Tanga ?

559 9 0
                                    


Bakit may mga taong nagpapaka tanga ?

                                 By: Jaja


Hello Be,

Bakit ??? Kasi may mga taong nagmamahal, lahat tayo nagiging tanga lalo na pagdating sa mundo ng pag-ibig. Kung walang tanga. Wala ring mga taong nagmamahal ng totoo at wala rin nakakaranas ng FOREVER kung meron nga ba talaga.. Kaya .. Wooowohh!! *^O^* TANGA TAYO!!

Bakit ka nasasaktan ? Kasi nagmamahal ka. Bakit nagmumukha kang tanga ? Kasi umasa ka na mahalin ka din niya..


Kasi may mga taong umaasang sila yung "LEAD" sa isang Love Story na kung saan marami silang paghihirap na mararanasan sa pag-ibig nila at sa huli kahit gaano man kadaming pagsubok, malalagpasan nila yun at magkakaroon sila ng HAPPY ENDING sa taong mahal nila. Unfortunately, konti lang ang nagigising mula sa bulag na pag-asa na ito. Kung sa Fiction o Telenovela, pag sinabi sa plot o script na magkakatuluyan sila, kahit na umulan pa ng bulalakaw o maging square man ang mundo, sila at sila pa rin ang magkakatuluyan. Pero sa tunay na buhay, walang script, walang plot. Hindi mo malalaman kung nasa lead role ka ba o dakilang extra ka lang? Ang masaklap pa, baka kontrabida pa ang role mo.


Tandaan mo REALITY IS REALITY wala ka sa isang WATTPAD STORY.


Bakit nga ba may mga taong nagpapakatanga sa pag-ibig ?

Bakit nga ba ? bakit ? Dahil sa sobrang pagmamahal nila sa taong yun. Kaya nagagawa nilang magpakatanga sa taong mahal nila. Yung tipong pag nawala ito, guguho ang mundo nila. Madaming ganyan ngayon. At inaamin ko, isa ako sa mga taong yun.

Yung tipong binigay mo na nga lahat, kulang pa rin. Tapos, heto ka. Luhaan at Depressed sa pag-iwan niya sayo. Hindi mo naman kailangan idibdib ang pang-iiwan ng taong mahal mo eh. Sa una lang yan mahirap. Sobrang hirap. Oo. Napakahirap Grabe -__- Lalo na kung yung taong iniwan ka ay siyang kumumpleto ng buhay mo at minahal mo ng totoo.


Kaya, mas pinipili na lang ng iba ang magpakatanga para hindi sila iwan ng taong mahal nila. Yung tipong kahit nasasaktan na sila ng bonggang-bongga kinakaya pa rin nila wag lang mawala ang mahal nila. Martir. ika nga. Or SOLDIERS OF LOVE.

Ang masasabi ko lang sa mga taong ganyan. Please lang.. Wag kayong magpaka DAKILANG MARTIR sa isang tao. Maawa naman kayo sa sarili niyo. May mga taong nasasaktan dyan sa tabi-tabi dahil nasasaktan ka. Kaya tigilan mo na yan. Makakahanap ka din ng taong totoong magmamahal sayo. Siguro hindi pa ngayon, pero dadating din yan. SOMEDAY!


Kaya matuto kang maghintay. Sabi nga nila, TRUE LOVE WAITS.


I LOVE YOU❤


Quotes:

"Hindi tanga ang taong nagmamahal kahit nasasaktan na. Mas tanga yung taong minamahal na nga ng sobra naghahanap pa ng iba."

Lesson Learned:

Ang laki ng mundo, pero bakit nga ba tayo nagpapakatanga sa iisang tao ?

Siguro nga tanga ka, ako, sila, tayo pero ano nga bang magagawa nila, nagmahal ka lang naman. May choice naman talaga eh. Maaari mo siyang iwan at kalimutan na, pero syempre hindi madali. Iniisip mo pa lang nararamdaman mo na kaagad yung sakit.


Oo kusa kang nahulog sa kanya, pero yang pagpapakatanga mo, ginusto mo na yan. Kapag nagmahal ka, automatic na yun.. Tanggapin mo na masasaktan ka talaga. Hindi porke't mahal mo siya at mahal ka niya, hindi ka na niya masasaktan.

Oo marami pang iba dyan, pero kung siya nga naman talaga ang gusto mo, gagawin at gagawin mo lahat para sa kanya. Napaka-Kj talaga ng Utak natin pagdating sa nararamdaman ni Puso. Tanga na kung tanga, pero mahal mo siya kaya lahat titiisin mo. Kahit sabihin mong di ka aasa, imposible. Dahil kapag nagmahal ka, mag-eexpect ka na sana mahalin ka din niya tulad ng pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Kaya kapag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka talaga kaya wag ka ng magtaka.


Kaya ka nasasaktan kasi umaasa ka. Umaasa ka kasi nga mahal mo siya. At mahal mo siya kaya ka nagpapakatanga. Mahirap talagang iasa ang kasiyahan mo sa isang tao. Maaaring isang pagkakamali niya lang mawawasak na ang mundo mo. Pero kahit ganon, tatanggapin mo pa rin siya kahit magmukha kang tanga sa mata ng iba. Wala eh, pag nagmahal tayo, Hindi utak ang ginagamit kundi ang puso. Hirap ano? Tanga ka man, at least Nagmahal ka ng totoo.


#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon