Panliligaw Tips

805 6 0
                                    


Tips sa Panliligaw :

1. Alamin o gusto / ayaw ng nililigawan.

2. Iwasan ipakita ang mga bad habits.

3. Ligawan ang magulang ng taong nililigawan mo.

4. Kaibiganin ang mga kaibigan niya.

5. At higit sa lahat, MAGPAKATOTOO KA.


How to make him/her come to you :

1. Everything must start with friendship. ( Magpakilala ka muna as a friend. )

2. Communication is important.

- Maganda kung sa Text Messages lang kayo makapag-usap kumbaga parang short conversation muna at may konti ring nakakabitin. Kapag phone naman wag kayo masyadong magpakatelebabad sa call dapat mga 2-3 hours lang ang maging timespan niyo. Kundi mauubusan kayo nyan ng kwento sa isa't-isa. Pero ang the best talaga is yung One on One Conversation in a personal.

( Dyan mo kasi makikita talaga kung ano ang tunay niyang katauhan at syempre expressions niya. )

3. Give and Take Relationship
( Mutualism )

- Syempre dapat may nakikinabang sa inyong dalawa.

4. Be nice ( Don't plastic )

- Basta magpakatotoo ka lang sa sarili mo..

5. Flirt a little, pero mas maganda kung nagjo-joke ka kahit corny. Kumbaga, libangan para di siya mainip sayo. Dahil mas lalo nakakagaan kung makikita mo ang kanyang mga ngiti, at ikaw ang dahilan ng mga yun.. ( It melts your heart away. killer smile! :D )

6. Maging magalang ka. Such as by saying Good Day, Hello, How are you? Everytime you see him/her.

7. Ipakita mo na concern ka. Like, Kumain ka na ba? Kamusta ka? May problema ka ba? pero syempre wag naman sobra. Baka ma-Oa siya sayo. Hanapin mo ang right time kapag sasabihin mo sa kanya ang iyan. Kundi alam mo na ang mangyayari. Baka ma-beastmode siya sayo! Yari ka!

8. HUWAG KANG TORPE!


Ganito ang gawin mo wag mong sasabihin na manliligaw ka sa kanya. AWKWARD yun! Hayaan mo siya ang lumapit sayo at gumaan ang loob niya sayo. Until tanungin ka niya na..."Nanliligaw ka ba?"

Syempre mapapansin niya yun di ba ? Di naman siya bato para di pansinin yung mga effort mo. Wag lang talaga sa taong manhid. Dahil kahit ano gawin mo masasayang lang effort mo. Pero kung matigas ka at handa ka talaga magpakatanga sa kanya. Ikaw na bahala.. (<_<)>


And then alagaan mo na lang siya kapag sinagot ka na niya. Pero kapag ayaw ka pa niya sagutin ibig sabihin lang nun hindi pa siya handa.

Don't take it as "BUSTED"  kundi . . . "BETTER LUCK NEXT TIME" or maybe kulang pa at di pa niya nakikita sayo yung gusto nya sa isang guy pag nangligaw.


How to Care a Relationship ?

Well kahit kayo na.. Sana naman di pa rin magbabago ang tingin ninyo sa isa't-isa. Almost 75% friends pa rin kayo at yung kalahating 25% yung mag-On kayo.

1. Kahit kayo na, wag kang magtitiwala agad sa kanya na ikaw lang. ( Isipin mo pa rin yung Ex niya, dahil friend niya pa rin yun. ) Akala mo lang na kayo sa umaga tapos pagsapit ng gabi katext niya pa rin si Ex. May mga ibang babae kasi na ganyan. #GalawangBreezy.

Kasabihan nga: Lahat ng bagay may kahati ka.

2. Give and Take Relationship.
Alam mo naman na siguro ang ibig sabihin niyan. Dapat may bigayan at palitan kayo sa isa't-isa. Hindi yung isa lang sa inyo ang gumagawa.

3. Wag mo kilalanin ang mga boys / girls na naka link sa kanya o sayo. Promise! You will thank me for this. Dahil once na maging close niya yung mga taong pinakilala mo sa kanya baka ikaw ang maiwanan or malaman niya ang mga negative side mo. Naku! Dagdag turn off yan.

4. Kapag mag-uusap naman kayo, be your self. Kapag seryoso ang usapan saryosohan talaga, kapag biro naman biruan talaga. Pero kapag seryoso wag ka magbibiro.. Alam mo naman ang mga babae minsan di maintindihan.

5. If you love him / her show it. Don't say it. Wag ka rin mangangako kung di mo kayang panindigan mas mabuti nang sabihing susubukan kaysa magpa-asa ng lubusan.


Well, masaya sa feeling kapag may syota noh ? May maipagmamalaki ka, may magtatanggol sayo. Pero ang nakakalungkot lang pag nag break kayo para kayong walang pinagsamahan. Wala lang sa inyo ang lahat..


Kaya gusto ko lang ishare sa inyo. Para sa lahat ng lalaking di kagwapuhan, sa mga lalaking nagmamadali, sa mga lalaking nawawalan na ng pag-asa, at syempre para sa mga lalaking pakampante sa sarili nila na akala mo kung sino. Lagi niyong tatandaan na ang babae, iba-iba. Hindi magkakaparehas. Kaya sana wag niyo silang binabalewala. Lagi niyo lang silang pahalagahan kasi pag sila inibig mo ng tapat at minahal mo ng totoo. Gagawin ka nilang sentro ng buhay nila at guguho ang mundo nila sa sandaling iwan mo sila.

Dahil boys, aminin man natin o hindi, sila yung tipo ng taong hinahanap-hanap natin at kukumpleto sa ating buhay.



I LOVE YOU❤



Quotes:

"Ang panliligaw dapat paisa-isa lang. Hindi yan PROMO na, THE MORE ENTRIES YOU SENT, THE MORE CHANCES OF WINNING."

Lesson Learned:

Huwag na huwag mong tatanungin ang isang babae kung pwede ka bang manligaw sa kanya. Paano kung sabihin niyang hindi pwede ? Edi hindi ka pa man nagsisimulang manligaw sa kanya, basted ka na. Mas mabuti kung dederetsuhin mo siya at sasabihin mong "maliligaw ako sayo, kilalanin mo muna ko bago mo sabihing ayaw mo."

Gusto ng mga babae yung sinusuprise sila. Kahit hindi ka kagwapuhan, basta sweet ka, at ma-effort. Siguradong maiinlove siya sayo. Alamin mo ang mga hilig niya. Ipakita mo na interesado kang malaman ang mga bagay na gusto o tungkol sa kanya. Huwag mong pairalin ang kayabangan mo. BE A GENTLEMAN.


Irespeto mo siya bilang isang babae. Wag mong iPBB teens agad. Kung manliligaw ka dapat isa lang ang pinupormahan mo. Hindi yung may nililigawan ka na, may reserba ka pa. ANO KA NESTEA? Share-share lang.. Hindi pa nga kayo nanloloko ka na agad.

Haranahin mo siya. Lumang paraan pero one of the best way para pakiligin at iparamdam sa taong mahal mo na seryoso ka sa kanya at handa mong gawin ang lahat para sa kanya. Dahil kung hindi ka marunong mag-effort mawawalan siya ng gana sayo.


Wag kang susuko kaagad. Kung marami kang kaagaw sa kanya. Ano naman? Edi ipakita mo sa lahat na ikaw ang pinaka deserving para sagutin niya. Huwag kang mainip. Basta ipakita mo lang na patient at sincere ka. Sasagutin ka din niyan. Tiwala lang..


#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon