M . U

495 2 0
                                    


Pano mag move on sa taong hindi naman naging kayo at hindi ka naman niligawan ?

Pero sinabi niyang gusto ka niya at nag I Love You na siya sayo. Medyo MU stage. Tapos nagtanong pa siya ng can we start again? Few weeks after niyang mawala to give way sa friend niyang akala niya gusto mo. Pero after that night, nawalan na siya ng sweetness sa texts niyo and ilag na siya in person. Then few months after, friend mo na ang nilalandi niya.

                                   By: Freya

Hi Be,

Hmmm? Relasyon na parang hindi kayo. Ganyan ba kayo? Yung hindi kayo sweet, dinaig pa kayo ng mga langgam sa sobrang sweet nila. Yung turingan niyo sa isa't isa ay magkaibigan lang. Yung wala kayong tawagan na mahal o kung ano pa. Parang gusto niyo lang maging magka-relasyon kasi yun ang in sa ngayon. Yung bang nainggit lang kayong dalawa sa mga kabarkada niyo kasi silang lahat ay may ka-relasyon na kaya naghanap ka na din kahit ayaw mo pa..

Ang masasabi ko lang, hindi siya totoo sayo. Dahil kung may gusto siya sayo papanindigan niya yun lalo na't sinabihan ka niya ng ILOVEYOU syempre ikaw naman si walang alam, magpapa-apekto ka at aasa. Tapos pag nasaktan atska magsisihan. Sadyang may mga taong paasa lang..

Masaya kasi kapag may ka MU lalo na pag crush mo yung ka MU mo. Pero nakaka-disappoint din. Oo, may karapatan kang magselos, pero wala kang karapatan magalit. Eto yung, parang kayo pero hindi kayo. Mahirap kasi MU lang kayo, hindi mo alam kung kelan ka ipag papalit nung ka MU or kelan siya mag kakaroon ng gf/bf. Mag kakaroon na lng siya ng gf/bf bigla bigla. Ehdi syempre ikaw, masasaktan. Pero wala eh, wala kang magagawa, hindi kasi kayo. Sila yung mga taong mahal ang isa't-isa pero ayaw nilang maging committed sa isa't-isa. Gets ?

Isang napakagulong sitwasyon. Hindi kayo, pero parang kayo..
May mga callsign o tawagan pero walang commitment. Pwede magselos pero bawal na bawal magreklamo. Pag lalandi siya, di mo siya pwedeng pigilan. M.U nga lang kasi kayo, sobrang sarap sa umpisa.. PERO SOBRANG HIRAP UMASA..

Gusto niyo pareho ang isat-isa pero hindi pa "kayo". Bakit ba may ganito pang stage sa love? Getting to know each other stage ba to? Ano pang point ng courtship kung may MU naman? Sabi sa google ang mag MU daw kahit na mutual na yung feelings niyo pwede padin makipag date yung ka MU mo. Pero kasi yung mga kabataan ngayon mali yung pagkaintindi nila ng MU. Nagrereklamo sila kung di na nagtetext, walang oras, etc, etc gayung pasok naman yung mga gawaing yun sa mga mag MU. Hindi nga kasi kayo mag boyfriend diba? So wala kang karapatang magdrama jan kung magbago man yung pakikitungo ng ka MU mo sayo. Kung gusto ka talaga niya, dapat noon palang naging kayo na.

Sa totoo lang medyo magulo ang MU, MU na yan. Bakit?

> Pi-pwedeng mag I love you sa isa't isa, pi-pwedeng maging sweet, pero bawal umasa.

> Ang pagseselos ika nga ay nararamdam. kaya pwedeng magselos. PERO bawal mo siyang sumbatan, at hindi ka pwedeng magalit sa kanya. kasi nga, MU lang kayo. MU lang. hindi mo siya boyfriend/ girlfriend.

> Yung mga bagay na nagagawa ninyong sweet sa isa't isa. Gaya ng bigyan siya ng bulaklak o chocolate kapag Valentine's Day o kaya naman pwede kayong mag date. but then again, since MU nga lang kayo, pwede din niya yun gawin sa iba. Diba ang gulo, at the same time masakit. Lalo na kung numi-next level na yung feelings ninyo sa taong yun.


I LOVE YOU❤

Quotes:

"More than friends, but not lovers.
Same feeling, but different hearts.
Some say its love, yet some say its a game. A short time happiness with a unclear happy ending.
Both are hurt and everything seems to fail. Because MU is nothing but a freakin' fairytale."

Lesson Learned:

Yung pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa.

Pwedeng alam ninyong dalawa na pareho kayo ng nararamdaman. pwede ding hindi. yung tipong mahal ninyo ang isa't isa. pero walang umaamin. Madalas, mga kaibigan niyo lang ang nakakaalam o ikaw lang.

Pero sabi nga nila, na ang MU daw ay pwede ng maihalintulad sa KUNWARElationship. Yung pareho kayong nararamdaman. pareho yung feelings ninyo sa isa't isa. you two are more than friends but less than lovers.

Actually, pansin ko nga, eto na yung nauuso ngayon eh, kasi sa ganitong relationship, kayong dalawa yung boss. pero ang mahirap lang dito eh yung wala kang pinanghahawakan. kaya pwedeng magkaiwanan at minsan, kapag din nasobrahan yung pagtrato niyo sa isa't isa, to the point na nag a-I love you-han na, yung tipong ginagawa niyo na yung mga ginagawa ng magboyfriend-girlfriend, Hindi maiiwasan na yung isa eh, umaasa na pala.

Pero sabi nga. depende naman sa tao yun, may iba naman kasi na gusto talaga nilang MU na muna, yung gusto nila ang isa't isa pero pansamantalang ayaw pa nila ng commitment kasi.. Gusto pa nila makilala ang isa't isa o kaya naman hindi pa sila ganun ka-ready pumasok sa isang relasyon o kung ano ano pang dahilan.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon