Chapter 50: VACATION

143K 2.7K 947
                                    


ISLY POV


"What a coincidence. Did you know na marunong din magjapanese at Italian si Bloody Maria?"


Halatang nagulat sya sa sinabi ko... totoo pala yun, na kahit may amnesia ang isang tao, may mga bagay parin na tumatatak sa kanya.


"It's better na ipacheck up mo yang ear mo and tell me, kung may complications"


Tumalikod na sya sa akin at saka umalis pero alam ko na naandoon parin ang pagtataka sa kanya.


"Did you see that? Alam na nya."


From the side, bigla namang lumabas si Caleb at naupo sa tabi ko. Base sa reaction nya, mukhang alam na ni Lyra ang pagkatao nya pero bukod doon, syempre, hahanap at hahanap sya ng proof para patunayan ito.


Sa tingin ko, matagal na nyang alam ang tungkol sa bagay na ito, yun nga lang... hindi nya matanggap ang katotohanan dahil na nga siguro mahal nya si King.


Malaki ang galit ni King sa mga Apostles lalo na kay Bloody Maria at kapag nalaman nya ang totoo, alam kong pareho silang higit na masasaktan at yun ang iniiwasan ni Lychii na mangyari.


"You made me show my mask... I want to do the same thing to you..." bumaling ako kay Caleb na nakangiti.


"There's no need. Someone will do it for you"


Kung ganun, meron na din palang nakakaalam ng pagkatao nya maliban sa akin. Mukhang mas malaking gulo ito. Napatingin ako sa necklace na suot nya, the Virgo necklace... I heard na binigyan ni Jireh si Lyra ng necklace.


"I'm expecting a good show since I gave you one." at kinagat ko yung chocolate na hawak ko.


"Then ituloy mo lang ang pagiging observer hanggang sa araw na magpakilala na sya..."


Tumayo na si Caleb ng dumating si Shin at lumapit sa akin. As expected, kilala na nya kung sino ang traydor sa Helena.


So until that day. I will remain as an observer at kung magiging ano ako, nakadepende na yun sa mga susunod pang mangyayari.


"Anyway, about the 13th Apostle, Ophiuchus, arent you interested to find who he is?"


"No" at tuluyan ng umalis si Caleb.



AZALEIA POV


"Jireh..."


"Please Azaleia"


"Do you really love her?" I held his hand na agad din naman nyang tinanggal.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon