Chapter Thirty Four: POISON
CHRISTINE POV
Kailangan kong makalayo, kailangan kong mahanap si Caleb pero saan ko sya hahanapin? I lost contact of him simula ng umalis sya...
Tama, sa Wimbledon, Lyra told me, he was there...
Sinamantala ko ang pagkakataon na nawalan ng electric power ang mansion, dahil doon, nagshut down ang system ng Death Monarch, since wala si Eiji, mahihirapan sila na ibalik ito.
Bigla akong napatigil ng may isang motor ang humarang sa harapan ko. Napaatras ako at tinitigan kung sino ito...
"Do you think, you can escape me... Bloody Maria?"
Shit! That voice, Quice Trajano...
Hindi na ako nag-isip pa at tumakbo ako papalayo sa kanya. Narinig ko naman ang ingay ng engine ng motor nya sa likuran ko at hinahabol ako.
Hanggang dito ba naman nasundan nya ako? It's better for him to be dead, hindi ito ang oras para labanan ko sya.
Lumiko ako sa may isang eskenita kung saan hindi sya makakapasok at tinalon ang pader sa dulo nito. Medyo napagulong pa ako ng bumagsak ako sa kabila at sa isang tabi, nakita ko ulit ang motor nya papunta sa direction ko.
Derederetsyo lang ang motor nya habang tumatakbo ako. Mukhang wala na akong choice, kanina pa ako takbo ng takbo at pagod na din ako. Bigla akong huminto sa pagtakbo at humarap sa direction nya, nagslide pa ang paa ko habang pilit na humihinto sa pagtakbo.
Malapit na sa direction ko si Quince, huminga ako ng malalim at saka tumakbo ulit but this time, pasugod na sa kanya.
Iniangat nya ang kamay nya para itackle ako, pero ng malapit na ito sa mukha ko agad akong nagbend at nagpadulas sa ilalim ng braso nya saka sinipa ang gulong ng motor nito dahilan para matumba sya at tumama sa pader.
Tumakbo ulit ako papalayo habang hindi pa sya nakakatayo mula sa ginawa ko.
Shit!
Nasundan nya ako hanggang dito, kailangan ko ng makita si Caleb sa lalong madaling panahon.
QUINCE POV
Kung iniisip nya na matatakasan nya ako, nagkakamali sya...
Ilang beses ko ding inobserbahan ang mansion ng Death Monarch Gang, nagulat ako ng malaman kong may connection pala sya sa mga ito.
Hindi ako makalapit o makapasok sa mansion sa higpit ng security nito, well ineexpect ko na naman yon kaya naman naghintay na lang ako ng tamang pagkakataon para sumugod at patayin si Virgo.
I was shock ng biglang magshut down ang power source ng mansion at isang anino ang nakita kong tumalon sa pader. Agad ko itong sinundan at pinagmasdan, it was her.
I tried to capture her pero natakasan nya ako.
"Fuck!"
Umiikot pa ang paningin ko at medyo namanhid ang katawan ko. Tumama ang ulo ko sa pader sa ginawa nya, good thing nakahelmet ako kung hindi, baka napuruhan nya ako.
Dahan-dahan akong tumayo at hinubad ang helmet na suot ko saka nilapitan ang nakatumba kong motor.
Ngayon saan ko sya hahanapin?
Kung makikilala ko lang ang lahat ng may koneksyon sa kanya, madali ko sana matutukoy kung saan sya pupunta.
Dalawang tao lang ang alam kong may connection sa kanya, that Caleb Aragon and Lyra Salcedo.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
AçãoDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...