Para Sa'yo

1K 4 4
                                    


Oo kaya kong sabihin na hindi na kita mahal, na wala ka ng epekto sakin, pero kapag dumadating ang pagkakataon na mag isa nalang ako, niyayakap ako ng mga alala mo at binabalik ako papunta sayo na nagpapatunay na kahit isang hakbang, hindi pa pala talaga ako nakakalayo. Na kahit maglokohan kami ng sarili ko, alam kong ikaw pa din at walang araw na dumaan na hindi kita naisip. Alam kong pagpapakatanga pa din na mahalin ka matapos ng lahat.

Tanga na kung tanga pero ikaw pa din ang dahilan kung bakit tinataboy ko ang lahat ng nagsasabi saking kaya nila akong ingatan hindi katulad ng ginawa mo. Oo marami kang nagawang mali. Oo sinaktan mo ko ng sobra. Oo galit pa din ako sayo. Pero yung sakit, yung galit, alam ko na kapag nawala ang lahat ng to, ikaw, ikaw at ikaw pa din ang gusto kong balikan, ikaw pa din ang gusto kong mahalin, handa pa din akong masaktan basta ikaw ang dahilan.

Pasensya na kung hanggang ngayon hindi pa din kita makalimutan. Maniwala ka sakin, pinilit ko. Pero mahirap pala talagang paniwalain yung sarili mo sa isang bagay na hindi mo naman talaga kayang gawin. Oo hindi ko kayang kalimutan ka. Kasi kung kaya ko, sana noon pa nagawa ko na. Sana noon pa hindi na kita naalala,
Sa bawat pagpunta ko sa pamilyar na lugar na sana hiniling ko na nakapunta din tayo doon at nadala kita doon, sa bawat pagtugtog ng radyo, sa bawat taong nakakasalubong ko, sa bawat magkasintahan na nakikita kong masaya, iniisip ko, tayo yun, tayo yun noon. Noong mahal mo pa ko, noong mahal pa natin ang isa't isa.

Pero noon nga kasi yun, dahil ngayon, ako nalang yung nagmamahal, ako na lang yung gustong matuloy yung bagay na matagal ng tapos, ako na lang yung pilit pang lumalaban kahit umpisa palang talo na ko. Ako na lang, hindi na kita kasama. Kahit kasi sabihin ko ngayon dito na wala na akong pakialam sayo, lolokohin ko na naman yung sarili ko. Kung may isa mang nakakapagod sa mga nangyari, hindi yung patuloy na mahalin ka, kundi yung pagpapanggap at pagkukunwari maging sa sarili ko na hindi na ako apektado sayo. Oo hindi pa kita ganap na kakalimutan pero pasenysa na kasi kahit ako hindi ko alam kung kailan ko uumpisahang makalimot.

Masaya naman ako para sayo eh! Kaya lang di ko maiwasang masaktan. Well ganun talaga sa LOVE kailangan mong mag sakripisyo para sa taong mahal mo, masakit man pero kung talagang mahal mo siya kakayanin mo lahat. Alam mo walang araw na di kita iniisip kaya sa pag alis ko sana maging masaya ka pa din mamimiss ko yung ngiti mo, yung tawa mo pero alam mo ba kung ano yung mamimiss ko sa lahat ? Ikaw! :'(

Magising ka sa katotohanan. Huwag kang matulog sa kamalian. Sabi mo intindihin kita. Iniintindi naman kita lagi eh. Pero sana pag dumating yung araw na muli tayong magkasalubong intindihin mo rin sana ako. :'( Intindihin mo kung bakit malayo na ang loob ko sayo, intindihin mo kung bakit ang cold na ng pakikitungo ko sayo, kasi hindi na ako sanay sa presensiya mo, kasi ikaw mismo binago mo ako, ikaw ang nagturo sakin kung paano lumayo ang loob ko sayo at maging matapang ako. Sana maintindihan mo ang lahat sakin. Hindi ko naman kasalanan ito. Kasalanan mo ito kasi ikaw ang unang bumitaw. Sabi nila, 'Nasa huli ang pagsisisi.' Pero sana lahat ng mga kamalian mo na nagawa sakin marealize mo balang araw.

Alam ko darating ang araw na magkikita muli tayo. At sana kapag dumating ang araw na yun wag kang magbabago stay the same na nakilala ko. You know what di ka naman mawawala sa isip ko eh. Kasi my heart belongs to you! Lahat ng bagay nagtatapos, lahat may ending kaya eto na yung ending na un dumating na. Time to say goodbye for the last time iloveyou! Infinity and beyond ❤

Ang hirap pala pag ikaw na lang ang Nagmamahal sa inyong dalawa. 💑 Ikaw na lang ang nagseselos. Ikaw na lang ang kinikilig ikaw na lang ang nasasaktan. 😒 Ikaw na lang ang nagdadala diba ang bigat nun! 😭 Sobrang hirap pa kasi wala kanang katuwang para sa mga problema mo. Pag ikaw lang mag-isa ang nag-iisip ng paraan mahirap manalo lalo na kung ikaw ay pagod na pagod na 😞 Mahirap na makita na may pag-asa pang manalo kasi na agawan kana. 😢

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon