Bakit nagloloko si BF/GF ?

5K 4 1
                                    


Bakit ba nagloloko ang isang GF/BF?

Hindi na masaya - Guys kung hindi na kayo masaya sa relasyon niyo sabihin niyo direct to your partners, mas maganda pa din yung pinag-uusapan ang mga bagay bagay. Lahat ng pwedeng baguhin at ayusin.

Bored - If your bored try something different. Do some activity together.

May nakitang mas maganda/gwapo kesa sayo - Hindi maiiwasan to. Meron talaga tayong makikitang mas higit pa sa itsura ng mga partners natin. Dito pumapasok yung salitang KONTENTO. Hindi lang naman sa itsura ng tao tayo naiinlove diba? Sa ugali at paano ka nila napapasaya kung maganda / gwapo siya bonus nalang yun.

Puro away - Kung mas marami ng LUHA kesa SAYA edi alam niyo na yan. Nakakasawa naman kasi yung ganyan. Kung di na kayang pagusapan edi kayo na bahala diyan :P basta ang akin kasi ayokong ginagawang option ang hiwalayan, lalo na sa mga panahong dapat magkasama kayo.

Misunderstanding - Walang hindi magkakaintindihan kung maguusap kayo. Communication is very important to have a good relationship. Try to listen. Wag makipagsabayan. Understand each other.

TUKSO - Ang tukso nandyan lang iyan sa tabi-tabi. Nasa tao na lang iyan kung matibay siya. Part talaga iyan ng isang relasyon. Alam ko madami pang ibang dahilan na mas malalim pa diyan. Guys! Ito lang iyan eh. When we enter in a relationship we are already COMMITTED. Be responsible. Be matured. DON'T CHEAT. AT DUN SA MGA IBANG TAO PAG ALAM NIYO NG TAKEN NA WAG NIYO NG PATULAN. KONTING HIYA NAMAN :)

Bakit nga ba naghahanap ng iba si Bf / Gf kahit nasa relationship na sila at may commitment na.. ? Siguro kasi nagsasawaan na sila sa isa't-isa, O di kaya tinatamad na sa relasyon. Maraming possibilities iyan. Malamang nakita na nila sa iba yung sweetness na hinahanap nila na wala sa partner nila. Nung time na down sila at kailangan nila ng masasandalan, nandun yung IBA para pasayahin sila. Kaya dapat, try to keep fire burning in your relationship. Dapat kahit ano mangyari hindi pa rin mawawala sa inyo yung mga suprise moments para may kilig factor pa din. Always remember na kapag satisfied sa relasyon ang partner mo, hindi na iyan maghahanap pa ng iba para punan yung pagkukulang mo.

Then, bakit pa may pumapasok sa isang relationship kung hindi naman pala seryoso at lolokohin lang din naman pala ang partner ? Sa totoo lang may mga ganung talagang tao eh. Yun ang katotohanan.. Lahat naman tayo ay may kakayahang pumili ng gusto natin.. Ginusto nilang pumasok sa relasyon at ginusto rin nila ang mag-loko. Kaya yung mga babae o lalaki diyan na niloloko lang ng bf / gf nila, wag niyong tatanggapin ang mga excuses nila kung mahuli man niyong nag-cheat. Kasi ginusto nila iyon. Di naman nila magagawa ang isang bagay na ganun kung wala rin sa kagustuhan nila, diba ? May rights din kayo na mag-decide para sa sarili niyo ng kung ano ang mas makakabuti para sa inyo..

We always have a choice.. Choice maging loyal and faithful at choice na mag-loko.

In my opinion, para sakin kasi hindi love ang nag-pupush sa isang tao para mag-cheat o mangaliwa. Alam niyo kung ano? I think, it's a Lust o Tukso. TUKSO na karamihan iyan ang dahilan ng hiwalayan. TUKSO na hindi napipigilan ng karamihan, lalo na sa mga taong malilibog at malandi. Wag niyo din sanang gamitin ang linya na, 'LALAKI LANG AKO NATUTUKSO DIN.' Kasi hindi iyan lisensya at dahilan para manloko. Sa panahon ngayon, double sided na. Both guys and girls ay nanloloko na.. Siguro mas marami nga lang talagang guys na maloko. Marami rin kasing girls na nanunukso, at guys na nagpapatukso rin. Pero sabi nga walang manunukso kung walang nagpapatukso..





I LOVE YOU ❤




Quotes:

"CHEATING is a CRIME."

Lesson Learned:

Kaya nagloloko ang isang taong nasa relasyon dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya at kung paano siya makitungo dito.. Paano? Kasi hindi lang naman nag-iisa sa mundo ang kapareha mo. Maraming tao ang nakapalibot diyan.. Nandiyan ang mga panunukso, pagrereto sayo ng iba kahit na alam naman nilang may karelasyon ka na. In short, maraming tukso sa paligid na kahit gaano man siya ka-loyal sayo, kung siya mismo hindi niya alam ang salitang "KUNTENTO" mauuwi din ang lahat sa wala. Hindi din mawawala ang mga taong mapagsamantala ng sitwasyon. Syempre kapag siya mismo ay nagpadala sa buyo ng sanlibutan, diyan na papasok ang salitang "SAWA" at "INGGIT" iyang dalawang iyan ang sisira ng relasyon. Tapos gagatungan pa nang iba ng kawalang "TIWALA" edi tapos ang relasyon niyo ng wala sa oras. Kaya kung gusto niyang magloko, kahit anong pigil mo magloloko at magloloko talaga iyan kasi iyon ang kagustuhan niya..

At the end, choice mo pa rin kung magpapaapekto ka sa mga tao at kung lolokohin mo ang partner mo or not. Pag di ka nagpa-apekto ibig sabihin lang nun malaki ang konsensya mo para sa sarili mo.. Pero ang totoo kasi niyan, nasa taong mga nakapaligid talaga minsan ang nagiging dahilan.. Dito kasi parating nagsisimula ang away, hanggang sa lumaki at dumating sa punto ng sumbatan at sa huli ang hiwalayan..

Sa tingin ko kaya nagkakaroon ng panloloko sa isang relasyon kasi gusto nila ng lubos na kasiyahan, hindi sila makuntento sa kung ano ang meron sila. Hindi nila sineseryoso ang pakikipagrelasyon, yung iba nangtitrip lang para lang may masabing may Bf o Gf sila. Ginagawa lang nilang laruan ang pakikipagrelasyon. Tapos pag nasaktan atsaka aangal.

Meron din namang mga taong maaaring sawa na sila kaya nagagawa na nilang manloko.. May mga tao kasing madaling magsawa eh. Ewan ko ba kung totoong pagmamahal ba talaga ang pinapakita nila o nararamdaman nila kasi diba ? Kung mahal mo ang isang tao di ka naman magsasawa sa kanya unless may ginawa siyang kasalanan sayo na paulit-ulit ng ginagawa. Marami na akong na-encounter na ganyan eh pagnaramdaman na nilang nagsasawa na sila sa isang tao, atsaka sila makikipagbreak bigla o magtimer na lang..

Isa rin sa mga dahilan kung bakit may mga nanloloko ay yung kawalan ng tiwala sa partner nila. Lalo na kung ang sitwasyon ng relasyon niyo ay nasa stage ng LDR ay talagang mahirap magbigay ng tiwala lalo na sa mga taong alam mong manloloko na talaga.. Pero kung kaya niyo namang magtiwala sa partner niyo at mahal niyo talaga ang isa't-isa, why not diba ? Go for it.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon