Chapter 28: THE COPYCAT

134K 2.5K 85
                                    

Chapter Twenty Eight: THE COPYCAT

DAVAO CITY

CHRISTINE POV

Tulungan mo ako...

Pakiusap...

Tulungan mo ako...

"Ha!!!"

Shit! Ang panaginip na iyon... Napasubsob ako sa kama bago binuksan ang ilaw. It's been three years but I still remember what happened that night at alam ko na darating at adarting ang araw na malalaman ng lahat ang ginawa namin ni Caleb.

Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig, napangiti ako ng makita ang isang picture, picture naming tatlo. I never dream or wish na maging kaibigan ko sila but it did happen.

Kamusta na kaya sila?

Alam ko na may kanya-kanya kaming buhay pero simula nang araw na iyon, naging konektado na ako sa kanila.

Napatingin ako sa orasan at pagkatapos ay sa cellphone ko, ten missed calls galing sa kapatid ko. Minsan gusto kong magtampo dahil hindi man lang ako naaalala ng dalawang iyon.

It's one in the morning, sigurado akong tulog sila ngayon kaya useless din kung tatawagan ko sila but I want to give it a try.

Unang lumabas sa phonebook ko si Caleb, hindi naman makikipag-usap ang isang ito bigla na nga lang nya akong iniwan dito eh, bahala sya hindi ko sya kakausapin, si best na nga lang.

Yung ineexpect ko na madami akong missed calls na magagawa eh hindi anngyari. First ring pa lang, sinagot na agad ni Lyra ang cp nya.

"Christine"

Si Lyra... namimiss ko din ang makulit na ito. Hindi ko inakala na magiging bestfriend ko pa si Bloody Maria. Noong una, natatakot ako sa kanya, baka kasi bigla na lang nya akong patayin pero hindi, sobrang kulit din ng babaeng ito.

"Teka umiiyak ka ba?"

"Christine, ha!!!" at mas lalong lumakas yung iyak nya.

"Tumahan ka nga, alam kong namimiss mo ako pero hindi mo kailangang umiyak ng ganyan"

"Kinsa nag-ingon na ikaw akong gihilakan?" (Sinong may sabi na ikaw ang iniiyakan ko?)

Narinig ko pa syang humikbi bago ulit nagsalita.

"Nagmamarathon kami ni Ellione ng Korean drama at namatay yung bida" tapos umiyak ulit sya.

Kailan pa sya nahilig sa drama? At saka, mas iniiyakan pa nya yun kesa sa akin? Ako na bestfriend nya?

"Nakakhurt ka ng feelings ha, sige patayin ko na ito mukhang istorbo ako sa pagmamarathon mo" talagang diniinan ko yung salitang istorbo.

"Eto naman, tampo agad? I miss you best"

"I hate you" syempre pwede bang sya lang ang mag taray, dapat ako din.

"Ah, oo nga pala, nandito si Caleb sa Wimbledon"

Bigla akong napatigil sa sinabi nya. Kung ganun, sinundan pala nya si Lyra sa W.U. Hindi na ako magtataka kung gawin nya nga yon.

"Alam ko kaya nga sya nag drop out eh"

"Bakit gising ka pa pala?"

Dahil napanaginipan ko ulit ang gabing iyon pero syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Napabuntong hininga na lang ako.

(Lyra, I will make patay patay na this tv ha, I need to beauty rest na kasi, you know its not ganda kasi to may balat if I will be puyat.)

"Ok, good night"

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon