Bakit nga ba ?

266 3 0
                                    


Bakit kailangan pang gumawa ng dahilan? Di ba pedeng direktahin nalang na ayaw na nila.

Di naman totally sakin nangyari yhabz sa kapatid ng bf ko. Ganito kasi yan.

Kasi sabe nung babae GOODMORNING DIN. Sabe naman ng lalaki DiN? dipa ko nag GOGOODMORNING sayo a ' sabe naman ni babae nag GOODMORNING na daw si lalaki. sabe naman ni lalaki SIGE NGA KUNG NAG GOODMORNING NA TALAGA KO SCREEN SHOT MO. Tapus nun di na nag reply yung babae.

Tapus sabi nung babae WAG KA MUNA MAGTEXT SAKIN. tapus sorry na ng sorry si lalaki tapus hanggang sa nag 3 days na ayaw pa din ni babae na magtext kay lalaki. Tapus pagka 4 days ayun na nakipag hiwalay na.

Bakit kaya ganun ?


Hello Yhabz,

Oo nga. :( Bakit nga ba hindi na lang nila direktahin na ayaw na nila ? Mahirap bang sabihin na ayaw na ? Mahirap bang magpakatotoo sa nararamdaman ? Idadahilanan na lang ba lagi na ayaw makasakit kaya hindi masabi yung totoo ? Hindi ba nila naisip na mas masakit yung umasa kahit ang totoo eh, wala na pala yung taong inaasahan nila ? Sabagay lagi naman sarili na lang nila ang iniisip nila eh. Di kasi nila iniisip ang mararamdaman ng taong nasasaktan nila. Basta na lang silang abante ng abante di nila nakikita na may nasasagasaan na sila o naaapakang tao.. Kaya para walang away o sakitan na nagaganap bakit hindi na lang magpaka totoo sa dahilan di ba?

Masakit maiwan di ba ?


Sakit na di mo kayang ipaliwanag. Sakit na walang pangalan. Sakit na walang lunas. Sakit na wala kang pwedeng pagkumparahan.

Yung tipong ok ka naman, physically pero hindi sa emotionally. Yung feeling na pagod na pagod ka na pero wala ka namang ginagawa. Wala ka namang kinakain pero hindi ka nagugutom. Yung tipong hindi ka naman sabog pero hindi ka makatulog. Hindi ka naman na rape pero tulala ka. Yung mga ganyang bagay ang mga senyales ng mga taong naiwan ng mga taong sobra nilang minahal o in short ganyan ang taong Broken Hearted.


Lahat ng nangyayari sa mundo may dahilan.

Lahat ng bagay may dahilan, hindi maaring wala. Ginawang balanse ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo, tao lang ang nagpapagulo nito, simple lang ang lahat ng bagay kung pag iisipan ito.


Parang pag-ibig, may dahilan yan kung bakit siya ang napili mo o bakit nagkahiwalay kayo. Maaring siya na o may darating pang mas magaling at mapagmahal sa kanya. Huwag kang mapanghihinaan ng loob, lahat ng bagay may dahilan.. At kapag may dahilan, may pag-asa pa itong magbago.

Pero doon naman tayo bumase sa kwento mo. Siguro masyadong napaghalataan si girl, kaya ganun na lang ang naging reaction niya. Or di kaya na wrong send si girl sa Bf niya. Mahirap kasi talaga yan, Yan ang napaghahalataang TWO TIMER. Tama rin siguro yung ginawa ng kapatid ng Bf mo, Buti hangga't maaga nahuli niya kahit hindi sa akto na two timer na pala sa kanya yung girlfriend niya. Grabe! Hindi man lang nakonsensya yung babae dun sa ginawa niya sa Bf niya. Wala man lang sorry o paliwanag kung bakit yun nangyari. Hayss! Iba na talaga sa panahon ngayon.


Pero kung kaya pa naman ayusin. Ayusin niyo sa tamang paraan, hindi sa puro dahilan lang. Hindi kasi kayo magkakaintindihan kung puro lang din kayong salita wala naman din sa gawa. Hangga't sa maaga pa at di pa lumalalim ang sugat kailangan na itong tapalan para di na rin gaano kasakit..

"TWO TIMER" mga hindi kuntento sa isa kaya naghahanap ng iba. May mga tao din naman na nagmamahal ng totoo. Problema nga lang, landiin lang ng iba bumibigay na. Bakit kaya sila ganun? Konting yakap at konting halik lang. Aba! Nakalimutan ng may BF/GF sila.



I LOVE YOU❤



Quotes:

"Kapag sobrang bigat na. Pwede namang bitawan muna ang problema at magpahinga. Then kapag okay na ulit, buhatin ulit at ayusin."

Lesson Learned:

Kung may hindi kayo pagkakaintindihan. Intindihin mo, mag-isip ka ng malalim and say sorry. Hindi na dapat pinapatagal ang away, kung ano-ano lang ang maiisip niyong dalawa kapag nag-aaway kayo. Huwag mo siya hayaang malungkot, wala na atang mas lulungkot pa kapag nakita mong nakasimangot ang taong importante sa 'yo.

Oo, normal ang mag-away. Oo, minsan ito ay hindi maiiwasan. Kaya naman sa oras na mangyari ito, huwag mo nang patagalin pa. Intindihin ang mga nangyari, hindi na mahalaga kung sino ang mali. Ipagtanggol mo palagi ang masayang kayo. Tandaan mong hindi mo dapat siya tinitiis, minamahal mo lang dapat.


#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon