CHAPTER 9: COLLEGE LIFE

3 1 0
                                    

Ito na yung moment na hinihintay ko,,,,,,,, siguro??? Kabado kasi ako ngayon kasi wala akong kilala sa university na papasukin ko, ang Empire University. Ang eskwelahan ng mg mayayaman at future ceo ng kani-kanilang company. Ang totoo, ayaw ko talaga dito mag aral pero kailangang sundin si principal dahil sya ang secretary ni daddy at guardian ko na rin. Pinabigyan na nya ako ng mag desisyon ako na mag work bilang maid sa bahay nila unice pero this time, sya na ang nasunod. Kailangan kong sundin sya dahil yun ang bilin ni daddy sa kanya, ang ihanda ako na mag handle ng business namin.


Kung ako lang ang masusunod, ang gusto ko talaga ay ang ........... secret muna. Anyway, hindi ko kasama si ken. Ang sabi nya ay hindi muna sya papasok dahil masama ang pakiramdam nya, nilagnat sya two days before the class start. Kaya ako lang mag isa. Ang dami kong nakikita na student na mayayaman talaga at ang ganda pa ng mga suot nila kesa sa akin. Malayo naman ako sa kanila. Gusto ko yung simple lang naman, hindi yung pagkamahal mahal ng damit ko, ibibili ko na lang yun ng pagkain kesa dun. Habang papunta sa first class ko which is psychology, may nakasabay akong cute girl at mag classmate kami.

"Hi? Psychology din first class mo?"

"Oo, ikaw din?"

"Oo. Buti na lang may kasama akong classmate ko rin."

"Paano mo nalaman?"

"Nakita kasi kita nung nagtanong ka sa guard and nung malaman ko na management yung course mo, sinundan kita. Hindi ko kasi alam dito and nahihiya akong mag approach sa iba. Buti nga mabait ka at kinausap ako" then she smile to me.

"Ah? Wala yun. Pagdating natin sa room, tabi tayo. Ok lang ba?"

"Ok. Ako nga pala si Samara Scarlet, ikaw?"

"Ako pala si Conan Matthew. Nice to meet you Samara"

"Ikaw rin, nice to meet you "

Nag ngitian kami then hindi na namin namalayan na nasa harap na kami ng room. Agad kaming pumasok at madami nang student dun. Sa pangatlong linya kami ng upuan kami umupo, sa pang apat na upuan sa harap para makita ko ang sinusulat ng prof namin. Habang wala pa ang prof ay masaya kaming nagkwekwentuhan ni samara but she told me to call her Sam for short. I agree with that and after a few minutes ay dumating na ang prof namin. Babae ang prof namin and on the spot agad ay start na ng class. Hindi daw kasi nagsasayang ng panahon dahil yun ang goal ng school, ang matuto ang mga students and hindi masayang ang oras nila sa mga bagay na hindi makakatulong sa kanila. So its means, time is important to this school. Mukhang hindi ko ata kakayanin? 

Then sunod sunod na ang class namin after ng first class. Feeling ko ay mawawalan ako ng lakas dahil ang dami nla agad pinagawa sa amin na activities then assignment in our first day in class. 

Masaya naman kahit papaano ang first day bilang college student then meet a new friend, si samara. Sayang, wala si ken. But i know na marami pa akong mararanasan sa college life ko. Ganun din yung feeling ni sam habang masaya kaming magkasabay na umuwi after school. Sa sobrang chikahan namin ay namamaos na ako kasi kanina pa kami nag uusap.

Ikaw? Kamusta ka na, ok ka lang ba? Alam mo bang miss na kita....... thor dizon.

Sana makita kita ulit,,,,,,,, sana, please?


I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon