Chapter Thirty: THAT THREE YEARS
DAVAO CITY
THIRD PERSON POV
Huminga ng malalim si Klio at nag-isip. Ibabalik na sana nito ang baril ng mapansin nya ang isang lalaking sakay ng big bike nito at may hawak na baril. Nakahelmet ito kaya hindi mamukaan ni Klio ang lalaki, nagulat na lamang sya ng bigla nitong itinutok ang baril at kalabitin ito.
"Dapa!"
Hindi na nagtanong pa ang Death Monarch at agad silang dumapa para iwasan ang mga bala na pwedeng tumama sa kanila. Sunod-sunod na putok ang narinig at nabasag ang mga gamit sa loob ng bahay.
"Klio!"
Agad na inihagis ni Klio ang baril nit okay Noah, binuksan ni Noah ang pinto at pinagbabaril din ang lalaki. Tumigil ito sa pagbaril at agad na tumakas, sinubukan pa itong habulin ni Noah pero mabilis itong nakalayo gamit ang motor.
Lumingon ang lalaki, akala nito ay nakatakas na sya pero biglang isang sasakyan ang sumulpot sa likuran nya, si Krey at hinahabol sya. Sinubukan nya itong barilin pero naubusan na sya ng bala kaya itinapon nya na lang ang baril na hawak.
Beep! Beep!
Agad na nagtabihan ang mga tao sa daraanan nila, pinilit sundan ni Krey ang lalaki kahit sa makipot na daan ito lumulusot.
Lumiko ang lalaki sa isang eskenita at sa kabila namang si Krey, naiinis na ito. Nakita nya itong dumaan sa harapan nya kanina at hindi nya inaasahan na isa pala itong hitman.
Iniharang ni Krey ang sasakyan nila sa daan kung saan liliko ang lalaki at saka sya bumaba hawak ang baril nito. Ikinasa nya ito at itinutok sa lalaki. Nagderederetsyo parin ang lalaki sa gawi nya kahit na patuloy parin syang pinapaputukan ni Krey.
Agad na pinalitan ni Krey ang magazine ng maubusan sya ng bala, ginamit naman ng lalaki ang table sa tabi at mabilis na pinaandar ang motor nito. Lumipad ang motor sa ibabaw ni Krey habang patuloy parin nya itong binabaril.
Bumagsak ang motor sa kabila ng sasakyan at natumba ang lalaki. Dumulas ito derederetsyo patama sa railings. Nagawa pa nitong makatayo at tumakbo.
"Bumalik ka dito!"
Hinabol ni Krey ang lalaki, nahawakan nya ang damit nito at tinackle nya, sinipa naman sya nito at inipit ang leeg sa mga paa nya.
Nakatakas ulit ang lalaki at patuloy na tumakbo, nagawa pa nitong tumalon sa isang kart, tumayo din si Krey at tumakbo.
Hinabol ng hinabol ni Krey ang lalaki pero bigla itong tumalon ng may dumaan na yate sa harap nito. Hahabulin pa nya sana ito pero biglang naglabas ito ng baril at si Krey naman ang binaril nito.
Nagkagulo ang mga tao at nagsigawan dahil sa nangyari. Humana psi Krey nang matataguan habang umiiwas sa mga bala. Nang wala na syang marinig na putok, agad syang lumabas pero malayo na ang yate sa kanya.
"Fuck!"
KLIO POV
"Who is that?"
Tiningnan ko si Christine, nadaplisan ito ng bala sa kanang braso. Basag at sira na ang mga gamit dito sa loob. Imposible na din na tirhan pa ito.
Lumapit si Eiji sa pader, sigurado akong mataas na kalibre ng baril ang ginamit ng hitman na iyon. Tumagos ang bala sa pader at hindi lang yon... mukhang professional ang hitman na iyon.
"Quince" sagot ni Christine habang tinitingnan ang mga gamit sa paligid, "Exchange student from Wimbledon" dagdag pa nya.
Kinuha naman ni Haruna ang first aid kit at ginamot ang sugat ng kapatid, hanggang dito pala, maririnig ko parin ang pangalan ng school nay an.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...