Nanatili si ken sa bahay. Hindi daw sya uuwi hangga't hindi daw nagiging ok ang lahat. Kapag may work ako ay sya ang tumutulong sa mga kasambahay ko at kapag uwian na ay sinusundo naman nya ako. Kahit nasa bahay ako ay ginagampanan ko naman ang pagiging ina ko dahil umiiyak si Yumi kapag madaling araw. Nagising ako nun at nakita ako ni Ken.
''tulungan na kita''
''Wag na ken''
''Tignan mo nga yang sarili mo. Namumutla ka na''
''Ok lang ako ken''
Pero kinuha nya si Yumi at pinatulog. Tumahimik si Yumi at nakatulog ulit. Nagugutom pala sya.
''Marunong naman akong mag alaga ng baby''
"Salamat talaga Ken''
"Wala yun. Matulog ka na. Dito lang ako, Babantayan ko kayong tatlo''
Tapos ay natulog na sya habang kasama sila. Katabi nyang matulog si Coder williams. Naikwento nya sa akin na masakit ang nangyari sa magulang nya at dahil sa awa nya sa bata ay inampon nya ito at minahal nya na parang anak ito.
Nakakatuwa silang pagmasdan nun habang nakaupo sa upuan. Magiging mabait na ina sya sa mga anak nya.
Sumapit ang linggo at hindi pa nya dinadalaw ang asawa nya dahil busy sya sa work at pati na rin sa bahay. Dadalawin namin sya pero sabi nya ay magdadasal muna sya sa simbahan. Hihilingin nyang gumaling na ang asawa nya.
Kasama ko sya sa loob ng simbahan at taimtim syang nagdasal. Mula kinder ay kilala ko na si Conan at humihingi sya ng mga bagay na kahit mahirap ay hihilingin nya at sa bawat hiling nya ay sya mismo ang gumagawa ng kapalit.
Hindi ko alam kung anong hiniling nya ng mga oras na yun pero alam kong may kapalit yun. Sinabi nya sa akin na hindi nya dadalawin si Coder. Araw araw daw syang magdadasal pagkatapos ng work nya at kapag linggo rin.
Pumayag ako sa gusto nya at lagi ko syang sinasamahang magdasal sa simbahan. Napapansin ko na nga na bukod sa namumutla sya ay may iba na rin syang nararamdaman. Sinabi ko magpa check up na sya dahil hindi na maganda yung sitwasyon na.
Pero hindi nya yun pinansin dahil ok pa naman sya at huwag ko daw syang intindihin masyado.
Ilang araw nang ganito si Conan at kahit alam kong pagod na sya ay kinakaya nya. Napaka swerte talaga nya kay Conan.
Nung nagsimba ulit kami sa simbahan ay nagdasal ulit sya at nung uuwi na kami ay may tumawag sa kanya.
''Hello?''
"Mam Conan! May magandang balita po''
''Anu naman yun aling tess?''
''Gumagaling na si Sir!''
''Huh!!! Talaga!!??"
"opo''
"Sige. pupunta na kami dyan ni Ken''
''Ok po''
''Tinupad nya yung hiling ko ken'' tuwang sabi sa akin ni Conan.
Tapos nun ay pumunta na kami sa hospital at nakita ko ulit sya after 5 years. Nagkamustahan kaming dalawa at masaya ako dahil nakita ko ulit na ngumiti si Conan dahil sa magandang balita sa kanya ng doktor. Isang milagro daw kung maituturing ang kondisyon nya dahil sa tingin nila ay hindi na maaagapan ang sakit nya pero dininig daw ng diyos ang hiling nya.
Napaiyak nga sya ng yakapin nya ang asawa nya. Hindi ko na syang makikitang malungkot pa dahil ang dahilan ng kasiyahan nya ay makakasama nya pa ng matagal.
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.