JAPAN
THIRD PERSON POV
"Caleb"
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa, pareho silang nagsusukatan sa kanilang mga tingin. Isang sign lang ang pareho nilang hinihintay para kumilos.
Nabasag ang katahimikan ng buksan ni Pierre ang pinto.
"Klio!"
Agad na sinipa ni Caleb ang mesa patama sa binata ngunit mukhang alam na ni Klio na gagawin nya ito kaya sinipa nya din pabalik ang mesa sa kanya. Tumalon si Caleb sa ibabaw ng mesa pasugod kay Klio. Ipinutok naman ni Klio ang kanyang baril pero nakailag si caleb at gad sya nitong nahawakan sa kamay...
Ilang sunod-sunod na putok ang narinig mula sa loob ng kwarto....
Sinubukang bawiin ni Klio ang kamay nya kay Caleb pero mahigpit ang pagkakakapit nito sa kamay nya kaya ginamit nya ang ulo nya para umpugin ang binata. Bahagya namang napaatras si Caleb sa ginawa nito at may dumaloy na dugo mula sa kanyang ulo. Susugurin na din sana ni Pierre si Caleb pero agad na isinara ni Caleb ang pinto at tumama ito sa mukha ni Pierre.
Binalingan muli ni Caleb si Klio pero sa kanyang pagharap, nakatutok na ang baril nito sa kanya...
Tinitigan ni Caleb si Klio sa mga mata nito. Alam nyang ipuputok ito ng binata kahit anong gawin nya kaya isang ngiti na lamang ang kanyang pinakawalan sa labi.
Hindi naman maintindihan ni Klio ang mga ngiting ito ni Caleb pero hindi ito sapat para pigilan sya. Ipinutok parin nya ang baril pero walang bala ang lumabas dito.
"Shit"
Sinanggi ni Caleb pataa ang kamay ni Klio at binigyan sya ng isang malakas na arm throw. Bumagsak si Klio sa ibabaw ng mesa...
"Klio!"
Napalingon si Klio kay Pierre at agad na sinalo ang baril na inihagis nito sa kanya... itinutok nya ito kay Caleb at saka sunod-sunod na ipinutok.
Mabilis at maingat na tumakbo si Caleb sa kwarto habang iniiwasan ang mga bala mula sa baril ni Klio. Isang maling hakbang nya lang, siguradong patay sya....
Mabilis syang tumalon sa basag na ngayong glass wall dahil sa mga bala na pinakawalan ni Klio at tumalon doon. Isang sasakyan naman ang naghihintay sa kanya at agad syang sumakay doon at umalis...
Sinundan ni Klio ng tingin at sasakyan. Balak pa sana nya itong barilin pero hindi nya ginawa.
KLIO POV
Dahil sa inis, nasuntok ko ang glass wall sa tabi ko. Ngayong nakita ko na sya, nakatakas naman si Caleb. Pero kahit ganun, inaasahan ko na din na mangyayari ito...
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...