LYRA POV
"Pa-Pamela?"
Pamela? Tiningnan ko yung babae sa likod, well apat sila. Sinabunutan kasi ni Pamela daw itong si Buttercup. Nagulat naman at parang natakot ang mga ito sa kanya at agad na napaatras. Hala, hindi kaya sya si Mojomojo? Maging yung ibang estudyante na nakakakita sa amin, napaatras din. Sino kaya ito?
"Ah ano... Pamela," si Blossom.
"So, ikaw pala ang girlfriend ng KUYA ko?"
Pinagdiinan nya talaga yung salitang kuya. Kuya? Girlfriend? Nakataas ang kilay nya habang sinasabi nya yan at nakatingin silang apat sa akin. Sa tindig at itsura nila, masasabi mo na mula sila sa high class society. Ang gaganda at ang se-sexy nila, may poise din at ang lakas ng dating, no wonder na nakakaagaw kami ng eksena dito.
"Sya nga Pamela... inakit nya si Jireh... nilandi at--" epal lang.
"I never thought na ganito na pala kababa ang standard ni Kuya Jireh, kahit si Aling Dionisia, papasa na girlfriend nya" and she smirk.
So, kapatid pala sya ni Sungit, kaya pala, taray ni Ate ha... Wait, kung kuya nya si Jireh... mas matanda pala ako sa kanya... Teka ilang taon na ba si Sungit? Pero, wait ulit part 2, ano yung sinabi nya?
Processing... Aling Dionisia? Nilelevel nya ang ganda ko kay Aling Dionisia? Naghahanap yata ng sakit ng katawan itong babae na ito ah.
"You're right Pam... and she's a whore by the way"
Konti na lang sasapakin ko na ang Powerpuff Girls... hilig umextra eh di na naman sila ang kinakausap.
"Hindi ko boyfriend ang kuya mo, ang sungit-sungit at ang yabang yabang nun. Tangang babae lang ang magkakagusto sa kanya" stating the fact, agree?
"So pinapalabas mo pa na si King ang naghahabol sayo? Pam, look at this pictures" inagaw nya yung mga pictures sa kamay ko na binigay ni Ellione kanina at humarap sya kay Pam at pinakita yung mga pictures pero hindi naman yun tiningnan ni Pam kaya inagaw ko ulit...
Sa akin kaya toh...
Oh, wag mag-isip ng kung ano ha... hindi ko kinuha yun dahil pictures namin yun ni Jireh, kinuha ko yun kasi... sabi nga diba ni Ellione, 5k daw halaga nun So kung ibebenta ko sya, yayaman ako, yun lang yun noh...
"And Pamela look, she's just a promdi girl na nag-aambisyong magkaroon ng estado sa buhay kaya inaakit nya si King."
Humarap ako sa kanya, at nagtaas din ng kilay... Oha, kaya ko din kaya yun. "Sino kayang ambisyosa sa ating dalawa?"
"What?" halatang nagulat yung Powerpuff sa sinabi ko at umarte pa na parang nasaktan o nagkaheart attack. Oh Please...
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...