May paraan pa nga ba ?

368 5 0
                                    


Busy kasi ako sa work at wala ako lovelife sa ngayon.. Nung teenager ako marami ako naging gf pero nang nag work ako eh di ko man ginusto mag trabaho agad pero nagustuhan kong kumita, nawalan ako ng time para manligaw pero meron naman ako nililigawan ilang linggo o araw lang nawawalan na ako ng gana.

Paano kaya ako gaganahan ma inlove ulit? May paraan ba?

                           By: JamesRoyce


Hello Kuya,

May paraan ? Nasasayo naman iyan eh. Kung gugustuhin mo pa ba o hindi na. Oo, masarap kumita ng pera yung tipong mabibili mo ang mga gusto mo at makakain mo yung mga masasarap na dating pinapangarap mo noon. Pero di mo ba naiisip na parang may kulang pa sayo ? Pwede mo naman ibalance kung kakayanin mo nga lang. Yung mainlove ka ulit ? Oo masarap din may lasa. Yung tipong may inspirasyon ka sa mga gawain mo. Yung may magsasabi sayo ng tama o mali.

Siguro nga busy ka lang. Ang mas magandang gawin mo mag-ipon ka muna para sa sarili mo at para sa magiging future mo. At kapag nakapag-ipon ka na, atsaka ka manligaw. Wag mong hanapin yung 'The One' mo kasi kusa siyang dadating sa buhay mo hayaan mo ang tadhana ang gumawa ng paraan para magtapo ang mga landas niyo. Dahil once na hinanap mo si 'The One' you'll end up with the wrong person. Which lessens the chance of meeting yung para sayo. Masasaktan ka na naman. The best relationship are unexpected.


O hindi kaya may phobia ka na sa Love ?

Scared to fall inlove ? Fear of falling in love ? Alam mo ba yung feeling na gustong-gusto mo na magka-lovelife pero takot kang masaktan magmahal. Nandyan kasi yung takot na umiyak ka ulit at umasa. Parang hindi mo na gusto pang magmahal dahil ayaw mo ng maranasan ulit ang mga sakit tulad nun. When love strikes ? You have to take the risk!


Minsan kasi, kapag naguguluhan na ang puso't isip natin at may biglang dumating na espesyal na tao sa buhay natin matatanong ka na lang sa sarili mo na "Tama pa bang ma-inlove ako sa kanya ?" , "Handa na ba ako ?" , "Siya na ba ang magpapawala ng takot na ito ?" Marami tayong katanungan na hindi naman natin mahanapan agad ng sagot. Just always remember, sometimes some people are worth the fall.


Dahil hindi lahat ng tao, sasaktan ka tulad ng nanakit sayo. Hindi lahat ng Love Story na naranasan mo noon ay mangyayari pa din sayo sa ngayon. Iba-iba ang tao sa mundo na makikilala mo at iba-iba rin kung paano ka nila ta-tratuhin ng mabuti. Nasaktan ka man noon, malay mo ngayon puro saya na. Masaktan ka man, isipin mo na lang na kasama talaga ang masaktan sa love. Dahil ang Love para sa matatapang na tao lang iyan. Matapang ka ba ?



I LOVE YOU ❤



Qoutes:

"Alam mo kung ano yung MAHIRAP ? Yung ma-inlove ka sa isang tao na hindi naman ikaw ang gusto."

Lesson Learned:

At wag kang magpapakita ng motibo kung di mo siya kayang mahalin. Mahirap umasa sa isang bagay na wala namang patutunguhan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong gagawa ng isang bagay na hindi naman pala nila kayang panindigan. Katulad na lang ng pagpapakita ng motibo sa isang tao na hindi naman pala nila kayang panindigan. Panindigan, sa pamamagitan ng lalandiin mo lang sila pero hindi mo naman pala kayang panindigan ang mga salitang binitawan mo sa kanya.


Syempre ang tao mapurok iyan, madaling ma-inlove. Pero hindi naman na nila kasalanan yun. Mahirap naman talaga malaman kung seryoso nga ba ang isang tao sayo o hindi. Hindi rin madali ang pakiramdam na mahulog ka sa maling tao ng maling oras. Lalo na kung di mo inaasahan ang pangyayari.


Ang sa akin lang, kung mamahalin mo siya, seryosohin mo siya. Pero kung hindi mo kayang mahalin yung tao wag na wag kang magpapakita ng kahit anong motibo na yung tipong kaya mo siyang saluhin kapag nahulog na siyang tuluyan sayo. Dahil hindi natin malalaman kung anong maaaring maging bunga ng katarantaduhang ginawa mo.

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon