga seniors students ng black pearl high school. Abala ang lahat kaya minsan na lang kami magkita kahit nasa iisang school lang kami.
Pero kahit na masaya ako ay hindi naman nawala sa isip ko si ken. 5 years na rin syang wala dito sa pilipinas and nandun pa rin sya sa japan. Sabi ng mama nya ay ok naman sya pati na rin yung restaurant business nya dun. Pangarap talaga ni ken ang magkaroon ng sarling restaurant before pa and masaya ako na natupad yung isa sa mga pangarap nyang yun.
Pero hindi sya nakapagpaalam sa akin ng maayos noon dahil galit si coder sa kanya. Isang sulat lang ang ibinigay nya sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa ito binabasa. Nakatago lang sya sa cabinet ko at nakatago. Ayokong basahin yun dahil alam kong malungkot ang mga sinabi nya sa sulat. Siguro ay darating yung araw na babasahin ko rin ito o kaya ay ibang tao ang magbabasa nito para sa akin.
February 14, 1988 ( valentines day)
Sinundo ako ni coder sa bahay para mamasyal pero sabi ko ay gabi na. Yung makasama ko lang syang kumain sa bahay at maghapunan ay masaya na ako pero mapilit sya. Mamasyal daw kami kasi may event daw dun sa theme park na gustong gusto ko nung bata pa ako at hanggang ngayon ay gusto ko pa rin. Simpleng t shirt and pants and tsinelas lang yung suot ko nung gabing iyon. Hindi na nga ako nakapag make up at suklay lang ang nagawa ko. Yung itsura ko habang nakatingin sa salamin ng kotse nya. Feeling ko ay kakagising ko lang sa pagkakatulog habang sya ay pormang porma pa sa suot nya.
"Anung meron dun sa theme park?"
"Basta. Magugulat ka na lang" sabay tawa nya
"Huh??? Umuwi na lang tayo kasi pagod ka na nung nakaraang araw kasi may exams yung mga bata and nag check ka pa. Tinulungan na nga kita para hindi ka na mahirapan pa. Umuwi na lang tayo please?"
"Hindi pwede conan. Sayang naman yung surprice"
"Surprice????"
"Huh???? Ano???? "
Alam kong may kakaiba sa kilos nya. Malalaman ko rin yun mamaya.
Nung nandun na kami ay sinabihan nya ako na dito muna ako at wag aalis sa pwesto ko. Kapag hindi na nya ako nakita ay saka na daw ako umalis. Nauna syang maglakad sa akin at nung hindi ko na sya makita ay nagsimula na akong maglakad and sa bawat paglalakad ko ay may mga batang nag aabot ng mga papel sa akin.
"Makulit ka pero cute"
"Matakaw ka pero cute"
"Maliit ang boses mo pero cute"
"Masipag naman sa math kaya cute"
"Antukin pero cute"
"Kahit malaki na ang eyebugs sa mata pero cute"
"Simpleng madamit pero cute"
"Tahimik kapag naglalakad pero cute"
"Mahilig sa cartoon kaya mas nagIging cute"
"Madaldal pero cute"
"Pet love kaya cute (bibili rin kita ng chao chao promise)
"Pero cute......."
![](https://img.wattpad.com/cover/20251810-288-k101909.jpg)
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.