Chapter 23: IT'S A DATE

162K 2.8K 408
                                    

Chapter Twenty Three: IT'S A DATE

WIMBLEDON UNIVERSITY

LYRA POV

Ang daming nangyari sa loob lang ng isang linggo. Nakabenda parin ang kamay ko pero mas ok na ito kesa sa cast.

"Aray!"

Shit! Ang sakit nun, nakalimutan ko may sugat na pala ako. Sino ba naman kasing may sabi na ibagsak ko ang katawan ko sa kama. Iniangat ko ang kamay ko at pinagmasdan, medyo masakit pa sya.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na natalo ko ang isa sa mga Apostle, si Pisces. Siguro lahat ng swerte sa mundo ng araw na iyon ibinigay sa akin o pinagdasala ako ng lahat ng santo kaya buhay pa ako.

Napabangon ako ng mapansin ko ang mga pictures sa ibabaw ng drawer ko. Oo nga pala, ito yung mga pictures namin ni Sungit na ibinigay ni Ellione sa akin.

Nangyari ba talaga ang lahat ng ito?

Isang buwan palang ako dito sa Wimbledon pero pakiramdam ko, matagal na akong nag-aaral dito.

Siguro saka ko na lang aalamin kung sino ang may gawa nito. Sa dinami-dami ng nangyari, kailangan ko din naman ng break.

Saan ko ba ilalagay ito?

Ayokong ilagay sa ilalim ng unan ko baka makita ni Ellione kung ano pa isipin nun, alam mo naman yung babaeng iyon, mas marami pang kilig sa katawan yun kesa sa akin eh, puno na din ang drawer ko.

Tama, baka may extrang box si Ellione.

Infernes, malinis ang higaan at gamit nya ha, maliban lang sa mga k-pop na drama at cd na bulgarang nakalabas. Saan ba nakalagay ang mga box ng babaeng iyon?

Bahagya akong yumuko at sumilip sa ilalim ng kama nya, normally kasi doon talaga naglalagay ng gamit at bingo! Ang dami nyang box dito. Dumapa ako para kumuha ng isa at binuksan ito.

"Ano ito?"

Puro maliliit na bote ang laman nung box, pero dalawang klase yung kulay nila. Kinuha ko yung isang bote na transparent ang laman at inalog ito.

"Shit! Tanga Lyra"

Siguro nga naubos na lahat ng swerte ko sa laban kay Pisces, paano ba naman kasi, tumayo ako eh nakalimutan ko na nasa ilalim nga pala ako ng kama. Nabitawan ko tuloy yung bote.

Medyo pumasok pa ako para abutin yun, ang layo... ams lalong sumasakit ang katawan ko. Somebody help me...

"What are you doing?!"

"Shit!"

Napaangat ako buti na lang napigil ko agad ang sarili ko kung hindi, bukol na talaga ang aabutin ko. Naabot ko na yung bote at tinakpan yung box ni Ellione at saka kumuha ng isang box. Hawak ko parin yung isang maliit na bote sa kamay ko na hindi ko na nagawang ibalik.

Dahan-dahan akong lumabas sa ilalim ng kama nya at si Ellione ay nakatayo na sa harap ko at ang taas ng kilay. Hala, galit ata...

"Ah, humiram lang ako ng box" pasimple kong tinabi yung maliit na bote sa bulsa ko sa likod at pinakita nya yung box.

Nakatingin parin si Ellione sa akin, mukhang hindi kumbinsido. Eh kasi baka mas lalo syang magalit pagsinabi ko na ginalaw ko yung gamit nya.

"Lalagyan ko lang nung pictures... isasauli ko na lang pag may box na ako"

Shit, kinakabahan ako sa kanya, para kasing kakaiba ang kinikilos at tingin nya eh o nagiimagine lang ako?

"Ok lang, kahit wag na" at naubo sya dun sa study table nya para magsulat.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon