CLOSE...SURE ?!

2K 5 0
                                    


I have an ex Boyfriend nagbreak kami many years ago.. Nagbreak kami for no apparent reason with no acceptable reason. I have a new boyfriend now pero minsan napapaisip parin ako kung bakit kami nagbreak. That ex that I'm talking about is my "1st boyfriend". Big deal sa akin yung break up namin because he is my first.

Question: Tama pa ba na humingi parin ako ng closure sa kanya about sa break up namin kahit na matagal na yun at may bago na ako?

                   By: AlmiraAndrada

Hi Ate,

Importante kasi ang closure sa relationship. Kahit na may bf ka na now. Kailangan niyo pa din iyan, kasi kahit kailan hindi madaling pakawalan yung taong minahal mo lalo na't siya ang first love mo. Kahit ano pa man ang dahilan kung bakit kayo nagbreak noon kailangan mo pa ring harapin ang katotohanan, kasi kung hindi mo haharapin ang katotohanan di mo mapapalaya ang sarili mo sa nakaraan. Closure is like revolving your self to let go, not only of the relationship but also to let go of the hatred. Closure iyan din yung first step learning ng relationsip kaya dyan din kayo dapat magtatapos sa closure.

If you need closure, if you think it will help and if you think it is important to you then go get it and talk to him.. Find the opportunity para makapag-usap ulit kayo otherwise just let it be. Pero kung sinasadya niya na ng hindi ka na kausapin para di ka na masaktan. Let it be and let go. Siguro nga yun na din yung way niya para wala ng masaktan pa.

For me ? Importante ang closure, why ? Because having a formal closure with your ex will make you aware sa mga important details kung bakit kayo nagkahiwalay kung bakit hindi nag-work out yung relasyon niyo. And from that, malalaman mo ang mga naging kamalian mo. In short, matututo ka.. So that in the future, pag nagkaroon ka ulit ng panibagong relasyon with someone eh, alam mo na ang gagawin mo. Para rin iyan sa growth niyo as a person.

Hindi kasi madaling humingi ng closure lalo na kung both of you broke up in a really bad way. Ang closure kasi para sa akin is an honest, open-minded, and non-judgemental discussion between two former lovers having a mini assessment kung bakit nag fail ang relasyon niyo. Ang closure rin ay importante para maka move on ang isang tao. Pag-usapan na ang dapat pag-usapan para maging clear na ang lahat. Syempre para wala ng umasa at mag-expect. Mahirap kasi makipaghiwalay kapag may nararamdaman pa kayo sa isa't-isa.

Pero kung what if kung biglang naputol ang communication niyo after break up then after a couple of years, bumalik yung communication niyo. Kailangan mo pa bang sabihin sa taong iniwan / nang-iwan sayo na dapat may maayos kayong closure ? Paano mo sasabihin ?  Well, kung ikaw yung nang-iwan wala ka na dapat pang i-explain sa kanya. Pero iba na ang case kapag ikaw na ang iniwan sa ere. Syempre, You're the one who's left wondering.. The one who's confused.. Kung may dapat ka pa bang asahan o wala na. In short, ikaw ang naghahabol for an explanation, masakit din kasing isipin pag nasa ganitong sitwasyon ka na.

Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo since wala nga kayong communication. Kaya bilang ikaw ang naiwan sa ere, you deserve an explanation para makalaya ka na rin. Yung mga ganyang sitwasyon ? Nangyayari lang iyan kapag walang proper break up, yung tipong iniwan ka na lang bigla-bigla. Ibig sabihin, kamalian rin iyan ng nang-iwan sayo..

Dyan kasi nagsisimula ung miscommunication.. The other may expect na magkakaayos pa, pero para sa isa wala na talaga mabuti na yung nagkakalinawan kayo mahirap kasi yung magpakiramdaman..
Doon din kasi malalaman kung tapos na ba talaga ang namamagitan sa inyong dalawa but you can still be friends naman, yun ay kung kaya at gusto mo.

Lahat ng sinisimulan nagtatapos..
At dapat tapusin ng maayos,
para walang aberya..

If you still respect each other, or at least the relationship that was, dapat talaga may formal closure. Para walang bitterness.. Kung dalawa kayong nag decide to build the relationship, natural dalawa din kayong magde-decide to end it.. Iyon eh kung may natitira pa kayong respeto sa partner niyo at sa sarili mo.




I LOVE YOU❤



Quotes:

"Sometimes closure doesn't exists."

Lesson Learned:

RELATIONSHIP CLOSURE ito yung komunikasyon na kailangan ng malalim na pang-unawa, matapat na dila at hindi mapanghusgang isipan. Ito yung mga relasyong nagtatapos ng walang linaw, yung meron kang pagtataka sa iyong puso kung paano at bakit nabalewala ang lahat.

Isang kahalagahan ng relationship closure ay magkakaroon na ng sagot ang mga katanungan mo na inipon simula pa noong araw na naghiwalay kayo. Itanong mo lahat sa kanya, pigain mo siya para malaman mo na lahat ng gusto mong malaman. Wag ka ng magtira pa at wag ka nang mahiya pa magtanong kung bakit kayo naghiwalay, o ano bang mali sayo at sino ba ang may mali. Dahil sa closure, dyan mo lang malalaman ang lahat. Pero syempre ang pagtatanong ay dapat vise versa din.

Marami talagang naitutulong ang relationship closure ngunit hindi ito minamadali, may mga taong ayaw muna nito dahil hindi pa raw sila handang makipag-usap sa dating ka-relasyon, meron din namang taong ito nalang ang hinihintay para makapag move-on. Lagi lang natin tatandaan na kahit gaano man kasakit ang lahat kailangan natin itong mas harapin dahil sa ganoong paraan tayo mas gagaling. Masakit talaga pag ginagamot ang sugat. Pagkatapos ng isang relasyon, malalim man o mababaw, matagal man o panandalian lamang, magandang may pag-uunawaan kung bakit nangyari ang lahat dahil kahit paano mayroon din naman kayong pinagsamahan.

Kapag nais mo ng relationship closure, siguraduhin na para sa ikabubuti mo ang dahilan, hindi para mag-emo ka ulit. Sa isang closure tibay ng sikmura, kapal ng mukha, at lakas ng loob ang kailangan. Isipin mong ito ang susi sa bago at magandang umaga para sa pag bubukas muli ng iyong puso sa bagong pag-ibig. Ito ang lunas sa emosyon mong may stage 4 na cancer. Ito ang isa sa paraan upang maunawaan mo na ang mundo ay punung-puno ng pag-aaral, hindi lamang sa akademya ngunit pati sa pag-ibig.

Ang relationship closure ay malaking tulong para sa pagtawid mo sa panibagong buhay pag-ibig. Hindi madali pero alam kong kakayanin mo.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon