Girls, dapat alam n'yo 'to ...

1.5K 5 5
                                    


Signs na Sex lang ang Habol Sa'yo ng Guy :

"PAGKATAPOS kong ibigay sa'yo ang lahat, basta mo na lang akong iiwan?"

'Yan ang madalas nating marinig sa mga teleserye kung saan iniiwan ng isang lalaki ang babae at eventually, malalaman ni babae na buntis siya at palalakihin niyang mag-isa ang kanyang anak at maghihiganti ang bata at alam natin ang mga susunod na tagpo. Ordinaryong story line lang, eh, noh? Pero sinusubaybayan pa rin natin dahil sa iisang dahilan; Nakaka-relate tayo. Oo, salamin kasi ng mga teleserye ang tunay na buhay.


Pero 'di naman 'yan ang topic natin today. Doon tayo magko-concentrate sa linyang "ibinigay ko sa'yo ang lahat."

Sa panahon ngayon, masasabing kakaunti na lang ang species ng mga babaeng 'di pa naisusuko ang bataan o ang kanilang virginity sa kanilang dyowa at naitatawid pa ito hanggang sa sila ay makasal. Tunay ngang hindi maitatanggi ang ganitong katotohanan dahil may mga nagdadalaga palang na sana ay pumapasok sa eskuwelahan, nag-aaral at gumagala kasama ng mga kaibigan at nae-enjoy ang kanilang kabataan. Pero yung iba ? Ayun! Nakahiga sa bahay na may malaking tiyan o kaya naman ay hindi magkandaugaga sa pag-aalaga ng kanilang baby.


Hanggang kailan mo gugustuhin ? pupwede mong ituro ang kahit sino para may mapagbuntunan ka ng sisi. 

Una, pwede mong sisihin ang mga magulang mo. Maaaring nagkulang sila sa payo at pagpapaalala sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman o nagawa mo lang 'yun dahil nagrerebelde ka sa kanila o dahil wala silang oras sa'yo palagi at naghanap ka ng atensiyon mula sa iba.

Pangalawa, sisihin mo 'yung hinayupak mong dyowa na nagpupumilit sa'yo lagi at nangakong pananagutan ka anuman ang mangyari, Pero ayun! Nang makabuo, babush ang drama!


Pangatlo, pupwede mo ring sisihin ang mga kabarkada mo na walang ginawa para pigilan ka o kaya naman ay hindi man lang sumagi sa kanilang isipan na maaaring katawan mo lang ang habol sa'yo ng lalaking ama ng iyong dinadala.

Pang-apat, kung hindi ka pa kontento, pwede mo ring sisihin ang inyong paaralan. Kung sana ay magagaling na guro ang nagtuturo rito na always pumapasok, hindi ka sana magbubulakbol sa klase at sumama sa dyowa mo sa pagpunta sa motel.


Panlima, isama mo na rin 'yung gobyerno kung bet mo, kung hindi kayo naghihirap, eh, 'di sana ay may pambili ka ng project at makakapasok ka sa iskul imbes na tambay ka lang at iba pang dahilan na madalas nating isinisisi sa gobyerno.

At pang-anim, minsan ayaw mo lang aminin pero nagtatanong ka sa Diyos kung bakit nangyari sa'yo 'yan. Dumating ka na nga sa point na sinisisi mo Siya at iniisip na pinarurusahan ka ba niya?


O, 'di ba, marami kang puwedeng sisihin? Ganyan naman tayo,eh, hangga't maaari, sinisisi natin ang iba kahit nasa atin ang pagkakamali. Eh, ano kung kulang sa oras sa'yo ang mga magulang mo? Dahilan ba 'yun para makipagtalik ka? Eh, ano kung pinipilit ka ng dyowa mo? Bibigay ka ba agad? Nasasayo naman iyon kung gugustuhin mo rin eh.. Eh, ano kung hindi ka na-warning-an ng mga kabarkada mo? Nakinig ka ba sa kanila in the first place? Eh, ano kung pala-absent ang guro ninyo at pakiramdam mo ay wala kang natututunan? 'Di ba, dapat, nag-aaral ka pang lalo para kahit paano ay masulit ang bayad ninyo sa paaralan? Eh, ano kung naghihirap kayo? Kasalanan ba 'yun ng gobyerno o kasalanan mo 'yun dahil umaasa lang kayo at hindi ninyo sinusubukan ang tumayo sa sarili ninyong mga paa? May mali ba ang Diyos sa pagbibigay sa'yo ng anak kahit na sa una o ilang beses ninyong ginawa ay pinalusot niya kayo pero hindi pa rin kayo tumigil?

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon