WIMBLEDON UNIVERSITY
LYRA POV
Don't dare the devil.
Naman kasi, pagsinuswerte ka nga naman oh. Malay ko bang sya ang tatamaan nung lata na sinipa ko? Ilag ilag din kasi pag may time.
P.E class namin ngayon, buti na lang hindi ganun kaikli yung uniform dito, kundi makikita yung tattoo ko. Wala naman akong nabasa sa student handbook na bawal ang may tattoo dito sa W.U. kaso pakiramdam ko, pagnakita nila iyon, magkakaroon ng malaking gulo.
"Narinig mo ba, taekwondo daw ang P.E. natin ngayon"
"Ay ano ba yan, baka masira yung kuko ko, bago pa namang nail polish to" Tsk... mas pinoproblema pa yung kuko kesa sa grade.
"Kyaaa.... alam nyo ba, kasama daw natin ang Helena Gang sa P.E. Oh my Gosh"
"Kyaaa..."
Helena Gang? Sila na naman, bakit ba lagi ko na lang sila nae-encounter?...
Nag-alisan na yung mga girls sa locker room, mga excited makita yung member ng Helena Gang. Bakit ba patay na patay sila sa mga yun? Kung tutuusin mga spoiled brat lang naman sila at mayayabang lalo na yung Sungit na yon.
Oh, patay ako nito. Saan ang papuntang gym?
Ay Lyra, pwedeng magtanong. Bahala na kung malate.
Naglakad-lakad lang ako, bakit wala na naman akong makitang estudyante dito? Dejavu... baka makita ko ulit yung playboy ng Helena... wag naman sana... si Skye... grabe ang landi nun, nakailang chansing sakin yon akala nya siguro di ko napupuna.
Ok, kung kanina, ok lang talaga na malate ako, ngayon hindi na... Sino ba kasi ang nagdesign ng school na ito at ang laki-laki? Naglakad pa ako at ayun... may isang lalaki na nakahiga sa bench at may takip na libro yung mukha nya... tulog ata...
"Ah... excuse me" no response...
"Ano"
Wala... tulog nga ata toh..., aalis na sana ako ng bigla nyang itinaas yung kamay nya at tumuro sa kaliwa. Anong tinuturo nya dun?
"Gym..."
"Huh?" napakamot naman ako sa ulo.
"Nandun ang gym" ah... yun pala yon, ang slow ko na ngayon ha.
"Ah... ok salamat"
Tapos tumakbo na ako... gising pala si kuya akala ko tulog... pero ang galing, paano nya kaya nalaman na hinahanap ko yung gym? Uhm? Paano nga kaya?
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...