Maghihintay pa ba ako ?

1.1K 10 3
                                    

Yung MahaL mo yung isang tao na Mahal ka din. Tapos umalis siya pero alam mong sa pag-alis niya waLa man lang kayong communication at di mo rin alam kung kelan siya babalik basta ang sabi lang niya kusa na lang siyang babalik 'maghihintay ka pa ba?

(A/N: Ay! Naku ate. Relate ako diyan sa tanong mo sakin, ganyan din pinagdadaanan ko sa Bf ko ngayon eh. Paghahandaan ko talaga ng magandang sagot ito.)

Hi Thamz,

Ano nga ba ang tama ?? It's up to you. Makakapaghintay ka pa ba? Hanggang kelan? Kapag bumalik ba siya mahal mo pa nga ba? O baka hindi na siya makabalik at mag mukhang tanga ka lang ? Maraming katanungan. Maraming pwedeng mangyari at magbago sa kasalukuyan. At baka yang mga katanungan na yan ang sumira sa pagmamahalan niyo.

Ang Long Distance Realationship kasi para sa matitibay lang yan, para sa marunong MAKUNTENTO sa isa at sa marunong MAGHINTAY. Pano mo masasabing MAHAL mo nga  ang isang tao kung sa DISTANSYA niyo lang susuko ka na??

Mahirap kasi talaga lalo na't wala kayong communication, dapat dyan pa lang hindi ka na pumapayag na mag LDR nga kayo, kasi aanhin niyo ang LDR kung wala naman pala kayong communication. Para kasing math lang yan alam na mo nga ang sagot pero hindi ka sigurado kasi nga wala kang calculator. Ako na nagsasabi sayo sobrang hirap niyan. Yung feeling na kahit sa text o tawag man lang niya, masaya ka na at kumpleto na agad ang araw mo. Pero hindi eh! Marami ka kasing pwedeng maging katanungan sa sarili mo. Kung nasaan na ba siya? Ano ginagawa niya? Ako pa rin ba ang mahal niya? Babalik pa kaya siya? At higit sa lahat meron na bang lumalandi na iba sa kanya? Yan ang mga halimbawa na pwedeng gumulo sa isipan mo at pwedeng mong ikabaliw.

Pero kung may tiwala ka naman sa mahal mo, huwag ka rin papaki-sigurado. Sabi ko nga pwede pa yan mabago ng panahon. Kasi sa mundo ngayon wala ng permanente. At kung may pangako kayong iniwan sa isa't-isa bago siya lumisan. Yun na lang siguro ang asahan mo. Hindi pa man ngayon natin alam kung kelan siya babalik pero siguro sa pagdating ng takdang panahon. Hintayin mo lang ang araw na yun. Maliit lang ang mundo. Malay mo hindi natin alam na nandyan lang pala sila sa tabi-tabi at sinusubukan pala tayo kung gaano tayo katatag sa kanila. Ganun na kasi ang ibang lalaki, dahil sa nasaktan na sila sa nakaraan nila akala nila wala ng seseryoso sa kanila. Akala din nila lahat ng magmamahal sa kanila manloloko na. At wala ng babaeng seryoso pa. Hindi naman natin sila masisisi kung bakit naging ganyan sila eh. Kung talagang para sayo ang isang tao mawala man siya ng mahabang panahon magkikita pa rin kayo Kapag tama na ang mali at pwede na ang Di dapat.

Hindi naman talaga distansya ang nakakasira sa Long Distance Relationship kundi ang kawalan ng TIWALA at mga MALING HINALA..

Ako kasi sa bf ko may pangakuan kami, sabi ng iba "Sometimes promises means to be broken." Maniniwala pa ba ako doon.? Kung 100% ganoon ko siya kamahal may magagawa ba ang iba.? Wala naman diba? Sino lang ba pwede mong asahan, sarili mo lang diba? 1yr & half na nga kaming LDR. Pero syempre may communication kami kasi yun talaga ang mahalaga sa lahat. Yun nga lang madalang na :( sa ngayon kasi nagkaroon na siya ng work. Pero kahit na minsan cold na rin ako sa kanya dahil sa mga ginagawa niya sakin. Isang magic lang na 1word with 5letters nawawala na agad. Yung galit, tampo, selos at paghihinala ko sa kanya. Dahil Kahit kelan hindi ako sumuko. Kahit marami nang pwedeng maging dahilan yung paghihiwalayan namin. May motto kasi kaming dalawa "Never Give Up." Yun din ang isa sa pinanghahawakan ko. Kasi  nangako din naman ako saknya. At pag once ako ang nangako tinutupad ko. At alam ko naman sa sarili ko na kaya kong maghintay yung nga lang hindi ko alam kung hanggang kelan.

Bakit? Kasi gusto ko ipadama sa kanya na hindi ako tulad ng Ex niya na iniwan siya noon sa ere. Tapos babalik na lang kung kelan gusto. kahit minsan yung relasyon namin pagewang-gewang na, gusto ko pa rin kumapit at hindi bumitaw kasi kahit sa huli man kung may manloko man samin dalawa. Nandito pa rin naman ako. Pero basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa at hindi ako nagkulang sa kanya at hindi rin naman ako ang makakarma. Diba?

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon