DO or DIE ?

299 5 0
                                    

Naranasaan mo na ba masaktan maloko at umiiyak ng todo dahil sa isang taong minahal mo ng sobra ?

At nalaman mo na isang araw na patay na ito, sabe lang sakin ng pinsan niya.. Nung una ayoko pa maniwala baka kasi pingtitripan lang pala nila ako, ganun kasi ang iba sinusubukan ka kung hanggang saan mo kakayanin.

Kaya para makasiguro na totoo nga yung sinasabi ng pinsan niya sakin, nagtanong ako sa kaibigan ko na kaibigan din ng Bf ko kung totoo yun.. Nung tinanong ko sya, sabe niya "oo daw totoo nga yun na wala na siya." kaya parang gumuho yung mundo ko kasi siya lang yung unang minahal at sineryoso ko..

At makalipas ang ilang araw nalaman ko na lang isang araw na buhay pa pala siya at di ko alam kung bakit nila nagawa sakin yung ganun bagay na di nakakatuwa pero sabi sakin ng pinsan niya, na kaya lang daw nagawa yun ng ex ko sakin kasi Mahal niya ko at ayaw niya ko masaktan at kahit masakit sa kanyang part gusto niya ko maging masaya sa piling ng iba.. Kasi Long Distance Relationship din kame kaya niya siguro na-isip yung ganung bagay.

Kaya nung sinabe ko ito sa mga ka-tropa ko ay sabi lang nila sakin 'nagpakatanga lang daw ako at di daw dapat iniiyakan yung ganung taong manloloko'.. Nasaktan ako kasi kahit ganun Mahal ko pa rin siya.

Isang araw tinxt ko yung ex ko pero di ko sinabeng ako yung katxt niya at nagpakilala ako na ibang tao sa kanya, bakit? ayoko kasi malaman niya na ako yung Ex-gf niya at gusto ko malaman sa kaniya mismo kung pagsakaniya nangyari yun ganung bagay, ano ang gagawin at iisipin rin niya.. Nung katext ko na siya nagtanong ako sa kaniya "paano pag nalaman mo na patay na yung Ex mu at malalaman mo na lang isang araw na buhay pa pala siya at di pala totoo lahat ng yun." sabi niya sakin "Na baka may dahilan daw yung guy kaya niya na sabi yun o nagawa, kaya dapat wag mo munang husgahan." pero nasa isip ko nun na dapat hindi pa rin sabihin yun kasi masamang biro yun eh. Sana sinabi niya na lang sakin yung totoo at ng maintindihan ko pa. Di nila alam maraming masasaktan at iiyak at magagalit pag nalaman nila na niloloko lang pala sila ng taong inakala nilang patay na :(

           By : JonnaM

Hello Be,

Naranasan ko na rin iyan. Pero di ako naniwala agad. Bakit ? Kasi walang patunay. Oo masakit sa una nung malaman ko parang gumuho ang mundo ko at parang gusto ko na rin sumunod pero kahit papaano sa huli nabuhayan ako, kasi yung buhay ko bumalik ulit sakin at hindi ako iniwan.

Sana hindi ka muna sumuko. Sana inalam mo muna kung ano nga ba talaga ang problema niya. Minsan kasi yung mga taong ganun nabuburyo sa buhay nila talaga kaya nakakapag-isip ng kung anu-ano. Lalo na LDR kayo, Gf ka naman niya eh. May karapatan ka pa rin sa kanya kahit papaano. Kahit magmukha ka man tanga sa paningin ng iba atleast sinubukan mo pa rin pilitin balikan ang nakaraan niyo.

Yung mga kaibigan mo nandyan lang sila para sayo kung sakaling kailangan mo ng suporta nila o payo, pero sa huli ikaw at ikaw lang ang magdedesisyon sa sarili mo kung ano nga ba ang tama at mali. Yung pagiging tanga mo? Kalokohan! Hindi pagiging tanga yun. Lahat tayo nagiging tanga sa pag-ibig, dahil lahat tayo nakakaranas magmahal. Siguro sila hindi pa nararanasan magmahal ng totoo, kaya hindi pa sila nagiging tanga O sadyang bitter lang sila.

Tama yung sinabi ng Ex Bf mo nung tinanong mo siya, wag mo muna husgahan. Sana nga inalam mo muna yung totoong kwento. Yan ang hirap satin eh. Ang daling maniwala sa sabi-sabi ng iba. Malay mo hindi mo alam sinusubukan ka lang pala niya. sinusubukan sa isang bagay kung hanggang saan ka titibay para sa pinagmahan niyo ng 2 taon.

Pero nagbago ang lahat doon sa balita na umusbong sa inyo. Alam ko nasasaktan din siya para sayo mahirap yung ganung bagay na kahit alam niyang masasaktan ka inisip niya pa rin yung kapakanan mo kasi mahal ka niya, masakit para saknya na sabihin sayo na ibaling mo na lang yung pagmamahal mo sa iba. Siguro nga hindi pa talaga panahon niyo. Kasi mga bata pa kayo, at marami pa kayo makikilala higit pa sakanya.

Mahirap maging PERFECT sa taong mahal mo. Nagbago ka dahil sa kanya, nagpakababa ka dahil din sa kanya pero ang masakit, TAPAT ka na SASAKTAN ka pa.

I LOVE YOU❤

Quotes:

"Ang pagsubok ay hindi nangangahulugang kaduwagan. Minsan, may mga bagay na kailangang I give up, hindi dahil pagod ka na o sawa ka na.. Kundi dahil, alam mong kahit anong gawin mo, hindi na siya para sayo."

Lesson Learned:

Matatago mo ang sakit, mapapaniwala mo ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpapahirap at nananakit sayo ay ang taong patuloy na itinitibok ng puso mo..

May mga taong paulit-ulit kang sinasaktan pero di mo maiwanan dahil umaasa ka pa rin na balang araw ay mamahalin ka ulit niya. Hanggang kelan ka magtitiis ? Walang kasiguraduhan. diba ? May isang araw na lang na mapagtatanto mo sa sarili mo na wala na talagang pag-asa na maibalik pa ang matamis at masarap na nakaraan. Itigil mo na ang kahibangan mo, at mag-umpisang mahalin ulit ang sarili. Sadyang ganyan lang talaga ang magmahal. Iwasan mo man ng ilang ulit, masasaktan ka pa din..

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon