Chapter 53: TWO LEOS

118K 2.4K 464
                                    


HELENA HEADQUARTER

JIREH POV


He is what? Leo? Does it make sense?


"Anong proof mo?"


"Proof? Ipapakita ko din sa inyo ang proof na iyon"


Sya si Leo, ang bestfriend ni Lyra? Kaya ba ganun na lang ang confidence nya sa sarili nya at akala mo kung sino syang umasta. Pero, base sa description nya noon sa UC, wala pang nakakakita sa kanyang lumaban at madalas lang syang makitang kasama ni Aries at Virgo. Nagpunta din sya ng Japan at-


Mas lalo lang yata akong naguguluhan sa mga naiisip ko... pero isa lang ang nasisigurado ko, kung Apostle nga sya, delekado ang buhay ni Lyra sa kanya.


But then, we tested his capability before and there's nothing special to him not until now. Kung totoo man ang sinasabi ni Prime, mas malaking gulo ito at hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Panget ang tungkol sa bagay na ito.


"Make sure of it Prime..."


"No need to tell me that, kilala nyo ako"


First, Pisces then the Death Monarch at ang Gemini, after that si Libra... kung iisipin mo nasa paligid lang namin ang mga Apostles at mas lalo pang nakadagdag sa pag-iisip ko yung sinabi ni Shin.


First, you trust each other so much and second... you let your emotion controls you, that are the weaknesses of Helena Gang...


Tumingin ako sa mga kasama ko, hanggat maaari ayoko ng mangyari ulit ang mga nangyari noon at kung may traydor man sa Helena Gang. Anong gagawin ko?


Napatingin ako sa calendar at napansin ang date, oo nga pala... ngayon ang araw na yon, muntikan ko ng makalimutan. Tumayo ako at agad na kinuha ang susi ng kotse ko.


"Saan ka pupunta?"


"May dadalawin lang..."



PRIME POV


Nasabi ko na kay King ang nalalaman ko, proof na lang ang kailangan para mapatunayan iyon. Napadungaw ako sa may terrace ng makita ko syang naglalakad sa may pathway. Aaminin ko, sikat din sya sa lahat at bumabati din sya sa lahat ng bumabati sa kanya pero... hindi parin nun mababago ang hinala ko.


Isang bagay ang naisip kong gawin at sigurado ako, hindi sya lilingon sa isisigaw ko.


"Leo"


Saglit syang tumigil pero nagpatuloy parin sya sa paglalakad. Sabi na nga ba, tama ako.


"Aragon!"


Lumingon sya habang ginugulo ang buhok nya, "People have a habit of calling me in someone else name..."

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon