Why Do People Hurt ?

438 4 0
                                    


Alam ko marami sa atin ang nasaktan na ng dahil sa "LOVE". I'm talking about Love sa boyfriend, girlfriend, or crush. Bakit nga ba nangyayari 'to?

Para sa akin, may tatlong dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Una, dahil sa mga Maling Akala. Pangalawa, dahil sa mga pangakong hindi naman nangyayari. At pangatlo, maling tao ang tinitibok ng puso natin.


Unang dahilan sa nabanggit ko ay dahil sa MALING AKALA natin mahal nila tayo pero yun pala attracted lang sila sa atin. Love is different from attraction. I define love as likeness in who he / she really is, while attraction is likeness in one's feature. Kaya nga hindi ako naniniwala sa "Love at First Sight." Dahil maraming nasasaktan sa mga salitang yan kahit magandang pakinggan. Hindi mo naman talaga masasabi na mahal mo na ang isang tao sa unang kita mo pa lang sa kanya. Siguro attraction ang mararamdaman mo hindi love. Kailangang makilala mo muna siya ng buong-buo bago mo masabing mahal mo na nga talaga siya.

Pangalawang dahilan ay dahil sa mga PANGAKONG NAPAKO. Marami sa mga lovers ang may pangako sa isa't- isa. Mga pangakong walang iwanan, ikaw lang habangbuhay, mamahalin kita habangbuhay, wala na akong mamahalin kundi ikaw lang at kung ano ano pang ka-churvahang pangako. Ngunit ang mga pangakong ito ay hindi naman nagkatotoo. In short, mga pangakong napako lang.


Pinaniwalaan natin yung mga pangakong iyon dahil akala natin siya na nga talaga habang buhay pero hindi. May nahanap siyang iba kaya nawala ang lahat ng mga pangako sa isa't- isa. Parang ganito lang yan. Kunyari pinangako ng mga magulang mo na magoouting kayo next week. Matagal niyo ng hindi ginawa iyon dahil busing busy sila. Excited na excited ka. 3 days before the outing day palang eh na-ready mo na yung dadalhin mo. Then the day of outing comes, pero sinabi ng magulang mo na hindi matutuloy kasi may aasikasuhin sila. Natural ang first expression mo is masasaktan ka. Parang ganun din sa love kung hindi nangyari yung mga pangako niyo sa isa't-isa. Actually hindi lang naman sa mga teenage lovers nangyayari iyan eh. Pati rin sa ibang mag-asawa. Nangangako sila sa altar na "till death do as part," at "for richer or for poor." pero yung mga pangakong yun nawawala kung ang isa ay nagloko. May nakitang iba ang isa, nakalimutan na ang pangakong binitiwan nila sa harap ng Diyos.

MALING TAO ang tinibok ng puso natin. Iyan ang pangatlong dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Minsan hindi natin alam maling tao na pala ang tinibok ng ating puso. Akala natin si Mr. or Ms. right na iyon, yun pala hindi. Binibigay natin lahat ng pagmamahal natin sa kanila pero niloko lang nila tayo. Sabi nga, "The heart beats in the left beacuse sometimes it is not right." Tama naman yun diba ? Hindi naman talaga always na tama ang puso natin. Minsan lang kasi maling tao ang pinapana ni kupido. Pero huwag natin siyang sisihin. Sabi nga nobody is perfect.


Well maiiwasan naman nating masaktan eh. Alalahanin lang natin na huwag tayong maniniwala sa lahat ng pangakong sinasabi sa atin. Huwag din nating ibibigay ang lahat ng pagmamahal sa isang taong hindi natin sigurado kung siya na nga ba talaga. Kailangang magtira ka para sa sarili mo. Dapat pairalin natin ang utak natin. Huwag puro puso. Dahil minsan ang puso, parang tao din na nagkakamali..


Bakit nasasaktan ang mga tao?

Dahil may mga taong walang isang salita, mga di kayang panindigan ang mga binibitawan na salita. Kaya itong isa, umaasa dahil akala nila totoo ang mga binibitawan ng partner nila. Tulad ng salita, "Hindi kita iiwan." Gaano na ba kagasgas ang salitang iyan? Sa milyon milyong tao ang nagbibitaw niyan, iilan lang ba ang nagawang panindigan iyan. Sa buong buhay ko, di ko pa ata nakikilala yung partner na kayang panindigan ang salitang, "Walang iwanan." Dahil lahat nauuwi sa hiwalayan. Minsan naman hindi natin gustong iwan sila pero sila na ang nang-iwan. Kaya wala din. Sana lang kasi wala ng nagbibitaw ng mga salitang hindi naman kayang panindigan. Wala namang aasa kung walang nagpapaasa.

Kailangan mong bitawan ang mga bagay na hindi naman dapat tumagal o hindi naman dapat sayo. Mahirap kalabanin ang tadhana kaya dapat mo ng bitawan kahit masakit. Kahit masakit na iwan mo siya o layuan. Kailangan mong gawin dahil hahanap at hahanap ng paraan ang tadhana para hindi kayo magpag isa. Kapag hindi kayo ang nakatadhana, hindi talaga kayo at matatapos din kayo agad. Kahit sobrang tagal niyo na sa isang relasyon tapos hindi naman pala kayo ang nakatadhana sa isa't isa, wala pa din iyang relasyon niyo kundi may katapusan padin yan. Kahit sobrang iniingatan niyo ang isang relasyon kapag hindi kayo ang dapat magsama, may isang mangyayari tapos aabot kayo sa puntong hiwalayan.


Kailangan mong tanggapin na lahat may hangganan na lahat ng hindi para sayo ay mawawala. Kung temporary lang sa buhay mo ang isang taong sobrang importante sayo mawawala at mawawala siya sa buhay mo dahil may ibang taong nakalaan para sayo. Kahit yung mga kaibigan mo, hindi maiiwasan na may isang umalis sa kanila at talikuran ka na. Hindi naman sa lahat ng panahon pwede silang mag stay sa buhay mo dahil mas may nakalaang iba para sayo.

Kailangan mo lang tanggapin na lahat ng bagay ay hindi para sayo, mawawala at mawawala iyan sayo. May mga bagay talaga na temporary lang sa buhay mo at hindi sila magtatagal. May mga taong dadaan lang sa buhay mo o magiging parte na ng buhay mo pero mawawala at mawawala pa din sila sayo pero yung alaala niyo hindi mawawala. Kasi kung hindi mo sila kayang i-give up hindi mo makikilala yung taong para sayo talaga o yung mga taong dapat magtatagal talaga sa buhay mo at yung taong nakatadhana talaga maging iyo.








I LOVE YOU ❤







Quotes:

Kalimutan ang mga taong nang-iwan. You don't need to Chase and Ask them na bumalik sayo, kasi kung totoong mahalaga ka sa kanila. Walang salitang Busy It's only a matter of Priority.

Lesson Learned:

Nasasaktan tayo dahil sa sobrang pagtitiwala, sobrang pagmamahal, sobrang pagpapahalaga at pag-aalaga. Madaling buksan ang pintuan ng puso para sa sinumang darating na kakatok dito. Pero hindi ganun kadali ang magpapasok ng taong ngayon lang dumating sa buhay mo.. Minsan kasi hindi mo alam kung anong dala nilang kapalaran sayo. Hindi mo alam kung anong pakay at kailangan nila sayo.


Pero kung may iba kang nararamdaman sa taong ngayon mo lang nakilala, wag mo siya masyadong pagkatiwalaan ng lubos lalo na at hindi mo pa siya lubusang kilala. Masakit ang masaktan, pero mas masakit ang ganti ng MALINLANG..


Marami ding dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Pwedeng sa pagkadapa, pagkapalo, o pagkasuntok. Pero ang lahat ng iyan ay wala pa kumpara sa sakit na mararamdaman sa loob mo. Yung tipong hindi physical pain. Kundi emotional. Sabi nga nila "Mas masakit ang salita kumpara sa gawa." Yung walang dugo, walang sugat pero ramdam mong masakit talaga. At hindi kayang lutasin ng alcohol at band aid lang.. Yung tipong kahit anong iyak mo hindi mawala-wala, kahit itulog mo pag gising mo nandoon pa rin.. Iyan yung sakit na nanggagaling sa puso mo. Kasi, NAGMAHAL KA..

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon