Paasa !

423 8 0
                                    


Bakit nga ba may mga paasang tao ??

May Bf po ako mag 1month na sana kami sa Sept. 7
Pero yung Bf ko kasi hindi na nag paramdam sakin ilang linggo na bago ang monthsary namin, tapos hindi ko alam na wala na pala kami. Ang masakit lang sa iba ko pa nalaman. Sabi ng tropa niya sakin "Ayaw ka na niyan, pinagsawaan ka na." Hindi ako makapaniwala kasi wala naman kaming pinag-awayan noon para magkaganon agad kami.. Ang hirap kasi paniwalaan eh. Ang masakit lang kasi umasa ako na mahal niya ko.. Pero hindi pala. Kahit ganoon siya Mahal ko pa rin siya.. Tanong ko Aasa pa ba ako o tama na at mag move on na lang?

                                                By: JovielynNavarro


Hi Couz,

UMAASA yun yung patuloy kang naghihintay sa kanya araw-araw, at laging siyang nasa isip mo.

Hindi ganun kasakit pakinggan pero nakakamatay pag naramdaman.


Bakit ?? Alam mo kasi wala naman taong magpapaasa kung wala ring umaasa.. diba? Yung mga taong paasa mga wala lang magawa sa buhay nila iyan. Kaya pati iba dinadamay nila.

Una pa lang dapat alam mo na yung totoo sa laro lang. Magkaiba kasi yun.. Ang totoong pagmamahalan makikita mo sa effort at sa pagiging seryoso niya sayo sa lahat ng bagay. Pero ang laro lang, makikita mo yan sa paggamit mo ng pag-obserba sa kanya. Sana kasi naglaro na lang kayo ng tanga-tangahan para malaman mo na di pala siya totoo sayo. Na lahat ng ginawa mo sa kanyang effort ay LARO lamang para sakanya..


Masakit yun, yung malaman mo pa sa iba na niloko ka lang pala niya at pinagsawaan. Sana maaga pa lang inamin niya na sayo na gusto niya ng laro at hindi ka niya kayang mahalin at edi sana alam mo ang gagawin mo at para sana hindi ka rin nagmahal ng sobra para sa huli hindi ka nasasaktan. Diba?

Masakit kasi talaga yung tipong Solo Player ka lang.? Yung ikaw lang pala mismo yung nagmamahal sa isang taong di ka naman pala pinapahalagahan. Yung tipong mahal mo pero hindi ka naman pala mahal.


Alam mo kung bakit ka nasasaktan ?

Kasi tinatak mo sa isip mo na meron pang pag-asa.

Kasi, lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

Naghihintay sa isang nakaraan na hindi na pwedeng balikan.

At nagmamahal ng taong hindi tayo kayang pahalagahan.


Pinagtagpo lang kayo ng tadhana pero hindi kayo ang itinakda.

Kaya huwag kang masyadong mag-expect na ikaw lang ang kanyang THE ONLY ONE. Dahil hangga't may SOMEONE pwede ka pa rin niyang iwan.


Mahirap talaga umasa sa sitwasyong di mo alam kung ano ka ba sa kanya.. Kaya ang gawin mo mag move on ka na lang at wag ng umasa pa. Kasi pag umasa ka lang ikaw lang din ang magmumukang tanga.

Wag tayo magpakatanga sa isang tao na lagi tayong sinasaktan, may time talaga na nagkakamali tayo sa isang bagay na ikakasakit natin pero ganun talaga, parte ng Love ang masaktan tayo!



I LOVE YOU❤



Quotes:

"Wag mong tawaging paasa ang isang tao kung sa simula pa lang ikaw na ang nag-assume."


Lesson Learned:

Minsan palagi o madalas? Kailangan ba nating muna masaktan bago matuto? Kailangan ba nating muna magkamali para malaman ang tama?


O hayaan na lang na mangyari ang mga bagay dahil lahat naman ay may kanya-kanyang dahilan. Hindi importante kung nasaktan ka ba o nasasaktan o mananakit. Ang importante ay nagmahal ka, naging matagumpay ka man o hindi. Patuloy ka lang sa pagmamahal. Maraming maaaring itawag satin: Tanga, Bobo, Manloloko, Paasa, Mananakit, Masamang tao, Mapagmahal na tao. Iba-iba man. Pero ang pag-ibig, hindi iyan nararamdaman sa pangalan o tawag. Kapag nagmahal ka, dapat dinaramdam mo ang bawat emosyon na nakukuha mo at pinaparamdam sa iba.


#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon