FRIENDZONE

500 5 0
                                    


Mag bestfriend na kami. Matagal na. Everything was perfect pero bigla siyang nagka-gf. Tapos I felt something weird towards him. Binalewala ko lang yun kasi akala ko mawawala din agad pero lalo lang siyang umusbong. Nilayuan ko siya pero lagi siyang lumalapit sakin.

Question: What if nainlove ako sa bestfriend ko pero may girlfriend na siya. Pinilit kong takasan ung feelings ko sa kanya pero siya itong lumalapit. Anong gagawin ko? Mamahalin ko pa rin ba siya kahit alam kong hindi niya ako mahal? O lalayuan ko siya ng sa ganun mawala ang feelings ko pero magagalit naman siya sakin? :(

Hello Candace,

Sabi nila masarap magkaroon ng BEST FRIEND. Yung laging lang nandyan, yung laging handa kang samahan sa hirap at ginhawa, yung laging nagpapasaya sa araw mo, yung halos gawing kahiya-hiya ang sarili niya mapasaya ka lang. Pero ano nga ba ang feeling pag na-inlove ka sa bestfriend mo ?

Ano nga ba at sino si BESTFRIEND ?!

A Bestfriend is one who walks in when the rest of the world works out. Most people walks in and out of your life but a bestfriend leaves footprints in your heart. A best friend is like a four leave clover: hard to find and lucky to have. When it hurts to look back and you're scared to look ahead, you can look beside you and your best friend will be there. A best friend is one who thinks you're special when the rest of the world thinks you're a jerk. A best friend spends time with you, share ideas, respect your differences and sticks up for you when no one else will. I hope you find such friend, when you do appreciate that friend for who he / she is, don't expect him / her to be perpect and please don't ever compare that friend with any other.

Minsan kasi mas okay pa yung relasyon sa mag BESTFRIEND kaysa sa Girlfriend / Boyfriend. At minsan din, mas nagtatagal pa yung relasyon mo sa bestfriend mo kaysa sa taong mahal mo. Pwede kang maglambing kay bestfriend mo, pwedeng i-hug, pwede mo harutin o biruin. Kasi wala naman itong ibig sabihin o malisya. At higit sa lahat, pwede magsabihan ng "I LOVE YOU" o
"I MISS YOU", kasi mag best friend naman kayo.

Pero paano nga yun kung isang araw nagbago ang simoy ng hangin at sa simoy na iyon nilipad ng hangin ang dating pagtingin mo sa bestfriend mo. Na-inlove ka nga ng di mo inaasahan, minahal mo siya kahit na alam mong masasaktan ka, masasaktan ka sa isang bagay na alam mong wala kang pag-asa kasi isa ka lamang niyang kaibigan at siya bestfriend mo na may girlfriend na. Lumalapit pa siya sayo kasi bestfriend ka niya, hindi pa niya alam yung totoo mong nararamdaman para sa kanya. Akala niya siguro baka nagtatampo ka lang sa kanya kaya ka lumalayo o baka kasi iniisip niya na nawawala na yung oras niya sayo bilang isang bestfriend kaya siya naman nagagalit sayo paglumalayo ka, kasi imbis na nasayo yung oras niya nasa girlfriend niya na ngayon. Dahil hindi sa lahat ng panahon nandiyan siya para sayo. Meron din siyang sariling buhay..

Oo inlove ka na, sa hindi tamang oras, panahon at TAO. May magbabago ba ? Marahil meron, maraming pwedeng magbago. Lalo na kung malaman niya ang nararamdaman mo sa kanya. May mangyayaring pagbabago rin syempre sa'yo. Ang dating akala mong walang malisya sa ginagawa niyo, ay nakakakilig na para sa'yo. Pero paano mo sasabihin sa kanya kung alam mong iiwasan ka niya pagkatapos mong umamin sa totoo mong nararamdaman ?

Hindi naman talaga maiiwasan na mailang sayo ang bestfriend mo kung umabot ka na sa puntong umamin ka na. Normal lang iyon. Kaya nga may mga tao talaga minsan na mas minabuting manahimik na lang kesa aminin ang katotohanan dahil ayaw nilang mawala ang taong mahalaga sa kanila. Ang ilan talaga sa atin minsan ay mapalad. May mga mag bestfriend talaga ang nagkakatuluyan, nagkaka-aminan na may nararamdaman sila para sa isa't-isa na higit pa sa magkaibigan kaya walang ilangan na nagaganap at lumebel-up pa sa pagiging BESTFRIEND to GIRLFRIEND / BOYFRIEND.

Hindi naman masama mainlove kay Bestfriend pero sana alam mo ang limitation mo as friend na si bestfriend mo ay may girlfriend na.

Ano ang dapat mong gawin ?
Bilang isang bestfriend suportahan mo na lang siya. Tama ka, kailangan mo munang lumayo sa kanya kahit sandali, hindi porket lalayo ka sa kanya ibig sabihin nun kakalimutan mo na rin siya. Kakalimutan mo siya hindi bilang bestfriend kundi kakalimutan mo lang ang feelings mo para sa kanya. Dahil pag hindi ka lumayo at nagpatuloy ka parin baka masaktan ka at lalong lumalim ang feelings mo sa kanya.

Wag ka ng umasa. Ang akin lang, lumayo ka muna sa kanya kahit na alam mong magagalit siya sayo diba sabi nga "Love is Sacrifice." Kaya kung mahal mo siya handa kang magsakripisyo para sa kanya. Kahit mahirap o masakit. At sa konting paglayo mo sa kanya mag-move on ka. At sa pagbalik mo at kaya mo na harapin siya ulit, alam ko namang matatanggap ka niya ulit yung nga lang kailangan niya syempre ng explanation mo. At doon mo sabihin ang totoo ;)

Mahal ka naman niya eh. Pero bilang isang kaibigan nga lang. Isang kaibigan na mahalaga, kaibigan na walang kapalit sa anumang halaga.

Simple lang naman ang kailangan mong gawin kung ayaw mong MASAKTAN, iwasan magmahal ng taong alam mong ang turing sayo ay KAIBIGAN LANG..



I LOVE YOU❤



Quotes:

"FRIENDSHIP is better than RELATIONSHIP."

Lesson Learned:

Ito ang isa sa pinakamahirap na feeling sa lahat ng mararamdaman mo sa isang kaibigan. Alam naman nating mahal natin ang lahat ng ating mga kaibigan, pero iba kapag sinabing "In-love". In love ibig sabihin, may gusto tayo sa kanila. May espesyal na pagtingin, may gustong patunguhan, gusto mong alagaan o kaya naman angkinin.

Kadalasan kasi kapag naiinlove ka sa kaibigan, tanggapin mo na sa sarili mo na posible kang mawalan. Marahil sa oras na umamin ka eh hindi niya magustuhan ang ginawa mong pag-amin.

Minsan kasi sapat na sa kanila yung nandiyan ka lang bilang isang kaibigan. Yung pareho kayong nagkakabenefit sa bawat isa. Yung tipong sweet kayo, pero walang commitment. Pero syempre nandun pa din yung closeness niyo. Gets ? Yung bang pwede mo siyang lambingin parati, kasi nga malaya mong nagagawa yung mga bagay na meron yung ibang taong pumapasok sa isang relasyon..

"FRIENDZONE THINGY" ito ata ang pinakamasakit na mangyayari sayo. Yung bang hindi ka lang busted. Yung tipong hindi mo na alam ang gagawin mo. Hindi mo alam kung mahal ka niya. Hindi mo alam kung assuming ka lang. Wala kang alam kundi ang mahalin siya kahit masakit. Kahit alam mong wala kang patutunguhan sa kanya. Kahit na alam mong hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ituring sayo. Kahit na magmukha kang tanga kakae-effort sa kanya. Kaibigan lang talaga. May magagawa ka pa ba ? Hindi ka naman niya pinilit kaya wala kang magagawa. Ganyan talaga ang buhay.. Napakadaya. Napakamisteryoso. Kung sino pa yung grabe magmahal sila pa yung nasasaktan.

Pinanganak tayo para sumaya. At hindi para maging last option ng iba.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon