Mahal o Mahalaga ?

2.3K 5 0
                                    


Ano ang ipinagkaiba ng Mahal sa Mahalaga ?

Meron po kasi akong Bf, 2 month pa lang kami pero yung bf ko po naguguluhan siya samin dalawa. Kung sino po ba talaga ang mahal niya samin. Yung Ex niya na malaki ang pagkukulang sa kanya at ginago siya o ako po na nagpuno ng pagkukulang na hinahanap niya sa dati niyang mahal. Nahihirapan po kasi ako. Hindi ko naman po siya mahiwalayan kasi mahal ko siya, at dahil sa tuwing binabalak ko pong gawin yun pinipigilan niya ako.

At alam niyo po kung ano ang masakit sa katotohanan ? Yung kahit gaano siya ka-sweet sakin, ka lambing, ka close, o kabait sakin. Hindi niya pa rin ako kayang mahalin ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya dun sa dati niyang mahal. Yung pakiramdam mong may kulang pa, yung feeling na kulang pa rin ang atensyon na ibinibigay niya sakin. Kasi hindi ko matanggap na kahit gaano man ako kahalaga sa kanya, bumabalik pa rin ako sa katotohanan na, iba nga pala ang mahal sa mahalaga.

Pero sino nga po ba ang dapat na piliin niya samin, Yung ako na mahalaga sa kanya o yung Ex niya na mahal niya pa din ?


Hi Be,

Ahmm! ~_^> Ang "mahalaga" ito ay tumitimbang sa kung gaano kaimportante at kahalaga sayo ang isang bagay samantalang ang "mahal" o pagmamahal naman ay ang nagdidikta o nagsasabi kung ano ang nais ng iyong puso.

Laging magkasama iyan at sangkap na ng ating pang-araw-araw sa buhay. Parang kanin at ulam na laging magkasalo, damit na laging magkaterno, magkapartner, parang kape at tinapay hindi ganap ang sarap ng kape kung wala ang tinapay at ganun din naman ang tinapay kung wala ang init ng kape.


Para ding tsinelas, laging pares hindi pwedeng isa lang ang iyong isuot. Laging magkasama saan man mapunta at pag nawala ang kapares ay wala nang silbi pa ang isa. Pangit ng tignan.

Parang sa pagmamahal, hindi magiging ganap ang pagmamahalan kung hindi mo bibigyan ng importansya at kahalagahan ang isang tao. Hindi magiging epektibo ang pagpapakita ng pagmamahal kung hindi mo ipaparamdam ang halaga niya para sayo. At higit sa lahat, hindi magiging mahalaga sayo ang isang tao kung hindi mo ito mahal.


Hindi sapat na sabihing mahal mo lang siya, kung hindi naman siya mahalaga.. At mas lalong ang pangit sabihing mahalaga lang siya kung hindi mo naman pala siya mahal.

Alam mo kung mahal ka talaga ng Bf mo at ayaw ka niyang masaktan dapat siya na yung gumagawa ng way para sa ikakatama ng lahat. Para sa huli wala ng magkakasakitan at pagmulan ng away. Kasi Oo magkaiba talaga ang mahal sa mahalaga pero minsan mas nanaig o nanalo sa laban ang taong mahalaga sa kanila kumpara sa mahal lalo na kung ito'y dati na nilang minahal. ( Parehas lang tayo ng sitwasyon. ) Oo mahal niya ako pero hindi niya ko makayang hiwalayan dahil mahalaga na ko sa kanya at di niya makakayanan kung mapupunta ako sa iba. Oo sabihin na nating mahal niya pa yung Ex niya, pero syempre ako na taong mahalaga sa kanya gagawa ako ng paraan para mabaling din sakin yung pinakamimithi kong maramdaman yung pagmamahal niya. Kahit na alam kong masasaktan ako sa gagawin ko at kahit magmukha akong tanga ayos lang dahil mahal ko naman yung taong pinaglalaban ko.


Kaya ikaw kung mahal mo siya ipaglalaban mo at di mo siya susukuan kahit sa simpleng dahilan lang. Dahil ang pagmamahal pinaparamdam at hindi ipangbabalewala. At kung sobrang mahal mo siya kahit gaano katagal kaya mo pa rin siya mahintay.

Basta mag-ingat ka lang sa mga binibitiwan mong salita. Tandaan mo na iba ang mahal sa mahalaga. May mga taong mahalaga sa'yo kahit hindi mo mahal o gusto. At may mga tao rin namang mahal mo pero di mo kayang pahalagahan nang husto.. Ano ang mas mainam ? Ang sabihing mahal ka niya ? O ang sabihing mahalaga ka sa kanya ? Nasa nagbibitiw ng salita ang pagpapasya. Dahil bawat kataga ay may kalakip na pangako at pananagutan. Walang silbi ang mga salita kung di mo kayang ipakita sa pamamagitan ng paggawa.



I LOVE YOU❤


Quotes:

"Mahirap umasa sa hindi mo alam kung ano ka ba sa kanya. Hindi mo alam kung saan ka ba dapat lumugar. Hirap magdesisyon kasi minsan akala mo mahal ka na niya pero ang totoo, pinasaya ka lang niya kasi alam niyang mahal mo siya."

Lesson Learned:

Karamihan sa atin, takot harapin ang katotohanan.. Bakit ? Kasi madalas NASASAKTAN TAYO.



Lahat naman ng problema may solusyon di'ba ? Kailangan lang naman nating ay maging matapang, kayanin nating lahat. Kaysa naman magmukmok ka ? Ano mapapala mo kung may piliin nga siya sa inyong dalawa ? Matatanggap mo ba ? Paano kung si Ex ang piliin niya. Ayos lang ba sayo na ikaw ang magpalaya ? Will you let him go ? Kahit masakit ? Kaya sana kung ano yung maging desisyon mo maging handa ka. Kaya dapat maging matapang ka sa mga haharapin mong pagsubok. Wag mong patagalin na pahirapan mo ang sarili mo. Walang masama sa pagmumukmok o kahit umiyak ka ng umiyak pero sana alam mo kung kelan dapat tumigil at simulang mag-isip sa mga bagay na dapat gawin para sa ikabubuti mo. Face the truth.. Kahit masakit.. Makakalimutan mo din siya, hindi pa sa ngayon pero dadating din yung araw na makaka move on ka kailangan mo lang ng TIME.




Minsan kasi di sapat na mahal mo lang ang isang tao at alam mong mahalaga ka para sa kanya. Kasi bago ang lahat dapat alam mo ang ipinagkaiba ng MAHAL SA MAHALAGA LANG!



#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon