Chapter 22: AND HERE HE COMES

133K 2.8K 396
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: AND HERE HE COMES

HOSPITAL

JIREH POV

"Gawin nyo ang lahat para mailigtas sya"

"King, huminahon ka"

"Fuck! Paano ako hihinahon kung alam kong nasa loob sya nyan at... aray! Tangina, sinong gumawa nun?"

Mula sa bumukas na pinto, lumabas si Panget na may band aid at benda sa katawan, yung kamay nya, nakacast din, ams lalo syang pumanget.

"Pwede ba, huwag ka ngang OA at magiskandalo dyan... Kung umarte ka, para ka namang namatayan, buhay pa ako"

"And who the heck told you na sayo ako nag-aalala? Si Prime at Skye ang iniisip ko. Until now... wala parin silang malay, lalo na si Prime, madaming dugo ang nawala sa kanya"

Well, madami din namang nawalang dugo sa kanya, buti na nga lang at may reserve na blood dito kung hindi, siguradong natuluyan na sya.

"Huwag ka na ngang magpalusot dyan, kung talagang sa kanila ka nag-aalala, dun ka mambulabog sa tapat ng room nila, hindi dito"

At lumakad sya palayo sa akin, medyo iika-ika pa nga sya eh. Gusto ko sana syang lapitan to offer my help pero siguradong bubungangaan nya lang ako.

Kinabahan ako ng bigla syang mawalan ng malay, akala ko talaga patay na sya, ni hindi ko na nga rin maramdaman na humihinga sya.

"Sabi ko naman kasi sayo King, huminahon ka eh"

"Magsalita ka pa, tatapyasin ko yang bibig mo" at umalis ako para sundan si Panget na nakatuon sa pader. Tsk, pinipilit maglakad, di pa naman kaya dapat siguro bilhan ko sya ng wheel chair.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling..."

"Manlalalaki ako..."

Ano? Manlalalaki sya? Sa itsura nyang yan may lakas pa sya ng loob manlalaki? Sa tingin ba nya may papatol sa kanya?

"Ano?" subukan nya lang talaga.

"Haiz... King, pabayaan mo na sya, puntahan na lang natin si Prime at Skye, ok? Tara na" at hinawakan ako ni Dylan papunta sa kabilang direksyon.

"Bitawan mo nga ako, ano ba! Dylan!" tinatanggal ko yung kamay ni Dylan pero linta ata makakapit ito, si Panget ang layo na.

"Hoy Panget! Di pa tayo tapos mag-usap, Panget!"

LYRA POV

Bwisit na lalaking iyon, mas sumasakit ang mga sugat ko dahil sa ingay nya. Minsan nga gusto kong isipin na babae talag sya at hindi lalaki to think na King pa talaga ang tawag sa kanya.

Saglit akong huminto at napahinga bago binuksan ang pinto... May malay na sya pero may kung ano-ano paring nakakabit sa katawan nya.

Medyo nahihirapan parin akong lumakad o kumilos. Sabi nila, three days na daw kami nakaconfine dito pero para sa akin, kahapon lang nangyari ang lahat.

Unti-unti syang gumalaw at iminulat ang kanyang mga mata. Buti na lang at ligtas na sya, akala ko papabayaan na lang talaga sya ni Sungit. Ayoko pa sana syang guluhin ngayon pero hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman ang totoo.

Kumuha ako ng bangkuan at naupo sa tabi nya, saglit kaming natahimik. Gusto kong itanong kung Ok lang ba sya at kung bakit nya nagawa ang bagay na iyon pero sinasagot din ng utak ko ang mga tanong na iyon.

"Ang awkward nito, kung may gusto kang sabihin o itanong... magsalita ka na"

Hindi ko alam kung papaano mag-uumpisa, sa malayo sya nakatingin pero alam ko na alam na nya kung ano ang gusto kong itanong.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon