Chapter 27: CALEB JESUAHEL ARAGON

159K 2.6K 753
                                    

Chapter Twenty Seven: CALEB JESUAHEL ARAGON

LYRA POV

"You want me to let her go, then make me..."

Wait teka, ano bang nangyayari? Para akong nakakakita ng kuyente sa pagitan ng dalawang ito. Hindi ba nila naiisip na nandito lang ako sa gitna nila?

At si Caleb... anong ginagawa nya dito? Diba dapat nasa Davao sya pero nakatayo sya ngayon sa harap ko, panaginip ba ito, imagination? Pero... naguguluhan ako.

"Aray!"

Tiningnan ko yung kamay ko, hawak parin nung dalawa at ang sakit na nang kapit nila. Babalian ba nila ako ng buto.

"Lyra"

Si Caleb pero hindi sya sa akin nakatingin kundi kay Sungit. Kinakabahan ako sa dalawang ito, parang may World War 3.

Ano nang gagawin ko? tama!

"Yola!"

Bumitaw ako dun sa dalawa at tumakbo papunta kay Yola, hulog ka talaga ng langit sa akin Yola, you're my savior.

"Diba may date tayong dalawa? Tara na?"

"Date?" nagtatakang tanong nito.

"Oo, diba sabi mo... maglalaro tayo nung, nung..."

Tumingin si Yola kay Sungit at Caleb at mukhang nakakutob naman ito sa nangyayari. Ngumiti pa ito at umakbay sa akin, yung tipong mag-iisip ka talaga ng kakaiba.

"Of course, let's have a date"

Napakamot naman ng ulo si Caleb at ngumiti, tumingin na din sya sa akin at sa kamay ni Yola. Wag naman siguro sya mag-iisip ng masama...

"Date of course, hindi ka nga pala babae"

"Shut up Caleb, maguusap tayong dalawa mamaya" at hinila ko na agad si Yola palayo dun sa dalawa.

Tiningnan ko si Caleb, nakangiti lang ito samantalang si Sungit, hala... mukhang sasabog na sa galit. Problema nun?

Malayo na kami ng bitawan ko si Yola, nakahinga din ako ng maluwag. Grabe, pakiramdam ko na sa isang gera ako at ako ang target.

"Salamat"

"Paano ba yan, hindi kasi ako tumatanggap ng thank you eh"

Nabigla naman ako sa sinabi ni Yola at tiningnan sya, nakangiti sya sa akin. yung ngiti na parang kikilabutan ka at pagkatapos, hinawakan nya ang kamay ko.

"Yung kanina..." kinakabahan ako, ano ba yan? "Joke lang iyon, sige babye"

Aalis na sana ako kaso hawak nya nga pala ako kaya nahila nya ulit ako pabalik.

"Diba sabi mo magdedate tayo, then lets date"

"Yola, wag kang ganyan... kinakabahan ako eh" eh kasi naman diba, pareho kaming babae.

Napaatras ako, teka... sya lang ang nag-iisang member ng Helena na babae, tapos puro lalaki pa yung kasama nya, hindi kaya... oh my gulay, tibo kaya ang isang ito?

Lumapit sa akin si Yola at napaatras ako, tapos yung ngiti nya at the way she walk, parang sumasayaw at inaakit ako. Tukso layuan mo ako...

"Seryoso ako" napalunok ako.

"Pinagtritripan mo ako"

Bigla kaming natahimik na dalawa at saka sya tumawa. Sabi na nga ba eh, pinagtritripan ako ng isang ito. Akala ko pa naman mabait ka Yola, bad girl!

"Now I know kung bakit gustong-gusto kang pagtripan ni King" tapos tawa sya ng tawa.

Nakakainis naman, kinabahan na ako dun tapos tawa pa ng tawa, kaya siguro naging member to ng Helena kasi pare-pareho silang may sayad.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon