Bakit Nagmamahal Ka ?

5.1K 4 1
                                    


Marahil isa na ito sa mga pinakamahihirap na palaisipan sa mundong ating ginagalawan. Kung ito ang magiging tanong sa isang pagsusulit, malamang hindi ako makakakuha ng mataas na iskor. Kung ako ang tatanungin nito, malamang hindi ko rin masasagot ng maayos, malamang magiging bias ako dahil hindi ko maiiwasan na pairalin yung nararamdaman ng puso ko. Pero bakit nga ba ako nagmamahal?

Nagmamahal ako ng walang dahilan, basta minamahal ko lang yung taong mahal ko. Oo, ang pag-ibig ay hindi naghahanap ng rason para magmahal, ganyan magmahal ng wagas, ng walang limitasyon, ng walang pinipili at hinahanap. Bakit nga ba hindi kinakailangan magkaroon ng rason kapag nagmamahal ka? Ito ay dahil sa oras na magmahal ka ay bulag tayo sa lahat ng katotohanan sa mundo ng taong minamahal natin.

Kalakip ng pagmamahal mo ay ang pagtanggap sa kung ano mang mayroon sa nakaraan, kasalukuyan at sa magiging hinaharap ng taong minamahal mo. Kalakip ng pagmamahal mo ay pagtanggap kung ano man ang ugali ng taong mahal mo, maganda man ito o masama, mahal mo siya mula ulo hanggang talampakan.

Siyempre, ang mga kaisipang ito ay mga pananaw ko lamang. Ito'y personal na opinyon ko lamang. Marahil may mga opinyon pang kakaiba pa sa aking sagot.

Nagmamahal tayo kasi tinawag tayo ng Diyos upang magmahal. Ito ang pinakamataas na kautusang ibinilin niya sa ating lahat. Ito ay nabibilang sa "religious point-of-view." Tama naman, dahil pagdating sa ganito walang maling sagot. Dapat nating tandaan na ang Diyos ang unang nagturo sa'tin kung paano magmahal, kaya naman panahon natin ngayon na iparamdam sa iba yung pagmamahal na ibinahagi sa atin ng Diyos.

Nagmamahal tayo kasi tao tayo. Ang kakayahang makaramdam ay isa sa humuhubog sa atin na maging tao. Kasama sa mga pakiramdam na iyon ay ang magmahal ng iba. Sabi nga nila, "Love makes us human".

Nagmamahal tayo kasi isa itong pangangailangan. Ayon naman ito sa isang pag-aaral na ginawa ni Abraham H. Maslow. Oo, ang tao ay may inklinasyon sa mga bagay na nakakapagpaligaya sa kanya. Kung ano ang makakapagbigay ng kaligayahan sa atin, yun ang pipilitin nating makuha, pwera na lamang kung isa kang masokista. Ang pag-ibig ay isang kaligayahan na nanaisin ng ating damdamin kaya ito naging isang pangangailangan. Upang makamit ang pinakamataas na satispaksyon ng tao, dapat muna nating makamit ang pangunahing pangangailangan natin at yaon ay ang pagmamahal.

Iilan lamang ang mga ito sa iba pang opinyon ko. Kung ano pa man, ay may iba iba tayong dahilan kung bakit tayo nagmamahal. Muli kung ako ang tatanungin, ako ay nagmamahal ng walang dahilan, ng walang rason. Nagmamahal ako kasi mahal ko lang yung tao. Ang naging pananaw ko kasi sa pag-ibig ay, sa oras na magbibigay ka ng rason kung bakit ka nagmamahal ay para mo na ring nilimitahan ang sarili mo na magmahal. Magmahal ka kahit maraming mali sa kanya, dahil kalakip ng pagmamahal na ibinibigay mo ay ang pagtanggap sa buong pagkatao niya. Magmahal ka kahit nasasaktan na, dahil hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.

Sa kabuuan ng lahat ng ito, walang pwedeng magsabi sa'yo kung bakit ka nga ba nagmamahal. Sabi nga ng iba, "Love happens by chance, not by choice". Nagmamahal tayo hindi dahil pinili nating magmahal, nagmamahal tayo kasi naramdaman nalang ng puso natin na magmahal, at simula't sapul palang hindi mo na agad alam kung bakit nga ba minahal natin ang tao noong una. Basta lang, hindi ba?

Nagmamahal tayo kasi we want to make that person feel loved. Hindi dahil sa kailangan mo siya o may kailangan ka sa kanya , naaawa ka sa kanya, naibibigay niya mga kailangan mo (things), nabobola mo siya, may itsura at higit sa lahat mahal ka niya.

Wag mo sabihin na mahal mo siya kasi mahal ka niya, hindi naman porket mahal ka niya e mahal mo na siya. Bakit, kung sasabihin ko bang mahal kita sasabihin mo mahal mo na rin ako? Hindi diba. Hindi naman kasi natin mararamdaman kaagad ang pagmamahal, pero kung minsan biglaan nalang natin maramramdaman na nahulog na pala tayo sa isang tao. ♬ ...accidentally inloveeee... ♬

Iba't ibang dahilan bakit tayo nagmamahal, pero sana naman magmahal tayo kapag sigurado na tayo na PAGMAMAHAL talaga ang nararamdaman natin. Masarap magmahal at mahalin lalo na kung totoo . Lahat tayo gusto mahalin ng isang tao ng buong puso, yung tanggap yung totoong IKAW at kung ano ka, hindi yung kung anong MERON ka :)

Bakit patuloy pa rin tayong nagmamahal kahit paulit-ulit ng nasasaktan ?

Bakit nga ba natin to ginagawa ? Sadyang tanga lang ba tayo ?
Tao tayong lahat. Hindi natin makokontrol kung anong mararamdaman natin sa ibang tao lalo na kapag nagbibigay tayo ng matinding pagmamahal. Kasalanan bang mahulog sa isang tao ng hindi sinasadya ? Nasaktan ka dati, ayan ka na naman. Magsisimula ng bagong relasyon na sa tingin mo nama'y hindi magtatagal. Matutuldukan agad. Masakit diba? Para sayo at para sakanya. Minsan masasabi mo nalang na ang 'ang tanga ko naman, ako na tong nasasaktan kapag nagmahal, pero ako rin tong nagmamahal ulit.'

We all love what we know we can't *permanently* have. That's the way love goes! No pain, no gain. Isa pa, kapag nagmamahal tayo, lahat tayo ay wala sa tamang pagiisip. Kumbaga, sira ulo tayong lahat. Ang mali nga, kayang itama ng pagmamahal eh. If it doesn't hurt, It isn't love. Pero worth it ba lahat ng yun? Pero, ano sa tingin natin yung sagot kung bakit paulit-ulit tayong nagmamahal? If I were to answer this question, ang isasagot ko ay..
Bawat tao sa mundo, gusto ng satisfaction. San ba natin makukuha ang satisfaction natin? Diba kapag nagmahal tayo, at NARAMDAMAN NATIN at ALAM NATIN NA MAHAL RIN TAYO NUNG TAONG MAHAL NATIN. Ayos na yun. Kahit alam mong sa dulo ng ride na ito ay masasaktan din tayo. Yun ang para sakin, e sainyo? Malamang ganun din.

Hindi kasi kayang mabuhay ng tao ng walang pagmamahal. Kaya wala tayong pakialam kung sino at kailan tayo magmamahal. Kung ako lang naman, hindi ako maniniwala sa mga taong nagsasabi na hindi na sila magmamahal. Kesyo nakakatrauma. Pero darating yung oras na mauuhaw sila sa pagibig. Parang walang kwenta yun buhay, ganun.. Diba nga love involves risks ? Yung hindi tayo mahalin pabalik, yung napag-iiwanang magisa, at yung risk na masasaktan ka. Basta hindi tayo nasasaktan, daw. Pero tine-take natin yung risks na yun dahil gusto natin yung feeling na nagmamahal at minamahal pabalik. Satisfaction.

Yung kahit anong pilit mo pa ipaliwanag hindi mo maexplain sabi nga "words really just can't explain everything." nararamdaman mo pero hindi mo alam ipaliwanag.


I LOVE YOU ❤


Quotes:

Never GIVE UP, but always GO THROUGH.

Lesson Learned:

Isa lang naman talaga ang dahilan bakit ka nagmamahal, ang makuha ang kaligayahan! Yung magmahal ka para mabuhay ay isang mali na dahilan yun, pewede namang mabuhay kahit wala kang minamahal kaso ang kaligayahan talaga ang hinahanap ng bawat isa..

Loving a person doesn't need to have a criteria, hindi dapat maganda o gwapo, dapat mabait oh understanding, kasi once you fall in love, you take the risk of accepting that person. Kahit na maingay siyang matulog yung tipong malakas mag hilik. Kahit na matakaw siya oh sobrang taba yung tipong hindi na kayo mag kasya pag puno na sa jeep. Kahit sobrang moody niya. Nakakainis na kulang nalang sapakin mo at lagyan ng stapler ang bibig. Yung sobrang seloso/selosa na pati kabarkada mo pinagseselosan niya na. Badtrip lang di ba?

At yung napaka-arte na or OA na magdadali. Mahirap talaga mag mahal trying to be perfect kasi gusto mong mag tagal kayo pero hindi yun yung sagot sa lahat. Accepting the real person fully kasi if you say that you love a certain person you don't need to find any answers why you love him or her. It's because lahat ng tao nagbabago. But if you accept that person mag bago man siya in the middle of your relationship hindi ka masasaktan kasi you know that darating yung time na yun. Yung tanggap mo siya ng buong pagkatao niya.

Mahirap gawin pero masarap subukan, dahil wala ng sasaya pa if we let one person feel na mahal na mahal mo siya without asking for any return.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon