Chapter 13: PANGET AT SUNGIT

154K 3K 331
                                    


LYRA POV


Nakatitig sya sa akin, titig na parang bumabaon sa akin sa kinalalagyan ko. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagagawang manatili sa sitwasyong kong ito ngayon nandito sya sa tapat ko at matamang nakatitig sa akin...


Halos sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong makahinga. Alam ko na sa isang pagkakamali ko lang, kaya nya akong saktan. Pinapakiramdaman ko ang bawat kilos nya... aatake ba ako o dedepensa... hindi ko alam. Nakatitig lang sya sa akin at naghihintay ng pagkakataon. Pagkakataon para matalo ako...


Sumingkit ang kanyang mga mata na para bang kahit anong oras ay handa na sya para saktan ako... Kailangan kong mag-ingat, kailangan maunahan ko sya... kung hindi, katapusan ko na...


Huminga ako ng malalim pero hindi ko parin inaalis ang tingin ko kay Sungit. Limitado ang bawat galw ko maging ang pagkurap ng aking mga mata at tanging ang tunog lamang ng orasan ang maririnig mo sa pagitan naming dalawa...


Tama... Isang pagkakataon lang ang kailangan ko at aatakihin ko na sya. Isa lang. Isa lang. Isa....


AYUN! Bingo!


"Ouch! Fuck!" natumba si Sungit sa pagkakaupo nya at hinawakan ang namumula nyang noo. Mukhang effective ang plano ko at bakas parin sa mukha nya ang pagkagulat.


"Yes! Panalo ako... panlao ako... blehhh!!!!"


Tiningnan nya ako ng masama, well ganun naman sya lagi tumingin eh... Akala nya maiisahan nya ako? Pwes, nagkakamali sya... dahil ako! AKO! Ako ang nagwagi!!!


"Ayoko na! Dinadaya mo ako..." sabay tayo at pagpag sa pants nya...


"Anong dinadaya, sabihin mo mabagal ka lang..."


Siguro nagtataka kayo kung ano ang ginagawa namin. Well naglalaro lang naman kami ng PITIK-NOO. Game yun na paunahan sa pagpitik sa noo at pagsinuswerte ka nga naman, ako ang nanalo. Nung una, naiiwasan nya ang mga pitik ko at nasasangga. No sweat nga eh, pero sinugurado ko talaga na itong huli... Tatama sa kanya... Galing ko talaga.


Umupo ako malayo sa kanya, halos dalawang oras na din pala kami nakakulong dito. Yup, nakakulong...


Ano ba kasi ang nangyari nung magising ako?



Flashback...


"Virgo" dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at


"FUCK! ANONG PROBLEMA MO?!"


Nakahawak si Sungit sa noo nya na inuntog ko. Oo, inuntog ko. Sorry naman. Ikaw ba naman na magising at sya ang una mo agad makita na nakatitig sayo diba, kung di ka ba naman magulat! Pasalamat nga sya at yun lang ang ginawa ko eh...

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon