Maganda ang gising ko ngayon araw na ito dahil ok naman ang tulog ko, Hindi ko sya napanaginip hahah, Buti naman. Super good vibes ako hahaha.Hindi ko nga alintana ang ingay ng mga classmate ko hanggang sa mag lunch time ay medyo kumonte ng slight ang ingay? Malamang pumunta sila sa cafeteria pero dun din ang punta ko eh? NAGUGUTOM NA KAYA AKO.
Kaya eto, Naglakad na ako papunta sa cafeteria pero dahil ako ang tagapagmana ng school at pati na rin ng hospital ay may VIP room ako. Parang hindi ihalata noh? Well? Ganun ata talaga kaya eto ako ngayon at kumakain dito sa magandang room na ginawa para sa akin lang naman. Dito ay pwede akong mag-aral, kumain, manuod,maligo at pati na rin ang matulog.Parang bahay nga lang ang peg ko eh pero kahit tumanggi ako ay pinipilit nila ako at dinadahilan nila na baka magalit daw ang parents ko dahil napapabayaan nila ako?? Hindi ko naman kailangan ng mag-aalaga sa akin. Kaya ko ang sarili ko, Kinaya ko na yun simula ng mawala na sila.
Yun lang naman ang dahilan nilang lahat kaya pagbigyan na lang hahaha. Habang kumakain ay may biglang may pumasok sa room pero nakakapagtaka naman? Ako lang kaya ang pwedeng pumasok dito???
"Pwedeng dito ako kumain ng lunch kung ok lang?" Tanong nung pumasok sa special room ko at pagkatapos nun ay itinuloy ko na ang pagkain ko at tsaka hinid ko na tinignan kung sino dahil maraming tao kaya siguro eh dito na lang sya pumunta para makakain ng lunch.
Kaya lang? Na- curious naman ako bigla at walang alinlangan ko syang tinignan at actually ay katabi ko lang sya then............ WHAT!! DANGER!! DANGER!!
"Si-sir Thor ?"
"Oh?..........Ah? Pinagkaguluhan kasi ako ng mga girls dun kaya nagtanong ako sa janitor kung saan pwedeng kumain tapos itunuro nya ako dito. Pasensya na sa istorbo".
Anu ba yan???!!! Sa totoo lang ay hindi ako naiinis hahaha EWAN.
"Ok lang po yun sir"
"Hindi mo naman ako teacher kaya wag mo na akong tawaging sir, Thunder na lang tawag mo sa akin."
"Po???"
"At tsaka hindi pa ako matanda kaya isipin mo na lang na ka-edad mo ako kasi sa totoo lang ay ayaw ko na masyadong magalang ang mga estudyante at tsaka mukha lang akong estudyante katulad nyo."
"Ok po" sabay tawa ko.
"Magalang talaga huh".
"Napansin ko lang po? Bakit iba kayo pagdating sa ibang estudyante dito."
"Hindi ko alam eh? Pero ito lang ang sigurado ko, Alam mo bang ikaw lang ang estudyanteng kinakausap ko dito dahil nakikita ko na nagsisikap ka sa pag-aaral mo kahit na hindi ka..... I mean hindi ka magaling sa ibang subject."
"At isa sa mga yun ay Math 3 sir".
"Naalala ko tuloy ang sarili ko sayo kasi hindi ko rin gusto ang kahit anong math pero pinagsikapan ko itong pag- aralan dahil sa special someone ko".
"Oh??? Sino naman po yun?"
"Secret."
"Huh? Kilala ko po ba?"
"Kumain na nga lang tayo kasi malapit nang matapos ang lunch break nyo."
Tapos kumain na ulit kami. Ang saya pala ni Thunder kausap hahaha. May new friend na ako pero sabi nya eh isipin ko daw na ka edad ko sya .
Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa room habang si Thunder este sya pala ay bumalik na sa faculty room nila. Dun ko lang na - notice na madaldal rin pala sya pero mukhang mapili sya sa taong kakausapin nya. Kung sa bagay? Mukha syang masikreto sa iba pero hindi na sya nakakatakot tulad nung una ko syang makita .
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.