Chapter 17: TROUBLE MAGNET

161K 3K 367
                                    


LYRA POV


"Sabi nya, good night daw"


Anong good sa night? Matapos ng ginawa nya, hindi ako nakatulog. Bwisit na lalaking iyon, ang laki na tuloy ng eyebag ko.


"Hi, Lyra"


Tapos si Ellione naman, grabe kiligin. Nakalunok din yata ng megaphone yun eh, ang tinis ng boses, hindi talaga ako tinantanan hanggat hindi ko binigay yung number ni Sungit, eh hindi ko naman natandaan eh.


"Good morning Lyra"


Ang sakit ng ulo ko, may migraine ata ako. Tsk, kailangang magrelax at tanggalin lahat ng stress sa katawan.


"Hello Lyra"


Teka nga lang, kanina ko pa napapansin na ang babait ng mga tao ngayon dito sa akin, kanina pa ako binabati. Hala, baka kung ano na naman nakadikit sa likod ko o kaya may isinabatas si Head Mistress na bawal akong awayin.


"Nakuha nyo ba yung number ni King?"


"Hindi nga eh, ikaw?"


"So, girlfriend nya talaga yung probinsyanang iyon?"


"I guess... what happen last night was a proof. Grabe, King was so romantic..."


Pinalala lang ng Sungit na iyon ang sitwasyon. Sa halip na kalimutan na ng lahat yung nangyari sa amin ng makulong kami, mas lalo nya lang pinaalala at pinalala pa. Napatingin ako dun sa powerpuff girls, like the old times, pare-pareho na naman sila ng suot. Isa-isa silang lumapit sa akin, ready na sana ako sa bakbakan eh, inirapan lang pala ako. Talagang lumapit pa para lang irapan ako?


Humanda talaga sa akin ang lalaking iyon. Naku kapag nakita ko sya, saan ko nga ba hahanapin ang masungit na iyon?


Naglakad-lakad ako baka sakaling makita ko ang masungit na lalaking iyon, naalala ko nga pala yung mga pictures. Napadaan ako sa parking lot and shit! ang ganda nung kotse... ang swerte at ang yaman siguro ng may-ari nito.


Lumapit ako dun sa sasakyan at hinimas-himas. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganitong sasakyan? Ang ganda din ng kulay at mukhang bago pa. Ichecheck ko pa sana yung car ng makarinig ako ng tunog ng taking papalapit sa lugar ko...



DANICA POV


I can't help myself but to smile seeing how irritated Pamela is. Lahat kasi ng plano nya para sa probinsyanang yun, eh di umubra. Close yata talaga sila ng kaswertehan at nagagawa nyang makaligtas sa mga pinaggagagawa namin at idagdag pa ang Ellione na yun.


"So what's next?" Gelynna ask.


Here we are at the cafeteria, asa naman na tumambay kami sa library o pumasok sa klase, that sucks! Mas gugustuhin ko pa na magshopping sa ibang bansa that to stay here. Kung di lang dahil sa probinsyanang yon, maybe I am now in Singapore or Thailand.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon