Asa Pa More !

503 3 1
                                    


Bakit kailangang umasa pa tayo sa taong alam naman nating hindi mapapasa-atin?

May crush ako na kahit kailan ay hindi ako pinapansin. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga niya nakikita ang pagiging attractive ko sa kanya. In short, hindi niya ko magustuhan kasi may something sa akin na ayaw niya. Hanggang kaibigan lang raw ang kaya niyang ibigay sa isang katulad ko. But then, hindi ako tumigil na gustuhin siya. Umaasa pa rin ako na kahit pa alam kong malabong magustuhan rin niya ako.


Hi,

Hindi mo kailangan maghanap ng rason kung bakit mo mahal ang isang tao. MALI ang sumuko sa isang taong alam mong mahal mo pa.. Pero kailangan mong humarap sa katotohanan na hindi lahat ng gusto natin mapapasaatin. Sa mundo natin hindi lahat pantay-pantay. Hindi lahat ng bagay nakukuha natin ng sapilitan.


Mahirap ang ganitong sitwasyon. Yong akala mo sa sarili mo na nasa iyo na lahat nang katangian na gugustuhin nang isang lalaki pero wala pa rin. Yong feeling na nagseselos ka kahit wala kang karapatan nang minsang makita mo siya kasama ang nobya niya. Yung feeling na ikaw ang nasaktan nung binasted o sinaktan siya nang taong mahal niya. At masabi sa sarili mo na buti nga siya minahal yong mahal ko pero binalewala lang tapos ikaw na mas mahal mo yong tao, hindi ka naman kayang mahalin. Yung sakit dahil mas masaya siya sa piling nang iba. Na ibang klaseng ngiti ang binibigay niya sa mahal niya at sayo na kaibigan lang niya. Nung mag aya ka at na reject dahil hindi niya feel lumabas. Pero kasalanan mo pa rin yun kasi tanga ka, umasa ka pa.

Sa paglipas nang panahon, maraming mga bagay tayong natututunan. Mga aral na tanging panahon at oras lamang ang nakakapagbigay. Kailangan matutunan natin na hindi lahat nang gusto natin ay mapapasa atin. Na hindi sa tanang panahon mamahalin tayo nang mahal natin. At kailangan natin itong tanggapin. Masakit man pero kelangan.


Mas madali ang pag move on kung tanggap natin na hanggang doon lang ang kwento niyo. Na hanggang kaibigan lang kayo.

Ang one sided story ay katulad rin nang pagsulat ng nobela. May umpisa at katapusan. Kaya nga lang, ikaw lang ang may akda, hindi siya makikibahagi :(


Love is unfair! Yan ang katotohanan.


Bakit ba natin pinagpipilitan ang sarili natin sa taong alam naman natin na hindi mapapasaatin? Katangahan ba ito o kabobohan?

Sa tingin ko kaya parin tayo umaasa sa taong yun kasi nagbibigay siya ng motibo o sign na may chance kahit wala naman talagang chance at all. Masakit isipin pero tinatanggap na lang ng utak at puso natin na ganon. Kaya umaasa pa rin tayo.
Kadalasan naman manhid yung taong yun kaya todo effort ka pa rin sa pagpaparamdam na gusto mo siya or mahal mo siya kahit na hindi naman niya napapansin. Manhid nga di ba?


Minsan naman kahit sinabi na sa iyo na hindi talaga ay pinagpipilitan mo pa din ang sarili mo sa taong AYAW sa iyo. 'Yan ang tinatawag na tanga, inutil, bobo at kadalasan martyr.

Martyr ka ba pagdating sa pag-ibig?
Natural maging martir sa pagibig pero hindi maging tanga minsan.


Kung di pa naman malalim ang pagkakagusto mo sa kanya. Mas maaga at mailap kung iwasan mo na rin ang pagkagusto sa kanya. Kasi ang daan patungo sa kanya ay walang patutunguhan kaya wala ka na rin aasahan. Masasaktan ka lang. Hindi yan nonsense. Dahil may matututunan ka sa experience mo, sa pain mo, sa pagod mo. Darating din ang panahong ikaw naman ang iiyakan, ikaw naman ang hihintayin, ikaw naman ang hahabulin at ikaw naman ang mamahalin.

Sa ngayon, kailangan mo lang talagang maging masaya para sa kanya. 






I LOVE YOU ❤




Quotes:

"Hindi masamang mahalin mo siya. Ang masama lang, ay yung pinipilit mong mahalin ka rin niya."

Lesson Learned:

Pero paano kung sobrang dami mo na ngang effort na ginagawa at binibigay para lang maipakita at maiparamdam sa taong mahal mo kung gaano ka ka-sincere at ka-seryoso sa nararamdaman mo para sa kanya, tapos sa huli, wala pa rin pala? Hindi ka pa rin niya magawang gustohin o mahalin din pabalik?


Alam mo kung bakit? Kasi sadyang hindi ka lang niya gusto. Balewala ang lahat ng effort mo sa taong gusto o mahal mo, kung sa simula't sapul, hindi ka naman talaga niya gusto.
Kaya wala kang karapatan na mag-demand sa kanya na gustohin o mahalin ka din niya pabalik..


Maaari kang magmahal ng palihim, magmahal ng malayo, maaring ialay mo ang wagas mong pag-ibig sa taong alam mong kailanman ay hindi magiging sa'yo. Ang buhay ay mahiwaga, ganoon din ang pag-ibig. Mahirap intindihin, masarap sa pakiramdam, masakit minsan pero lagi nating tandaan na kahit ano pa man iyan, ang tunay na kaligayahan ay nasa iyong puso at ikaw lamang ang makakapagsabi kung nais mong lumigaya ang iyong buhay o hindi.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon