Palatandaan ...

402 11 0
                                    

SIGNS NA KUPAL ANG ISANG TAO

1.) Mas mataas ang tingin niya sa sarili niya kesa sa kausap niya.

- Kahit pa siguro si Pangulong Aquino pa o si Obama pa ang kausap niya, feeling niya mas magaling pa siya kaysa sa kausap dahil dala-dala niya ang yabang sa kanyang sarili.

2.) Hindi siya nagpapalamang sa ibang tao, siya ang laging nanlalamang.

- Kahit napupuri ang ibang tao sa mga magagandang bagay na kanyang nagagawa, hindi siya magpapatalo dahil tingin niya sa sarili niya ay mas lamang pa ang nagawa niya kaysa sa iba.

3.) May puna siya sa lahat ng taong makikita niya.

- Hindi mo siyang makikitang pupuri sa iba. Pagdating sa ibang tao, lagi na lang siyang may puna kahit hindi naman kapuna-puna basta masabi niya lang na mas magaling siya kaysa sa pinupuri niya.

4.) Para sa kanya, siya lagi ang tama.

- Hindi niya tatanggapin ang argumento ng iba dahil para sa kanya ay siya ang tama. Kahit na wala na sa lugar ang mga pinagsasabi niya, ipipilit at ipipilit niya na siya ang magaling at mali ang lahat ng nasa paligid niya.

5.) Mataas ang pride niya at niyayabangan niya ang lahat ng kausap niya.

- Hindi mo siya naririnig na magsasabi ng sorry kahit kanino dahil dapat siya ang sinasanto ng lahat. Iyayabang niya lahat ng pinaggagagawa niya kahit hindi naman talaga kasi kayabang-yabang.



Hahaha!! Sino may mga kilalang ganito ? Ako kasi meron. Secret ko na muna yun.. Oo. Masaya sila kasama at palabiro, pero yung ganitong sides ng attitude nila minsan nakakasawa na or nakakapangit na sa panlabas nilang kaanyuan. Hindi kasi nila muna iniisip na meron na pala silang natatapakang ibang tao o nakakasakit na ng damdamin.. Siguro naman hindi mawawala na wala tayong nakakasalamuha na ganitong uri. Pero aminin natin o hindi marami sa atin ang ganito..



I LOVE YOU<3



Quotes:

"May mga taong sadyang nagmumukang basura. Hindi dahil sa kung ano ang itsura nila, kundi dahil sa ugali na meron sila."


Lesson Learned:


#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon