DEAR EX :(

605 3 0
                                    


Dear Ex,

Kamusta? sana mas masaya ka ngayon kesa nung mag BF/GF tayo. Alam ko marami akong pagkukulang sayo noon. Gayunpaman mahal na mahal mo parin ako.

Maraming salamat nga pala sa lahat ng pinagdaanan natin. Alam mo bang sobrang saya ko tuwing kasama ka. At yun ang bagay na hindi matutumbasan ng iba.

Alam ko din naman na naging masaya ka sa piling ko maski paano. Wag mong i-deny iyan kasi ilang beses kita nahuling nakatitig sa akin. Medyo natakot ako sayo kasi naman kapag tinitigan mo ako para kang manyak! Gigil na gigil at anu mang oras handang kumagat, yun pala kinikilig ka lang..

Pasensya na din sa kakulitan ko tuwing itetext kita ng Gudam! Gudafternun! Gudnyt! I love you sweetdreams! Muah muah muah (may kasamang emoticons) Ano gawa mo? kumain ka na ba? At sangkatutak na miscol kapag hindi ka nagreply dahil nagdodownload ka sa kubeta. Sa mga cheesy line ko sayo na kahit korni benta parin sayo. Hindi ko tuloy alam kung pinaplastik mo ako o mababaw ka lang talaga. Sorry kung pinanganak akong makulet, immature at walang pakielam sa ibang tao.

Kung minsan para kang chicharon, nakakahighblood ka ambilis mo kasi mapikon ang akala kong debate lang natin nauuwi sa personalan hanggang sa hindi tayo magpansinan. Infairness naman sayo mabilis mawala ang galit mo konting lambing ko lang okey ka na.

Hindi sumagi sa isip ko na darating pala ang araw na ito. Ang araw na kinakatakot ko na hindi na tayo tatawagin mag syota. Pero ganun talaga nagbabago ang panahon.

Ang pag-ibig parang ulan. Kung kelan di ka handa, saka bubuhos. Kahit magtago ka, mababasa ka. Kung kelan naman nag-eenjoy ka, saka naman titila at mawawala.

Parang kasiyahan mo, ngayon sobrang saya mo sa maraming bagay pero dadating ang oras na magiging malungkot ka rin. Huhupa at huhupa rin ang mga ngiti sa labi mo. Kahit ang anino mo kasama mo sa liwanag pero iiwan ka rin pag madilim na ang paligid mo..

****

Kumusta ka na? Mukhang nakapagmove on ka na ah. Parang walang break up na nangyari sating dalawa. Sa mga nababalitaan at napapansin ko mukhang masaya ka na. Mukhang okay ka na. Balita ko nga may bago nang babae dyan sa puso mo.. AGAD. I'm happy for you. Well.. Perhaps.. Ewan ko. Masaya ako kasi masaya ka. Pero alam mo, deep inside, ang sakit-sakit. Umaasa pa rin kasi ako na baka may chance pa tayo. Gusto ko ako pa rin laman niyang puso mo kahit di na tayo. Selfish ba? Di naman siguro. Mahal pa rin kasi kita eh. Oo, tinaboy kita nung sinubukang mong makipag-ayos.

Natakot kasi akong masaktan ulit. Pero hindi ibig sabihin nun eh hindi na kita mahal. Gusto ko lang muna ng space.. ng time.. para makapag-isip. Para mabigyan ko naman ng time yung sarili ko. Nakakasawa rin kasi yung mga paulit-ulit at walang kwentang mga away natin. Pero kahit ganun, mahal na mahal pa rin kita. Kaya nga nung nalaman ko na may iba ka na, parang nadurog yung puso ko. Di ko alam kung ginagawa mo lang yun para makaganti ka o para magkaayos tayo. I don't want to judge you.

Minsan naiisip ko saan ba ako nanggaling netong mga nakalipas na taon. Kapag kasi naikukwento ko ang tatlong taon nating pagmamahalan na nauwi lang sa iyakan.

Ang lagi nilang sinasabi
"Wala tayong magagawa, ganon talaga. Ganyan talaga ang buhay."

Talaga bang wala ng magagawa? Kapag natalo na, hahayaan na lang bang lumuha? Kapag napagod na, hahayaan na lang kumawala?
Kapag wala ng pagmamahal hindi na muling maibabalik pa?

Saan ba ako tumira?
Bakit hindi ko alam na ang masasayang sandali ay nawawala. Bakit walang nagsabi sakin na kapag nagmahal ka, masasaktan ka.
Ang alam ko kasi kapag nagmahal ka dapat masaya ka.

Anong nangyari mahal?
Saan ba ako nagkulang ang puso kong nagmahal?
Sino ba ngayon ang mas nasasaktan? Ako na iniwan mo, o ikaw na nang-iwan?

#HugotAdvice❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon