CHAPTER 16: MEET CODER WILLIAMS

3 1 0
                                    

After ng gabing yun ay naninibago pa rin ako sa mga nangyayari kasi magkasama na kasi kami sa iisang bahay. Nandito kami ngayon sa bago naming bahay na mtagal tagal nyang pinag ipunang bilhin na hindi ko nalalaman. Isa yun sa mga surprice nya sa akin sa kasal namin. Medyo malaki ang bahay namin at nagulat ako dahil ang kasambahay namin ay yaya ko nung maliit pa ako, si aling tess na galing pang probinsya. Nabalitaan nya kasi na kinasal ako at naisip nyang puntahan ako.

Natutuwa nga ako kasi pumunta pa sya sa bahay namin para dalawin ako. Ang akala ko eh yun lang yung dahilan ng pagpunta nya pero nang sabihin nya na aalagaan nya daw ako pati na rin yung magiging anak ko balang araw. Syempre nagulat ako sa sinabi ni aling tess. Ang sabi ko ay wag na lang dahil matanda na sya at kailangan nang magpahinga pero mapilit si aling tess kaya napa oo na rin ako. 

Sa ngayon ay leave muna kami sa work namin at masaya ako kasi tatlo kaming nasa bahay pero nadagdagan pa ng isa ng dumating ang chao chao na black na pinangalanan kong si hibiki. Binili nya yun para sa akin nung nakaraang araw lang pagkatapos naming lumipat sa bahay namin ngayon.

Masaya ako palagi dahil sa kanilang tatlo. Kumpleto na ang araw ko pero naiisip ko pa rin yung isang bagay na gustong gusto ng isang babae, Ang magkaroon ng anak. Isang biyaya yun para sa mag asawa at bunga ng pagmamahalan nila para sa isat isa.

Pero lumipas ang ilang araw ay nangyari yun. He respect me as a woman. Naramdaman kong mahal nya ako nun. Dalawang araw ay pumasok na kaming dalawang at alagang alaga nya ako kahit sabi ko eh hindi ko alam kung may baby nasa loob ng tyan ko. Hayaan ko na lang daw sya, mas maigi yung handa para dun. 

Kahit busy kami sa work ay sya naman ay pumupunta sa office ko para kamustahin ako o kung may nararamdaman ba akong kakaiba sa katawan ko. Tawa lang ako ng tawa sa kanya. Excited sya na maging tatay agad sa magiging anak namin. 

Lumipas ang ilang araw ay nalaman kong buntis na ako nang minsang magsuka ako sa office habang sabay kaming kumakain. Na confirm ng doktor na positive ako na buntis kaya sobrang alaga sya sa akin magmula ngayon at hindi muna ako pumasok sa office para maalagaan ko ang sarili ko at katulong nya si aling tess sa pag aalaga sa akin.

Pero isang aksidente ang nangyari.Aksidente akong nadulas sa kusina habang naglalakad para kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako.Naglalaba kasi nun si aling tess kaya hindi ko na sya inabala pa at ako na lang ang kusang kumuha ng tubig ko.

Malungkot ang pangyayaring iyon para sa aming dalawa. Tahimik kaming lahat pagdating sa bahay. Nang matutulog na kami ay kinausap ako ni coder habang yakap yakap ako sa likod ko.

'' Ok lang yun. Malungkot naman ako tulad mo pero pwede naman nating subukan ulit. Hindi man natin sya nakasama ng matagal ay pinasaya naman nya tayo. Sya ang magiging angel natin".

"Tama. Mamimiss ko sya''

''Anu pala ipapangalan natin sa kanya?''

''Emi''

''Hindi naman natin alam kung babae sya o lalake di ba?''

''ikaw? Anong ipapangalan mo sa kanya?"

''Hindi ko rin alam eh? Hindi ako nakapag isip'' sabay tawa nya.

''Matulog na tayo. Wag tayong mawawalan ng pag asa''

Umiyak ako nun habang nag uusap kami. Hindi ko maiwasan ang umiyak dahil nawala sya ng maaga sa amin. Nagdasal ako nun at hiniling kay papa god na bigyan ako ng isang milagro. Alam naman nya kung ano yun talaga at sana tuparin nya ang hiling naming dalawa.

Pumasok na rin ako nun kinabukasan kahit na hindi pa talaga ako ok. Katulad ng lagi kong ginagawa sa office ay ginawa ko parin. HIndi ko na nga lang pinapahalata sa kanya na apektado pa rin ako sa nangyari. 

I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon