THIRD PERSON POV
PISCES
Pumuwesto na si Conrad para sa tira nya, nakatuon ang kamay nito sa mesa habang sinisipat ang number 4 na bola sa billiard.
"Talagang pinaninindigan mo ang pagiging happy go lucky mo ha... Nagkakagulo na sila ngayon"
Ngumiti lang si Conrad sa sinabi ni Min at saka tumira, tinamaan nya ang number four at tumama din ito sa number six bago pumasok.
"As long as hindi napapahamak si Danica, bakit ako makikigulo sa away nila?" saka sya ulit pumuwesto.
"Gulo mo din ito..." sumandal si Min sa mesa habang tinitingnan si Conrad.
Masyado itong carefree, ginagawa parin nya ang ginagawa nya noon lalo na ang pagiging babaero nito kaya naman concern sya sa sitwasyon ng kaibigan dahil alam nya, sa isang iglap lang pwede itong mamatay knowing na Apostle sya at may nakakaalam na sa pagkatao nya.
"Paano kung si Lyra naman ang mapahamak, hindi ka parin ba kikilos?"
Napatigil si Conrad sa pagtira at seryosong tumingin sa kanya. Utang ni Conrad ang buhay nya dito at alam yun ni Min, kung hindi dahil kay Lyra alam nila na sana, patay na ngayon si Pisces.
"Sa tingin mo, plano nila ito?" napakunot noo naman si Min sa tanong ni Conrad.
Sumandal ito sa mesa katabi nya at ipinatong ang stick sa ibabaw nito. Tinitigan ni Min ang kaibigan at inaalam kung anong iniisip nito.
"This is a gang war kaya naisip ko na plano nya talaga ito para makakuha ng kakampi sa labang ito... Pero symepre, alam naman natin na hindi magagawa iyon ni Bloody Maria mag-isa maliban na lang kung may gagawa nito para sa kanya"
"Si Leo..."
Ngumiti si Conrad at tinapik ang balikat ni Min saka kinuha ulit ang stick sa mesa at ipinagpatuloy ang paglalaro.
"Ihanda mo ang buong gang, sa oras na magpakilala si Bloody Maria, lalaban tayo kasama nya..."
ARIES
Nasa may garden si Klio at nakaupo ito sa bench na nakaharap sa dagat. Hanggang ngayon, iniisip parin nya kung nasaan si Lyra. He spent his entire life para mahanap ang kapatid at pakiramdam nya, hanggang ngayon, wala parin syang nagagawa sa muling pagkawala nito.
Makikita nya si Lyra pero mawawala parin ito sa kanya. Para lang syang pinaglalaruan ng tadhana sa mga nangyayari.
Umupo si Amber sa tabi nya at hinawakan ang kamay nito. Amber knew he needed her the most, at ang tanging magagawa nya lang ay ang manatili sa tabi ni Klio.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...