Nakakabuti nga ba ?

425 4 0
                                    


Nakakabuti bang itago ang nararamdaman ?

Kasi lagi naman ganun na lang eh, alam ko namang pag nagmahal ka masasaktan ka. Pero siguro kasi mabuti na rin na minsan itago ko na lang yung nararamdaman ko sa kanya para di na rin ako umasa. Kung di naman ako basted sa babae, ayaw sa akin o di ako ang type nila. Pag Gf ko naman ganun din niloloko lang din ako. Kaya siguro kahit masakit sakin itatago ko na lang din yung nararamdaman ko para sakanila :(

                                                  By: Chaii


Hi Chaii,

Ewan, Siguro, Depende.. Pero ako sasabihin ko para mabawasan ang nasa dibdib ko.

Hindi naman kailangang itago yan. It's up to you if you want to keep it by yourself. Torpe ? ganyan din ako dati pero wala na ngayon. Sana di na maulit pa. Hahaha! Since nagkamali na ako before. Pero syempre hindi naman yung pabasta-basta..
Take everything into considerations.. By the way, wag mo ipahayag. iparamdam mo lang. That's one of the best things you can do.. Kasi di ba? "Action speaks louder than words."


"Oo, Mahal kita. Oo, Gusto kita ! Noon pa !"

Yung tipong mahal na mahal mo siya matagal na, pero hindi mo masabi o maamin dahil natatakot ka. Natatakot kung ano ang sunod na mangyayari pagkatapos mong sabihin ang linyang yan. Natatakot ka na mawala yung pinagsamahan o ang friendship niyo. Natatakot ka na baka ma reject ka, Na kahit alam mo naman na wala siyang nararamdaman sayo natatakot ka pa ding sakanya mismo manggaling na hindi ka niya gusto.

Ang sakit diba, mahirap kasi itago ang nararamdaman natin sa isang tao lalo na kapag palagi natin siyang kasama, pero mas mahirap at masakit na ipinaparamdam mo na nga pero hindi pa din niya maramdaman. Manhid eh! May mahal kasi siyang iba at hindi ikaw yun. Ouch! :(


Huwag mong idaan sa group messaage ang nararamdaman mo lalo na kung alam mong manhid naman ang taong pinapatamaan mo..

Bakit sa tingin mo ba madali lang itago ang nararamdaman mo para sa kanya? Hindi. Mahirap din.. Maraming procedures bago mo matago ang nararamdaman mo, pero madali na lang naman ito kung sanay ka na o isa ka rin sa mga taong pretender, katulad ko. Ang hirap at ang sakit iparamdam at ipaalam na mahal mo ang isang tao dahil sa yun lang ang kagustuhan ng nakakarami. Wag mong ipagdamot yung nararamdaman mo. Dahil sa bawat minutong pag-iwas mo maraming pwedeng magbago na pwede mo ring pagsisisihan.


Sabagay ano nga ba ang dapat piliin yung nakakabuti para sa nakakarami o yung nakakabuti para sa iisa lang ?

Wala ka dapat panghinayangan kung ginawa mo ang lahat. Kung pinili nilang tanggalin ka sa buhay nila, di mo kawalan yun. Kawalan nila yun.


Ang totoo nyan wala naman talagang sobra sa pagmamahal at wala din tama kung ilang porsyento lang dapat ang ibigay mong pagmamahal sa isang tao. Ang mahalaga sa bandang huli ay nagmahal ka at kung masasaktan ka man ng sobra ay hindi mo na kasalanan yun dahil mali din naman na isisi mo sa sarili mo at sa iba ang sakit na nararamdaman mo ngaun. Sabihin na lang natin na isa itong karanasan na dapat lampas bilang isang tao na alam kung paano ang magmahal at masaktan..



I LOVE YOU❤



Quotes:

"Matuto kang pakawalan ang hindi sayo. Matuto ka lang maghintay. Lahat dumadaan sa sakit at lungkot. Pero dadating at dadating ang panahong mahahanap mo rin ang para sayo."

Lesson Learned:

Kung alam lang niya. Sana nga alam niya kung gaano mo siya kamahal. Bakit ba kasi hirap na hirap kang aminin sa kanya na mahal mo siya. Minsan kasi hinihintay nalang natin na mapansin nila yun. Hinihintay natin na sila yung unang umamin. Eh pano kung gusto ka rin niya at hindi niya rin maamin sayo. Maghihintayan nalang kayong dalawa? Itatago mo yung nararamdaman mo sa kanya tapos itatago rin niya yung nararamdaman niya.

Edi sana nagtagu-taguan nalang kayo! Pero wag kang magalala kung hindi mo masabi sa kanya yung nararamdaman mo. Ako na lang magsasabi sa kanya. Hahah! ^__^V Dahil darating rin yung araw na magkakaron ka ng lakas ng loob sabihin ang lahat.


Minsan nakakainis din yung puso eh. Pipili na nga lang ng mamahalin sa maling tao pa. Edi ayan tuloy, umaasa at nasasaktan tayo kasi hindi niya maiparamdam satin yung gusto nating maramdaman. Hindi naman pwedeng sabihin na "Uy !Mahalin mo nga ako". Nakakahiya naman kung ganyan pa ang sasabihin mo sa kanya. Diba? Kasi unang una hindi pwedeng turuan ang puso. Pangalawa, baka may iba siyang mahal kaya hindi ka niya magawang mahalin. Isipin na lang siguro natin na kaya natin sila nakilala ay para turuan tayo.

Para malaman natin kung ano ang tama at mali pag dating sa love. At para malaman natin na hindi lang pwedeng puro saya ang maramdaman kasi dadating ang panahon na magiging malungkot at masasaktan tayo. Kaya nga sabi nila, Bawat sa maling taong nakikilala na natin, ay ibig sabihing nalalapit na tayo doon sa tamang tao para sa atin.



#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon