Mahal Ko o Mahal Ako ?

919 11 1
                                    


Hi ;) Ano/Sino po ba ang tamang mas piliin pagdating sa pagmamahal. Yung taong mahal ako na kumakatok sa puso ko o Yung taong mahal ko na pinapangarap kong makasama habang buhay? Naguguluhan po kasi ako eh. Parehas na po kasi silang matimbang para sakin. Help me please ?

                                By: CharlesMercado

Hello Kuya,

MAHAL MO na hindi ka naman MAHAL o MAHAL KA pero hindi mo naman MAHAL ?

Sino nga ba ?? Yung sa tingin mong dapat. Ikaw lang din kasi ang makakasagot niyan. Yung taong mahal mo na pinapangarap mo habang buhay? Yun bang taong yun sigurado ka na ba talaga na siya na? Yung talagang ramdam mo na wala ka ng kahati? Kasi kung meron pa man, mahihirapan ka din. Dapat doon ka sa sigurado na. Sa babaeng iintindihin ka at mamahalin ka maging sino ka man. Pero kung sana mahanap mo na yung ganyang babae o higit pa diyan, ako na nagsasabi sayo INGATAN mo siya. Huwag mong hahayaan na mabewala mo siya at baka sa huli magsisi ka pa.

At dun naman sa taong kumakatok sa puso mo? Sana hindi mo siya naging kaibigan bago ka niya minahal kasi may mga ganung tao. Yung tipong dati mong kaibigan tapos nun naging mag bf/gf kayo. Tapos makalipas lang ng ilang buwan nag-break agad kayo, tapos simula nun hindi niyo na maibalik yung dating magkaibigan palang kayo. Pero swerte mo siguro kung makahanap ka ng tao na matatanggap niya lahat at kaya niya pa rin ibalik kung ano kayo noon bilang isang kaibigan. Siguro ang kailangan mo munang gawin kilalanin mo siya ng maayos. Para malaman mo nga ba kung sino ba talaga ang tunay na matimbang.

Pero kung hindi man siya yung mapili mo sana kahit papaano maging totoo ka sakanya. Hangga't maaga pa sabihin mo na yung totoong nararamdaman mo.  Kasi mahirap magpaasa ng tao. Masakit..

Kung parehas nga silang matimbang para sayo, piliin mo na lang siguro yung karapat-dapat para sayo. Yung tipong totoong nagmamahal sayo at kaya kang tanggapin sa lahat ng bagay.

Kapag nagMAHAL ka huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba. Dahil ang pagmamahal sa PUSO nakikita, hindi sa bibig ng iba.


I LOVE YOU ❤


Quotes:

"Mas masarap mahalin yung taong PINAHAHALAGAHAN ka kahit hindi kayo, kesa sa taong mahal mo nga pero puro PAMBABALEWALA lang natatamo mo.."

Lesson Learned:

Yung magmahal ka ng hindi mo minamahal ay napakahirap. Oo, may ilang magsasabi sayo na "Natuturuan naman ang puso." subalit hanggang kelan mo tuturuan ang iyong puso ? Hanggang kelan ka luluha dahil sa maling pagpili at hanggang kelan mo babaunin ang panghihinayang ?

Hanggang kelan ?

Mahalaga ang magmahal ng tama, dahil mahirap na sa bandang huli ikaw din ang luluha. Sa huli't huli, wala ka rin masisisi, wala ka ring matatakbuhan at wala ka rin namang mapapala. Ang pagiging masaya sa isang simpleng paraan ay isa na ring napakalaking dahilan kung bakit ang pag-ibig ay hindi naglalaho at hindi namamatay sa ating mga puso.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon