Relasyong LDR ..

607 4 0
                                    


Ano bang dapat gawin para maka-move on?

Kasi po may nakarelasyon po ako. LDR po kasi kami. Ataka mahal ko po siya.. Taga cebu po siya umabot po kami ng 1month, at palagi pa siyang nagtetxt sakin noon at palaging nag aalala sakin kung kumain na ba daw ako. Tapos sa matagal tagal na po di na siya nag paramdam sakin kaya yun hanggang dun di na talaga siya nag paramdam. Kahit anong tawag at text ko sa kanya. Kaya po nag-aalala po ako sa kanya.. Kung ano na nga ba ang status namin.

Ano bang dapat gawin sa LDR na relasyon?

                                       By: RuthMoran

Hi Be,

Hmmm ? Siguro iniiwasan ka na niya. Kasi may iba na siya. Hindi ka na niya mahal. Ikaw na lang yung kumakapit. Siya bumitaw na.
Alam mo girl, sa relasyon mahirap talaga ang Long Distance Relationship. Iilan na lang ang nagtatagal sa mga ganitong sitwasyon, ito ang isa sa mga pinakamahirap na pagsubok na dadating sa mga taong nagkakarelasyon. Dahil dito susubukin ng tadhana kung gaano kayo katibay at ang pagmamahalan niyo sa isa't-isa..

Maraming paraan para maka-move on ka na sa peste mong nakaraan, pero kahit madami mang paraan ang ibigay sayo, hindi rin yun magiging effective, dahil sa huli sarili mo pa rin ang magdedesisyon, lalo na kung di ka marunong makinig o matigas ang ulo mo, kung ikaw sa sarili mo, eh ayaw mong mag let go. Mahirap iyan.

Pero tandaan mo, kahit kailan, wag mong pagsisisihan ang mga nagawa mo sa nakaraan, naging maligaya ka rin naman noon di ba ? Isipin mo na lang na kaya nangyayari ang mga bagay dahil sa marami at iba't-ibang dahilan.. Kung sa tingin mo eh, nagkamali ka sa mga bagay na nagawa mo noon, wag ka ring magsisi, natural lang ang magkamali. Tao tayo. Walang taong perpekto... Matuto ka sa mga kamaliang nagawa mo.. At wag mo ng uulitin ang mali mong nagawa noon sa kasalukuyan. Hindi na tama iyon. Learn from your Mistakes.

Kung sa tingin mo eh, hindi mo pa panahon ang lumimot, wag mong pilitin ang sarili mo.. Mahihirapan ka lang.. Gawin mo lang ang paglimot at pag move on kapag alam mo sa sarili mo na handa ka na.. Pero kailangan mo itong madaliin, hindi titigil ang ikot ng mundo para lang sayo.. Huwag kang mabuhay sa mundo ng nakaraan, mabuhay ka sa mundo ng kasalukuyan..

Again And Again! ( Paano ba Mag move on ? ) Part 2

> Umiyak ka. - Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka.

> Magdasal ka. - Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo siya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.

> Libangin mo sarili mo. - Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.
Keep yourself busy at the same time enjoy your new life.

> STAY AWAY FROM HIM - Lahat ng memories niya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mga gamit niya, maalala mo pa din siya, pati number niya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma-tempt na i-text siya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.

> Free Will - Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.

> Love Yourself - Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka, iyan ang ang pinakamagandang patama sa Ex mo ang malupit mong ngiti. Your new look represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig.

> Forgive and Forget - Patawarin mo na. Tingin ko kahit ganon si ex gaano ka man niya nasaktan dun sa isang bahagi ng puso niya hindi niya sinasadya yun. May mga bagay lang talaga na hinde na pwede. Masisira lang ulo mo sa kakaisip ng kakaisip, nakakapanget yun... Patawarin mo na at kalimutan mo ng paunti-unti.

Tigilan mo na ang pagseself pity, wag ka nang mag ampalaya pa dyan.. Let's just accept the truth that nothing in this world is permanent.. People change.. Hindi ka na niya mahal, mahal ka man o minahal ka man niya minsan may mga pangyayaring hindi natin kontrolado.. Lahat ng magagandang bagay may katapusan din.. Masakit ba?

Oo naman masakit lalo na kung isa kang sensitive na tao.. Konting sakit iniinda mo na, ano ka baby ? Konting pitik lang eh, magngangawa ka na? Minsan kasi kelangan din nating turuan yun sarili natin na maging manhid para naman di tayo gaano nasasaktan.

MOVE ON ba kamo ? Ito na nga ba ang pinakamahirap na proseso sa buhay pag-ibig ng isang tao? Sa tingin ko mas mahirap ang maghanap ulit ng bagong mamahalin, sa tingin ko mas mahirap maghanap ng bagong pagkakatiwalaan. Ang pag move on eh madali lang hanggat tanggap mo na ang nangyari, ang masama neto eh hindi ka handa, ang masama dito ay mahal mo pa talaga. Pero ano ang gagawin mo kung wala na talaga ?

Hindi ba't ito ay tanggapin na lang ang lahat ng nangyari? Paano kung ipaisip ko nalang sayo na kung umpisa palang eh mahal ka talaga niyan edi sana hanggang ngayon masaya ka at hindi ka niya iiwan.
Nabuhay ka ng wala siya dati, hindi pa katapusan ng mundo. Oras na siguro para pagbigyan mo naman ang puso mo magpahinga, samahan mo ang iyong barkada, nasa kanila ang susi ng kasiyahan mo. Hindi mo kailangan mag mukmok sa loob ng kwarto at isipin lahat ng nangyari sa inyo, hindi solusyon ang maging mag isa. Kailangan mo ng kasama sa buhay para malagpasan yan.

Lagi mong tatandaan na hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan.
Mas marami pa tayong dapat problemahin kesa diyan. Kung hindi ka pa tapos ng pag-aaral, gawin mong inspirasyon ang nangyari sayo, mas madaling maghanap ng taong mamahalin kapag nakatapos ka na. Masyadong pang maaga sayo para pasukin ang isang relasyon na hindi mo alam kung saan tutungo. Madali ang mag move on.. Basta tandaan mo na dapat handa ka lang sa sarili mo at tanggap mong wala na ang lahat sa inyo.




I LOVE YOU❤




Quotes:

"Be strong to move on.
He's not worth your tears."

Lesson Learned:

Long Distance Relationship - Mahirap iyan lalo na kapag mabilis mawala ang tiwala mo sa isang tao. Mahirap iyan kapag hindi ka marunong magtiwala sa kanya. Mahirap iyan kapag nawalan siya ng tiwala sa iyo. Ang daming nag-bebreak kapag alam nilang lalayo na sa kanila yung taong mahal nila kasi alam nilang hindi nila makakaya pareho ang distansya. Ang daming hindi pumapasok sa ganyang relasyon, mahirap daw, hindi kaya at isa pa, mahirap gawin. Paano nagiging mahirap? Kapag lang nawalan ka ng tiwala sa kanya. Magiging madali lang iyan kapag may tiwala kayo sa isa't isa at tapat din kayo sa isa't isa. Alam niyo kung ano yung tama at mali parang prons and cons kapag may ka-relasyon na kayo. Alam niyo yan diba? Kapag may ka-relasyon na bawal ng lumandi o kung ano ano pa.

Ano ang mahalagang bagay sa LDR ? Tiwala ang pinaka-importante at komunikasyon ang pumapangalawa. Kapag nawala si tiwala, mawawala na din si komunikasyon. Package deal yan, unti unting nawawala hanggang sa wala ka ng ka-relasyon.

IT DOES, but sometimes IT DEPENDS.

Naniniwala ako sa LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Basta laging tandaan lang dapat PRESENT si LOVE, ang kapatid ni love na si LOYALTY at si FIDELITY at isama na din natin ang Bestfriend ni love na si TIME and EFFORT :)

Minsan nga lang ay dumadating ang panahon sa isang Long distance relationship na magiging DULL ito at BORING, at dito ma SUSUBOK ang KATATAGAN niyong DALAWA :)

Ganyan talaga ang buhay. May mawawala may dumarating.. Pero bata ka pa naman, madali mo pang masosolusyunan ang mga ganyan. Yung mga ganyang stage, kaya pa iyan. Marami ka pang makikilala..

Long Distance Relationship.. Hindi problema iyan.. Hindi mahirap iyan.. Kung marunong kang MAKUNTENTO at MAGTIWALA
NG BUO..

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon