LYRA POV
"Oh.my.freaking.gosh, it's you! You're the nerd slash promdi from whatever planet na napili for the exchange thingy program who beat my beloved Prime record"
Teka, nauntog ata ako kanina at di ko maprocess ang sinabi nya.
"Eh?"
"Oh sorry, me is your very very gorgeous roommate, Ellione Madrigal"
"Lyra" at inabot ko yung kamay ko para makipagshakehands pero di nya tinanggap instead lumapit sya sa akin at nakipagbeso-beso.
Nandito na ako ngayon sa room ko sa dorm, No. 11. Dito ako dumeretsyo after kong magreport sa Head Mistress, hapon na din pala at di ko masyadong napansin ang oras. Balak ko pa sanang libutin ang Wim U. pero sa tingin ko kulang ang isang araw para gawin yon. Inilibot ko ang aking paningin sa room, actually para sa akin, hindi sya room.
May 44" na flatscreen plasma tv, may sariling sala at kusina. Sa isang tabi may maliit na green house na hindi ko matukoy kung ano ang mga nakatanim. Sa bandang kaliwa naman ay may dalawang queen size bed, may study table na may laptop na nakapatong sa ibabaw yung isa tapos yung gilid nun ay isang malaking bookshelves na wala naming libro na nakalagay. Naglakad-lakad ako at binuksan yung isang pinto sa gilid, comfort room na may jakusi at shower sa gilid, may tv din pero mas maliit. Yung isang pintuan naman ang binuksan ko.
Walk-in closet.
Now tell me, room lang ba yan para sa inyo? Humarap ako ulit dun sa roommate ko na busyng busy sa pagne-nail polish ng kuko nya sa kamay.
"Anong sinabi mo kanina? Prime record?"
Diko kasi masyado naintindihan yung sinabi nya. Biglang nanlaki ang mata nya at gulat na gulat sa sinabi ko. Hindi ko naman siguro sya na-offend o kung ano paman hindi ba? Inosente lang talaga ako sa mga sinabi nya.
"OMG as in OMG talaga, you don't know him? The super duper genius Prime Yvanovinch of Helena Gang? He is the number one evah since first year and you just stolen his rank" sinasabi nya yan habang kumakampay kampay yung kamay nya at hawak yung nail polish.
Pero ano daw?
Kinuha ko yung isang maliit na unan at umupo sa sofa... ang lambot. Sofa palang pwede ng tulugan, bale magkaharapan kami ngayon ni roommate. Ano nga ulit name nya? Ellione?
"Gikawat? Giunsa pagkawat?" Ninakaw, paanong ninakaw?
"Duh, puleeasee... don't yeah mention that Alien language. You make me dugo-dugo"
Ako nga ang dinudugo sa kanya eh.
"Ano yung Helena Gang?"
Sinabi nya yun diba? Ba't parang wala namang namention sa akin si Head Mistress na may Gang dito at saka, uso pala yon.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...