Dapat na nga bang iwan ?

2.5K 6 0
                                    


Hmm? Paano kapag yung boyfriend mo nawawalan na ng time sayo kasi mas inuuna niya yung barkada niya o di kaya nahihilig siya sa dota nakakalimutan na niya yung responsible niya as my boyfriend. Na kahit anong usap mo sa kanya wala pa rin.

Dapat na bang iwan pag ganun ?

Hello Ate,

Wag naman. Hindi naman porket nagdodota siya at nasa mga kaibigan minsan siya at sa tingin mong naaagaw na yung atensyon mo, eh hindi ka na mahal ng bf mo. Siguro naghahanap lang siya ng libangan sa sarili niya.. Basta magtiwala ka lang.

Ganun naman talaga tayong mga babae eh. Konting bagay lang na may umagaw sa ating atensyon sa mahal natin. Akala natin minsan hindi na tayo mahal o napapabayaan na nila tayo sa responsibilidad nila bilang isang Boyfriend. Na minsan din pinagmumulan ng away. Una na dito ang SELOS. Selos na minsan wala din namang pinatutunguhan. Kaya lang din naman tayo nagseselos kasi mahal natin sila at ayaw lang natin sila mawala.

Sa relasyon di nawawala tampuhan, away, selos at mga iba't-ibang simpleng bagay na di napagkakasunduan at di napagkakaunawaan. Bahagi lang ng lahat ng iyan pagnagmahal ka. Kaya sa bawat pagsubok na pagdadaanan mo wag kang susuko, dahil sa mga sitwasyon na ganyan paano mo na lang patitibayin ang isang relasyon na hindi nawawalan ng gana sayo ang taong mahal mo ?

Minsan talaga mararamdaman mo na lang na nawawalan na ng gana sayo ang isang tao. Yung feeling na nagbago na siya. Minsan na lang magparamdam at madalas naghahanap siya ng dahilan para mag-away kayo.

Sumusuko ka na ba ? Siguro kulang lang din ang atensyon na ibinibigay mo sa kanya. Puro ka rin Expectation sa kanya, kaya yung sarili mo na lang ang iniisip mo..

Pero syempre dapat gumawa ka rin ng paraan para bumalik ang pagmamahal niya sayo o bumalik yung dating closeness niyo. Baka naman masyado kang selosa? Naghihinala ka kahit wala naman siyang ginagawang masama. Ang hilig-hilig mo pa yatang mamintang ng isang bagay na wala ka namang katibayan kaya si BF unting-unting lumalayo ang loob sayo.

Hindi ka niya nanay para diktahan mo siya sa lahat ng bagay. "Lahat ng bagay may Limitasyon." kaya ilagay mo sa tamang lugar yung pagseselos mo.

Nilalamig siya sayo kasi, baka kulang din yung sweetness na ibinibigay mo sa kanya. Minsan may mga lalaki na mabilis mapagod lalo na kapag lagi silang pinaghihinalaan sa isang bagay na wala naman silang kinalaman.

Kung sa tingin mo na ikaw ang problema kung bakit nawawalan na ng time sayo ang BF mo eh, magbago ka na. Ipakita mo sa kanya ang suporta mo as a Girlfriend. Huwag mo siyang i-pressure o huwag ka ring sumabay sa mga personal niyang problema. May problema na nga ang tao, dinadagdagan mo pa.

Eh! Paano naman kung naibigay mo na nga ang lahat pero kulang pa rin? Yung feeling na naibigay mo na ang lahat pero siya na mismo ang nagkukulang sa'yo. Ano ang gagawin mo ?

"Ang kape kapag lumamig na madalas itinatapon na. BF pa kaya ?" Hehe! Sabagay mahirap talaga gawin lalo na kapag mahal na mahal mo ang isang tao.

Lalo na kung siya yung tao na nagpupuno ng kalungkutan mo. Minsan naman kailangan mo siya, kaya nasasabi mo lang na mahal mo siya.

Masakit sa feeling lalo na kung nasanay ka na nandyan siya palagi para sayo, pero biglang nagbago ang lahat kasi lumamig na ang pakikitungo niya sayo. Tanungin mo siya mismo kung may problema sa relasyon niyo. Wag kang matakot magtanong. Dapat mong malaman mula sa bibig niya ang STATUS ng relasyon niyo.

Kung mahal ka niya ipapaliwanag niya sayo ang dahilan. Sigurado naman mauunawaan mo siya kung mahal mo talaga siya.

Tandaan: Mag-usap kayo ng mahinahon at huwag kang mag-oopen ng topic na tila sinaniban ka ng demonyo. Huwag ka ring eeksena kung alam mong may Family Problem siya. Huwag mo nang dagdagan ang bigat na nararamdaman niya para walang away.

Minsan nakakalungkot lang isipin na habang ikaw nagmumukmok sa kakaisip para masolusyunan ang problema niyo. Siya naman, nandun kasama ang mga kaibigan niya at nagsasaya. TANG*NA lang with feelings >o<




I LOVE YOU❤




Quotes:

"Ang JOWA mo, hindi mo kailangan BANTAYAN. Kung TAPAT at MAHAL ka niya, hindi MAGLALANDI iyan!"

Lesson Learned:

Hindi mo kailangang sukatin ang pagmamahal ng isang tao sayo. Love is not measureable. Iba-iba ang tao at iba-iba rin ang paraan nila para patunayan sa'yo kung gaano ka niya kamahal. Kung palagi kang nagdududa sa mga kilos ng boyfriend mo, sana hindi mo na lang sinagot. Kasi bago mo sagutin, alam mo na dapat kung anong pinasok mo. Hindi yung kung kelan naging kayo, atska ka mangangapa. Well siguro sa umpisa magkakapaan pa kayo kung paano niyo patatakbuhin ang relasyon niyo pero not to the extent na nagsusukatan na kayo ng pagmamahal.

Basta ito lang masasabi ko. Ang tunay na pagmamahal hindi nasusukat sa bilang o dami. Gets ? Disregard the Distance, Age, Height, Weight and what-so-ever. Kung mahal niyo ang isa't-isa, pareho kayo gagawa ng paraan para patagalin ang relasyon niyo. Normal lang naman kasi talaga sa magkasintahan ang away-bati moments. Nakakatulong pa nga iyan para patatagin ang pagsasama niyo eh..

Paano mo malalamang mahal ka talaga ng boyfriend mo ? Simple lang. Tanggap niya kung ano at sino ka, kung anong meron ka, at kung anong buhay meron ka. Yun lang.. Pero pag iniwan ka dahil sa mga kamalian mo, hindi ka mahal nun. Kasi kung mahal ka niya, tatanggapin niya ang lahat ng tungkol sa'yo. At tutulungan ka niyang i-tama ang mga mali sa buhay mo.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon