Mga Lalaking Paasa !

993 4 1
                                    


Bakit ba KADALASAN ang mga lalaki ay mga PAASA?

May Bestfriend ako, then yung si Boy nililigawan niya ang Bestfriend ko the for 5 months. Then, nung na fall na ang bestfriend ko yun din ang time nagkaroon na siya ng GF pero hanggang ngayon nililigawan parin ni Boy ang Bestfriend ko.. Di ko alam kung anong gagawin kay boy.

Totoo ba ang panliligaw niya sa Bestfriend ko o pinaglalaruan niya lang ang feelings nito ?

Bakit kaya may mga taong sadyang Pafall? Mga paasa? yung kunwari gusto ka pero trip lang pala. Yung sasabihing mahal ka. Pero iba naman talaga ikaw yung mahal nila? Bakit kailangan pa nilang maglandi ng ibang tao kung magpapaasa lang sila? Paano maiiwasan yung mga taong ganon?

Hello poh,

Kadalasan, ang mga lalaking paasa ay ang mga lalaking mahina mag-isip. 'Yung tipong pa-fall lang, pero 'pag tapos mong ma-fall.' Di na niya alam ang gagawin niya. Oo, ganon sila.

At sa katunayan, kapag na-fall ka, 'di mo rin naman alam kung ano ang gagawin mo. Kung ipaglalaban mo ba ang bagay na pinakita niya sayo o hahayaan mo nalang at tatanggapin sa sarili mong ipinaasa ka niya at umasa ka.

Ang pinaka-masakit kasi na pangyayari ay yung "parang meron, pero wala" relationship. Kaibigan lang pala, pero kung ipakita sayo tila ba angat ka sa iba. Na tila ba ikaw ang mahal niya. Pero lahat iyan ay bunga lang ng kalokahan niya at kahibangan mo. Isang paasa at isang umasa, ang galing diba? Ayan ang mundo.

May magagawa ba para iwasan ang mga taong tulad ng mga paasa? Syempre meron naman. Ngunit, ang hirap. Bakit? Dahil sa panahon ngayon, 'di mo na alam ang pagkakaiba ng seryoso sa manloloko. Kaya ang 'the best' na gawin ay.. Kilalanin ang isang tao. At kung ayaw mo ang isang tao, pero pina-pakita niyang gusto ka niya, una palang sabihin mo ng ayaw mo siya, kasi... sa bandang huli, ikaw ang magiging paasa.

Walang aasa kung wala raw paasa. Oo, tama! Pero, dapat hindi sa lahat ng bagay isisi natin ang mga dahilan sa mga taong paasa. Paminsan kasi, akala mo pinaasa ka, pero ang totoo, assuming ka lang. Di ba ? ^O^

Hindi ko rin alam kung bakit sila ganun dahil never ko pa naman naranasan na magpanggap na mahal ko ang isang tao kahit hindi naman. Dahil hindi naman ako nagmamahal ng iba, kung mahal ko pa naman siya.. Ang sakin kasi, ayoko makasakit ng iba. Ewan ko lang sa ibang tao. Hmm ? Ang alam ko lang, nananatili sila dito sa mundo dahil may mga patuloy na umaasa. May mga tao rin namang confused lang talaga. Akala nila mahal ka nila. Or yung iba, tinatry na mahalin ka para makalimutan yung isa. Hmmm. Love is Complicated talaga noh ? Mahirap talaga kasi, lahat tayo we all want to be happy and we're all struggling to survive. So may mga taong handang manakit at manggamit para maging masaya. Sadly, I dont think there's anything you can do para makaiwas sa ganito. Sana may makaimbento na ng scanner against mga manloloko noh? Para malaman natin kung sino ang manloloko at nagpapanggap lang na seryoso. Siguro, the best thing you can do ay i-enjoy na lang ang bawat moment that you are happily inlove. If it doesnt work out, dont regret anything dahil naging masaya ka naman. Never let anger enter your heart and always be ready to forgive. That way, mas madaling mawala yung sakit na dala ng mga ganitong tao :) Di ba ?

Siguro kung alam mo naman ng niloloko ang bestfriend mo mas maganda kung kausapin mo na siya ukol diyan sa lalaking paasa na manliligaw niya. Ipamulat mo na sa kaibigan mo na hindi niya deserving ang mga ganyang tao.. Sayang lang ang pagmamahal niya kung maibibigay niya lang naman pala ito sa maling tao.. Paano maiiwasan ang paasa ? Edi iwasan niyo. Wag niyong dikitan. Kunwari may allergic siya ^O^V . Pero dapat sigurado rin kayo na di kayo umaasa sa kanya. Kasi ang labas kasi niyan para lang kayong nagkakabilugan ng utot. Gets ?





I LOVE YOU ❤





Quotes:

"Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka ng magpakita ng motibo para mahalin ka rin niya."

Lesson Learned:

Ang pag-ibig minsan parang laro din iyan sa video games mayroon ka lang tatlong pagkakataon para matapos mo ang bawat level. Level na susubok kung hanggang saan ang kaya mo pagdating sa pagibig tulad nga ng isang laro sa video games ang bawat level ay laging may twist na magpapahirap sayo kapag ikaw ay nagmahal na. Oh, diba super exciting kapag iniisip mo laro lang ang umibig o magmahal ng ibang tao para ka lang bumalik sa childhood mo pero hindi na mangyayari ulit yun dahil tapos kana sa mundong puro laro at ngayon nasa isa kana laro hindi dapat binabalewala dahil pwede ito humantong sa iyong hinaharap na buhay at wag na wag kang maglalaro ng damdamin ng ibang tao dahil maaring ka man manalo sa laro subalit ang kapalit noon ay pagkawala ng taong yun sayo magpakailanman.

Ang mga lalaking paasa iyan yung mga taong kulang sa atensiyon kung kaya't naghahanap ng taong papansin sa kanya.. Na kapag pinansin mo naman magugulat ka na lang babalewalain ka na lang agad ng walang pasabi. Paulit-ulit niyang sasabihin na mahal ka niya pero kulang naman sa gawa. Minsan malambing sayo, minsan malamig. Iiwan kang walang pakielam sa nararamdamn mo. At sa huli sangkatutak na sweet talks ang sasabihin sayo, pero di mo alam di lang pala ikaw ang sinasabihan niya ng ganun.. Maraming babae pa.. Matutuklasan mo na lang kapag pinagpalit ka na :(

Sabi nga diba ? Kapartner na ng pagmamahal ang masaktan, kapag hindi ka nasaktan ay hindi ka nagmamahal. Kaya nga't dapat maging handa na tayo sa ganitong mga sitwasyon..

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon